Chapter 2: "Getting Started"

178 44 9
                                    


"ANO?!" Malakas na sigaw ni Mariz ng marinig niya ang sinabi ni Andrei. "Tinarayan mo si Brian? As in si Brian ng Westlife? Oh my God! Nababaliw ka na!" Inis sa sabi pa nito.

"Eh, hindi ko naman talaga kasi alam na siya 'yon, Mariz. Masakit ang ulo ko nung time na 'yon, at nanlalabo ang paningin ko. Hindi ko naman sinasadya. Huli ko na ng napansin na siya pala 'yong ubod ng yabang na lalaki na sinabihan akong panget." Mangiyak-ngiyak na sagot niya habang nakasubsob ang mukha sa kama. She really felt embarrassed sa nangyari sa kanila ni Brian sa waiting shed. Napahiya talaga siya hanggang dulo ng buhok!

"Talaga? Sinabi niya 'yon sa'yo? Sinabi niyang panget ka directly?" 'Di makapaniwalang tanong ni Mariz.

"Well, hindi naman talaga gano'n 'yong pagkasabi niya. Hindi daw ako maganda kaya wala daw akong karapatang snob-in siya." Paliwanag ni Andrei.

Natawa ng malakas si Mariz sa tinuran ng kasama. "Totoo naman kasi." Saad nito at muling tumawa.

"Ano ka ba naman Mariz! Nanlait ka pa. Hindi ko naman talaga kasi sinasadya." Biglang napabangon si Andrei para harapin ang kasamang si Mariz habang tudo-tudo kung makasimangot.

"Hindi kita nilalait ah! Ang ibig ko lang sabihin, para sa standard ng Westlife ay wala ka talagang ganda! Let's accept the fact that 'yong mga beauty queen at celebrity ang pinaka-pinagbabasehan nila ng salitang maganda. At tayong mga ordinaryong tao na karaniwang taga-tili at taga-palakpak lang nila ay wala talagang binatbat. Naiintindihan mo ba 'ko?" Mahabang paliwanag ni Mariz.

"Whatever! Basta nag-iba na ang tingin ko kay Brian. Para sa'kin, saksakan talaga siya ng yabang at hangin sa katawan! Porke sikat siya at guwapo gano'n na ang ugali niya! Hmmp!" Galit na sabi niya sabay higa ulit sa kama. Kinuha niya ang isang unan at itinakip niya iyon sa kanyang ulo.

"Alam mo, kung hindi lang kita kilala at ka-team mate Andrei, sinapak na kita sa mga pinagsasasabi mo tungkol sa crush kong si Brian. Pasalamat ka." Masungit na sabi ni Mariz pagkuwa'y humiga na rin sa sariling kama.

"Ewan ko sa'yo. Good night na." Sagot naman kaagad ni Andrei ng hindi man lang kumikilos sa posisyon niya.

"Good night din." Tipid na sagot ni Mariz at pumikit na rin.

Madalas silang magbangayan na dalawa pero hindi naman nila hinahayaang umabot pa iyon sa pag-aaway. Minsan dinadaan na lang nila iyon sa biro.

NAALIMPUNGATAN si Brian ng maramdaman niya ang tubig na pumapatak sa kanyang mukha. Inihilamus niya ang kamay sa kanyang mukha kasabay ng pagmulat ng kanyang mga mata.

"Shit! What the-" Napabalikwas agad ng bangon si Brian nang makitang nakatunghay sa kanya si Nicky habang may hawak na maliit na water spray gun, at binabasa ang mukha niya ng tubig. "Pwe!" Inis na anas niya nang may ilan pang tubig na nakapasok sa kanyang bibig.

Naroon din sa kuwarto sina Shane, Kian, at Mark na tawang-tawa habang kinukuhanan ng video ang dalawa.

"Hey! Come on guys, what are you doing? Stop that!" Saway ni Brian sa mga ito habang nakapamaywang pa na nakatayo sa ibabaw ng kama.

"Nothing baby, Brian. We're just having fun!" Natatawang sagot naman kaagad ni Shane sabay blow ng maliit na trumpet, na gumawa ng nakakabulabog na ingay sa buong silid.

"Yeah, I see. It's obvious," tatango-tangong saad ni Brian ng may iritasyon sa boses, "that you're making fun of me! Puwede ba guys itigil niyo na 'yan? It's early in the morning and you're ruining my day! Ano ba naman kayo?"

"Who says that it's still early?" Iiling-iling na sabat naman ni Nicky. Ini-angat pa nito ang braso at tiningnan ang wrist watch. "Time check, 12:45 in the afternoon. It's lunch time already, baby." At pinasundan pa iyon ni Nicky ng nakakalokong tawa.

Unbreakable[#Wattys2016]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon