Chapter 3: "Brian's Tears"

150 45 13
                                    

Brian's Tears

PAWISANG naupo si Brian sa isang bench na malapit lang sa track and field kasama sina Shane, Mark, Kian, at Nicky, kung saan madalas na nagpapahinga ang mga athletes na nag-iinsayo sa arena.

Napagpasyahan nilang magpahinga muna dahil kanina pa sila naglalaro ng soccer.

"Teka lang guys, parang may napapansin ako eh." Simula ni Kian ng usapan pagkatapos niyang uminom ng tubig.

Nagtataka namang napatingin ang lahat sa kanya.

"What is it?" Di napigilang itanong ni Shane. Habang ang iba naman ay naghihintay lang sa paliwanag ni Kian.

"Napapansin ko lang kasing palagi na lang nagyayayang maglaro dito si Brian. Halos araw-araw na lang." Natatawang saad ni Kian.

"Ah, akala ko ako lang ang nakaka-pansin. Pati rin pala ikaw Kian." Tatango-tangong sabat ni Nicky habang natatawa.

Makahulugan din nilang tinitigan si Brian na noon nama'y todo kung makakunot ang noo na nakatingin kay Kian.

"Ano naman ang masama do'n?" Kunot-noong tanong ni Brian sa mga kasama.

"Wala naman pare. Para kasing may kakaiba eh. Dati-rati naman ikaw pa 'yong halos kaladkarin namin sumama lang dito. Pero napapansin ko rin na ikaw na ngayon ang madalas na magyaya sa'ming maglaro. Bakit nga ba?" Mahabang saad ni Mark. Makahulugan din ito kung makatitig kay Brian.

"Ano ba kayo? Wala namang masama kung magyaya ako ditong maglaro. In fact, nalilibang pa tayo at nai-exercise kaysa naman palaging nakatunganga sa dorm habang hinihintay ang paglipas ng oras. Tsaka, pag marami na naman tayong projects for sure hindi na natin 'to magagawa ulit." Mahabang paliwanag ni Brian.

"Ah talaga?" Pigil ang tawang tanong ni Kian.

"Baka naman may iba pang dahilan. Baka naman gusto mong i-share sa'min, Brian. Sa pagkakaalam ko kasi ikaw ang pinaka-tamad sa grupo when it comes to sports." Nakangising dagdag pa ni Shane.

"Haay," naitirik ni Brian ang kanyang mga mata, "ano ba naman kayo pare. Ako na naman ba ang nakikita niyong bibiktimahin ng kalokohan ngayon? Tigilan niyo nga ako." Reklamo pa niya pagkuwa'y ibinaling sa iba ang paningin.

Heto na naman kasi siya at pinagtutulungan ng mga kaibigan. Mukhang siya na naman ang trip ng mga ito kaya hanggat maaga pa ay iiwas na siya.

"Wow!" Bulalas ni Nicky habang seryusong nakatanaw sa baseball court. Nakita kasi nito ang isang napaka-gandang ginawang pag-bat ng bola ng isang babaeng player. Lahat din pala sila ay nakita ang tirang iyon.

"Teka lang babae ba talaga ang nag-bat na 'yon? Grabe, ang galing niya!" Bulalas ni Mark sa pagka-mangha.

"Perfect high straight! Kahit ang mga lalaking baseball player ay mahihirapang saluhin o kaya i-block ang tirang 'yon." Saad naman ni Kian.

"Transferee lang ang babaeng 'yon. Bagong salta siya sa Lady Tornadoes." Paliwanag ni Brian habang hindi inaalis ang tingin sa mga naglalarong babae. Si Andrei ang babaeng iyon na tinutukoy niya.

Kunot-noo namang napatingin ang lahat sa gawi ni Brian. Lahat nabigla at nagtataka sa tinuran nito.

"Ano daw?" Makahulugang tanong ni Shane. "Kilala mo ba ang babaeng 'yon?" Dagdag pa niya ng may pagtataka.

Tila nagulat naman bigla si Brian nang matauhan sa sinabi niya, "hindi. Hindi ko siya kilala." Tanggi niya.

Makahulugan parin siyang tinitigan ng mga kasama at walang salitang matamang nakatitig sa kanya.

Unbreakable[#Wattys2016]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon