Chapter 7: "Kidnapped for Friendship"

107 32 6
                                    


"IBANG klase siya. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng nang-reject sa Westlife!" Bulalas ni Shane habang tanaw ang babaeng papalayo.

"Pakipot lang 'yan. Papayag at papayag din siya." Nakangising sagot ni Brian.

"So, what's your plan?" Natanong naman ni Kian.

"Basta. Mapipilitan din siyang pumayag." Ani Brian.

SIMULA na ng Big Game ngayong araw kaya naman maagang gumising sina Andrei at Mariz para mag-jogging. Kailangan nilang i-kundisyon ang kanilang mga katawan para maging handa sila sa laro.

Matapos mag-jogging ay bumalik na agad sila sa dorm para ayusin naman ang kanilang mga kakailanganin sa laro.

"Mariz, mauuna pala akong umalis sa'yo ha? May kailangan pa akong daanan eh." Ani Andrei habang naglalagay ng dalawang pares ng spike shoes sa bag.

"Anong oras ba ang usapan ng team niyo sa call?" Tanong ni Mariz habang nagtatali naman ng buhok.

Hindi kasi magka-team ang dalawa sa big game tournament na ito. Si Andrei ay kasali sa team na Lady Flash na binubuo ng mga manlalaro galing sa Science, Law, at Education Department.Samantalang kabilang naman si Mariz sa team ng Lady Craws na binubuo ng mga departamentong Criminology, Engineering, at Forestry.

Limang team ang maglalaban-laban sa Big Game na ito at ang ibang grupo ay binubuo rin ng mga Mixed Departments.

"Ah," sinipat muna ni Andrei ang wall clock sa kanilang kuwarto pagkuwa'y muling tumingin sa kaibigan, "8:30 ang usapan ng team namin. Sabi kasi ni Team Coach Arnold 30 minutes before the opening kumpleto na kameng lahat sa arena para sa early selection of first nine na ipapasok niya sa first inning ng laro."

"Ah, gano'n ba? Maaga pa naman eh. We still have a couple of hours para sa assembly." Nakangiting tugon ni Mariz. "Sa tingin mo Andrei, anong team kaya ang mapipili para sa opening? Sana naman huwag muna maging magkalaban ang team natin." Patuloy nito.

"Kinakabahan ka ba Mariz?" Natatawang tudyo ni Andrei sa kaibigan.

"Ah, hindi naman. Ayaw ko lang na may makatikim ng pagkatalo ang alin man sa team natin dito sa opening ng Big Game. Ang saklap kaya no'n." Paliwanag ni Mariz.

"Sabagay tama ka Mariz," sang-ayon ni Andrei dito, "bad vibes agad 'yon. Pero may chance parin naman para maka-move sa championship eh."

"Hay, bahala na nga si Batman!" Pabirong sabi ni Mariz at tinapos na ang ginagawa. "Tapos ka na ba d'yan?" Pagkuwa'y baling nito sa kanya.

"Sandali na lang, bakit?"

"Mag-warm up muna tayo." Pilyang saad ni Mariz at tinitigan ng makahulugan si Andrei.

"Warm up? Nakapag-jogging na tayo't lahat-lahat warm up parin?" Salubong ang mga kilay na takang-tanong ni Andrei dito.

Sa halip na sagutin si Andrei ay tinalikuran siya nito at nagpunta sa kusina. At nang magbalik ay may hawak-hawak na itong isang baso na may laman. Ngunit hindi niya mawari kung ano ang laman niyon.

"Ano 'yan?" Muli niyang tanong.

"Shot tayo. Pampakundisyon lang ng katawan." Natatawang sagot ni Mariz.

"Ha? Ano ka ba Mariz! Nakita mo ng bawal tayong ma-impluwensyahan ng alak during the game. Ibalik mo na nga 'yan kung saan mo 'yan nakuha." Pagalit niya.

Biglang tumawa ng malakas si Mariz, "ano ka ba naman Andrei ang KJ mo talaga kahit kailan! Hati lang naman tayo sa laman nitong baso. Magiinit lang ang katawan natin dito, wala 'tong tama." Pangungumbinsi nito.

Unbreakable[#Wattys2016]Where stories live. Discover now