Chapter 1: "Brian"

237 47 24
                                    

Intercontinental University

"THIS is it!" Kabadong saad ni Mariz nang tumuntong sila sa tapat ng entrance ng Intercontinental University. At bahagya pang napahinga ng malalim.

"Wow! Grabe ang laki-laki ng campus at ang ganda!" Bulalas ni Andrei habang iniikot ang paningin sa kabuoan ng paligid.

Ito ang una nilang tuntong sa lugar na ito at hanggang ngayon ay hindi parin sila makapaniwala na dito na sila mag-aaral. Binigyan silang dalawa dito ng full scholarship at free accommodation ng university kapalit ng paglalaro nila bilang miyembro ng team Lady Tornadoes. Ang ultimate team ng unibersidad sa larong Softball.

At para kay Andrei, kailangan niyang tumbasan ang lahat ng ito. Pagbubutihan niya ang pag-aaral at patuloy siyang magbibigay ng karangalan sa paaralan para hindi ito bawiin sa kanya. Lahat isasakripisyo niya alang-alang sa pag-aaral dahil tanging ito lang ang susi niya para mai-ahon ang pamilya sa kahirapan.

"Tara na sa loob. Hanapin na natin ang dorm." Saad ni Mariz pagkuwa'y diretsu ng pumasok sa malaking gate ng campus. Halata ngang sosyal masyado ang school na ito dahil guwardyado ito at napakaraming kailangang ipakita sa guard bago makapasok sa loob.

HABANG sinusundan nina Andrei at Mariz ang daan papunta sa dorm na nakatala sa mapa, napansin nila ang napakaraming bulto ng estudyante na naghihiyawan at tumatakbo papunta sa isang direksyon. Karamihan sa mga ito ay mga babae na tila kilig na kilig.

Napakunot-noo ang dalawa habang nagkatinginan. Pareho sila nagtataka at nagtatanong ang isip kung ano ba ang naroon na pinagkakaguluhan ng mga estudyante.

"Ano kaya ang meron do'n? Prang nababaliw ang mga tao." Naka-ismid na tanong ni Mariz at todo ang pagka-kunot ng noo.

Iiling-iling lang din si Andrei dahil pareho naman silang walang alam sa nangyayari.

"Dumating na ang Westlife!"

"Oh my God! Talaga? Nasaan na sila? Tara puntahan na natin!"

Narinig nilang kilig na kilig na bulungan ng dalawang babaeng dumaan sa kanilang harapan.

"W-Westlife? 'Yong boyband?" Nanlaki ang mga matang napatingin si Andrei sa kasamang si Mariz.

"Ay, oo nga pala!" Natampal ni Mariz ang kanyang noo ng biglang may naalala. "Nawala na sa isip ko. Dito rin pala nag-aaral ang Westlife!" Saad niya.

"Talaga? Paano mo naman nalaman?" Takang-tanong ni Andrei.

"Eh, natural nag-research ako tungkol sa school na 'to sa Google. Dito tayo papasok kaya dapat lang na may alam ako kahit na kaunting background ng IU kahit papa'no." Mapaklang sagot ni Mariz. Mataray talaga ito kaya nga hindi talaga sila close ni Andrei.

Natawa na lang din ni Andrei sa tinuran ng kasama. "Fan ka rin ba ng Westlife?" Pagkuwa'y naitanong niya.

"Oo naman!" Mabilis pa sa alas kuwatrong sagot ni Mariz. "Crush na crush ko dun si Brian." Kinikilig na sagot nito.

"Hindi halata." Bahagyang natawa si Andrei. "Bakit wala ka man lang nababanggit sa team tungkol sa kanila?"

"Bakit, close ba tayo? Tsaka may nagtatanong ba? Wala naman 'diba?" Mataray na sagot nito.

"Kung sa bagay." Tatango-tango namang tugon ni Andrei.

Maya-maya pa ay napansin nilang palakas na ng palakas ang hiyawan ng mga estudyante, at ilang sandali lang ay halos hindi na nila namalayan na napuno na ang kanilang kinaroroonan ng napakaraming estudyante.

Unbreakable[#Wattys2016]Där berättelser lever. Upptäck nu