Chapter 11 "Care"

112 14 46
                                    

SEMIFINALS na ng Big Game kaya naman abala na ang lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



SEMIFINALS na ng Big Game kaya naman abala na ang lahat. Si Andrei ay puspusan nang nag-insayo nitong mga nakaraang araw para paghandaan ang "Do or Die" game na gaganapin ngayong araw.

Ang grupo nina Mariz ang secured na sa championship at siyang makakalaban ng mananalong team ngayong semifinals.

Pangarap ang pinairal ni Andrei sa kanyang isipan. Ito ang hindi dapat na masira dahil para ito sa kanyang mga pangarap. Gagawin niya ang lahat para mapili siya sa larong gaganapin sa Brooklyn ngayong darating na semestral break.

"Andrei, halika na! Bilisan mo na d'yan!" nagmamadaling tawag ni Mariz sa kanya. Nasa labas na ito ng pinto ng kanilang dorm at ready to go na! Manunuod ito sa laro upang bigyan ng moral support ang kaibigan.

"Oo nandiyan na!" sigaw na tugon naman ni Andrei mula sa loob ng dorm. Pagkuwa'y nagmamadaling lumabas. Bitbit ang malaking sports bag kung saan naroon lahat ng mga gamit na kakailanganin niya sa laro.

"Nag-shot ka pa ano?" tukso ni Mariz nang makitang bahagya pang pinunasan ni Andrei ang kanyang mga labi gamit ang likod ng kanyang kamay.

Natatawang tumango si Andrei. "Kinakabahan ako, e," aniya.

Malakas na natawa si Mariz. "Tama 'yan! Natututo ka na, ha?"

"Oh, tara na! Isang shot lang naman, e," ngingiti-ngiting sabi niya. At naglakad na pababa ng dorm.

Ngunit laking gulat ng dalawa nang mabungaran nila sa labas ng kanilang dorm ang grupo ng Westlife. May dalang tatlong sports car ang mga ito. Nakasandal sila sa gilid ng mga iyon at matamang nakatingin sa kanilang dalawa.

Sandali silang napahinto at nagtitigan na magkaibigan dahil pareho silang nagulat at hindi nila ito inaasahan. Idagdag pa ang guwapong-guwapong hitsura ng mga ito. Mga nakasuot ang grupo ng dark shades at sumbrero. Parang kahit ano namang damit ang kanilang isuot ay talagang babagay parin sa kanila.

"Ready to go?" basag ni Brian sa katahimikan.

"A-hm..." hindi parin makapagsalita si Andrei.

Ngingiti-ngiting lumapit si Brian sa kinaroroonan ni Andrei at marahan siyang inakbayan. "Sasama kami sa game to give you moral support. So, let's go. Sasabay na kayo sa'min papuntang arena," paliwanag nito. Iginiya na niya ang dalaga papuntang sasakyan.

Sa kabilang banda nama'y pasimpleng ibinaling ni Kian ang paningin sa ibang direksyon nang makitang naka-akbay si Brian kay Andrei. Tulala rin namang napasunod na lang si Mariz sa mga ito.

Sa sports car na itim ni Brian sumakay sina Andrei at Mariz. Nasa back seat sila habang nasa harap naman si Kian at si Brian ang nagmamaneho.

ISANG GRUPO ng mga kababaihan mula sa kabilang dako ng arena ang matamang nakatingin sa gawi ng grupong Westlife kasama ang magkaibigang Andrei at Mariz. Mga naka-uniporme rin ang mga ito. Hindi maitatangging softball player din ang mga ito.

Unbreakable[#Wattys2016]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon