Chapter 5: "Hating Brian"

119 35 17
                                    

"OUCH! That was hurt!" Iiling-iling na anas ni Nicky matapos masampal si Brian ni Andrei. Parang pakiramdam nito ay siya ang nasampal.

"Kailangan ko munang mapag-isa. Maiwan ko na muna kayo." Saad ni Brian sabay alis at iniwan na ang mga kasama sa hallway.

Natitigilan namang nasundan na lamang ito ng tingin ng mga kasama.

"MISS TEJERO, why are you late?" Madilim ang mukhang salubong ni Mr. Willard kay Andrei at nakapamaywang pa, "aren't you informed the exact time of the training?"

Napayuko na lang si Andrei nang makita ang galit na mukha ng kanilang Head Coach. "I'm sorry Coach. Nag-extend pa po kasi ng ilang minuto ang Chemical Professor namin para sa research kaya po ako late." Paliwanag niya.

"You're almost one hour late, Miss Tejero. Usually, nagi-extend lang ang mga professors sa klase nila ng not more than 15 minutes. So, gaano ba kalayo ang Science Building dito sa arena at inabot ka ng 45 minutes all the way coming here?" Iritadong saad nito. Mukhang nakakadagdag pa sa init ng ulo nito ang madalas na palpak na tira ng mga Lady Tornadoes pagdating sa batting at pitching during the training.

"I am so sorry Sir. 'Di na po mauulit." Paghingi na lang niya ng paumanhin. Ayaw na niyang magdahilan pa ng kung anu-ano dahil tapos na rin naman. Heto na at napagalitan na siya. Ang kailangan na lang niyang gawin ay ihanda ang sarili sa parusang ibibigay ng kanilang Coach sa kanya.

"Talagang hindi na dapat pang maulit ang bagay na 'to Miss Tejero dahil malalagay ka na sa penalty. Alam mong hindi ko pinapayagan ang mga tatamad-tamad na players sa team ko. Lalo pa ng isang naturingang scholar na kagaya mo. You are supposed to be responsible enough on your duties! You should be thankful because you are so lucky of being here and being part of the team, but you will be the unluckiest person kapag tinanggal kita sa grupo ng dahil sa kapabayaan mo. Do you understand?" Mahabang saad ni Mr Willard. Kitang-kita nga ang galit nito ng mga sandaling iyon. Malas lang talaga ni Andrei na sa kanya pa nabunton ang lahat ng galit nito.

Agad naman siyang tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi nito, "yes Coach, I understand."

Masakit sa part niya ang mga sinabi nito. Oo nga at scholar lang siya ng IU kaya hindi mangingimi ang mga ito na tanggalin siya sa grupo kapag puro kapalpakan lang ang hatid niya. At iyan ang bagay na hinding-hindi niya mapapayagan. Kailangan na kailangan niya ang scholarship na ito. Malaki na ang naisakripisyo ni Andrei sa kanyang pag-aaral kaya hindi niya mapahihintulutan ang sinuman o anumang bagay na magbibigay daan para mawala ang lahat ng kanyang pinaghirapan.

"Now, you stay there," muling saad ni Mr Willard kay Andrei at itinuro nito ang gilid ng base kung saan naroon ang ilan sa mga nagpapahingang team mates niya, "hindi na muna kita papasalihin sa training ngayong araw. Pero hindi ka pa rin puweding umuwi. After the training you will face your punishment for being late." Seryusong saad nito.

"Oh God!" Nanlulumong anas ni Andrei sa sarili. "Sinasabi ko na nga bang mapaparusahan ako dahil dito eh. Kasalanan mo 'to Brian McFadden! Kasalanan mo ang lahat ng 'to!" Palihim na paninisi niya kay Brian.

"Ano bang nangyari Andrei?" Bungad ni Mariz sa kanya ng maupo siya sa tabi ng mga kasama.

"Mahabang kuwento Mariz. Saka ko na lang sasabihin sa'yo." Nakayukong sagot niya sa kaibigan. Alam niyang higit sa lahat ng mga kasama nila sa grupo, tanging si Mariz lang ang may malasakit at nakaka-unawa sa kanya dahil may matagal na rin silang pinagsamahan.

Pinakatitigan muna siya ni Mariz ng matagal na tila kinikilatis ang kilos niya bago ito tuluyang nanahimik. Pansin nito ang inis at panlulumo sa mukha ni Andrei kaya minabuti na lang nitong huwag ng magtanong pa.

Unbreakable[#Wattys2016]Where stories live. Discover now