Chapter 4: "Twisted Hearts"

147 39 9
                                    

This chapter is dedicated to
Heartfeehily, Marizhood , MissMiha, mypricelessheart20 , MsMystery14Kochiwa ,
Sana magustuhan niyo po! Sorry kung mabibitin po ulit kayo. Sorry din sa matagal na update.. Na-writers block po kc ako..

So ito na po, Enjoy Reading!

•••••••••••••••••••••••••••••••••••

"PADER ba ang tinatanong ko?" Sarkastikong muling tanong ni Brian.

"A-ah, h-hindi." Nauutal na sagot naman ni Andrei. Subra talaga siyang kinakabahan at hindi niya alam ang gagawin sa mga oras na ito.

"Eh, bakit hindi ka sumasagot nang tanungin kita kanina?" Pigil parin ang galit na saad ni Brian.

"S-sorry. Nagulat lang kasi ako." Nakayukong sagot ni Andrei dahil hindi na niya kaya pang salubungin ang mga titig ni Brian. Nakakaramdam siya ng takot sa tuwing makikita niya ang madilim na mukha nito at tila nag-aapoy na mga mata sa galit.

"Kanina ka pa nandito ano?" Taas-kilay na saad ni Brian.

"H-hindi. Hindi. Kararating ko lang dito ngayon-ngayon lang bago umalis 'yong babaeng kausap mo kanina."

"Bago umalis ang babaeng kausap ko?" Nangunot ang noo ng lalaki at nagdududang tinitigan si Andrei, "so, ibig sabihin nakita mo kameng nag-uusap at malamang narinig mo rin ang pinag-usapan namin."

"Ah, h-hindi!" Agad na tanggi ni Andrei, "wala akong narinig na anuman."

"Ah talaga? Sigurado ka? Alam mo, wala akong pakialam kung i-tsismis mo man ang nakita at narinig mo sa lugar na 'to ngayon. Gawin mo," hamon pa nito, "hindi na ako magtataka kung bukas na bukas din ay laman na ako ng tabloids at TV na pinag-uusapan ng lahat." Pigil ang galit na saad ni Brian.

"Hindi ako tsismosa! At hindi ko ipagkakalat ang kung anumang nakita at narinig ko." Galit na sagot naman ni Andrei.

"So, nakinig ka nga sa usapan namin," napapa-iling na sabi ni Brian, "alam mo, puwede kitang bigyan ng Head Line sa ibabalita mo. What about, 'Brian McFadden of Westlife Boyband is hopeless romantic and saw begging his Ex Girlfriend to be back', how's that?"

"Hindi nga sabi!" Inis na tanggi ni Andrei. Bakit ba ipinagpipilitan nitong tsismosa siya?

"Halika, sumama ka sa'kin." Saad ni Brian pagkuwa'y walang paalam na hinawakan niya ang kamay ni Andrei at hinila ito.

Biglang nagulat si Andrei sa ginawang iyon ni Brian kaya hindi siya kaagad na nakapalag. Anong kailangan nito sa kanya? Saan siya nito dadalhin? Iyon ang mga tanong na nabuo kaagad sa kanyang isipan.

"S-sandali! Bitawan mo nga ako. Saan mo ba ako dadalhin Brian?" Pagpupumilit ni Andrei na kumawala sa pagkakahawak nito. Ngunit hindi niya magawa.

Napansin pa niyang lalong bumilis ang ginagawang paglalakad ng lalaki kaya halos makaladkad na siya.

Sa pagpupumilit na kumawala sa lalaki ay hindi na niya namalayan pa kung gaano na kalayo ang nalalakad nila. Sa huli, pinili na lang din niyang manahimik na at hayaan na lang ang lalaking hilahin siya. Halos patakbo na nga ang ginagawa niyang paglalakad dahil sa laki ng mga hakbang nito.

Unbreakable[#Wattys2016]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon