Chapter 6: "Brian's Exclusive Offer"

131 36 13
                                    

TAHIMIK at naging normal ang buhay ni Andrei sa Intercontinental University sa loob ng nakalipas na dalawang buwan. Wala ng punishments, at wala na ring Brian McFadden na gumugulo sa buhay niya.

Naging maganda ang takbo ng kanyang career sa sport na Softball ngunit puspusan parin ang kanilang pag-iinsayo dahil nalalapit na rin ang Big Game para sa selection ng mga members ng Lady Tornadoes na ipapadala sa Brooklyn para sa INTERNATIONAL ANNUAL SOFTBALL COMPETITION. Limang team ng IU mula sa iba't-ibang departamento ang maglalaban-laban para sa selection na iyon at siguradong hindi magiging madali ang umangat sa dami ng magagaling na players ng unibersidad.

Pipili ang mga Sports Committee ng 25 persons para sa International Competition na iyon mula sa iba't ibang team at goal talaga nina Andrei at Mariz ang mapabilang doon.

Dalawang linggo na lang at magaganap na ang Big Game kaya tanging sa laro lang ngayon ang focus ni Andrei. Kailangan niyang mapili, at kailangan niyang galingan para mapansin siya ng board of judges.

SA KABILANG banda naman ay naging abala din ang grupong Westlife sa kaliwa't kanan nilang Mall Show at out of the country concerts. Naging matagumpay ang lahat ng iyon at lalong nabaliw ang kanilang mga fans sa iba't ibang bahagi ng mundo. Matapos ang mga iyon ay balik unibersidad ulit ang grupo at pag-aaral na naman focus nila.

Sa nakalipas na isang linggong pamamalagi nila sa loob ng unibersidad ay muling namumbalik ang mga isiping gumugulo kay Brian. Ang pansamantalang pagkalimot sa sakit ng katotohanang malapit ng ikasal ang babaeng pinakamamahal niya ay sariwa na naman ngayong madalas na naman niya itong nakikita sa campus.

Gayunpaman ay may isa pang bagay ang gumugulo sa isipan niya. Ang babaeng softball player na si Andrei. Hindi niya maintindihan kung bakit pero madalas itong pumapasok sa isip niya. Madalas niyang maalala ang halik na ipinagkaloob niya sa dalaga na talaga namang nagpapa-kunsensya sa kanya. Alam niyang mali ang ginawa niya. Hindi niya dapat na ginawang panakip-butas ang babae para lang ipakita kay Avril na okay lang siya. At dapat din noon pa lang ay humingi na siya ng tawad sa babae. Naging isa siyang malaking duwag kaya labis niyang sinisisi ang sarili.

Napagisip-isip din niyang napakamalas niyang tao. Oo nga at sikat na sikat siya. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya pero bakit ang dalawang babaeng naging bahagi na rin ng buhay niya ay hindi niya makuha? .

"Teka lang, dalawa? Makuha ba kamo? Hindi. Mali ang iniisip ko. It's only Avril that I ever wanted in my life and nothing more! Hindi ang softball player na 'yon. Bakit ko ba kasi siya naiisip? She's just nothing but an ordinary girl in the campus." Maktol na saad ni Brian sa sarili niya. Maya-maya pa ay kinuha niya ang beer in can na nasa harapan niya at sinimsim ang laman niyon.

Nakita niya ang ilang mga empty can ng beer na nakakalat sa lamesa. Marami-rami na rin pala ang naubos niya kaya hindi na siya nagtataka pang nakakaramdam na siya ng bahagyang pagkahilo.

Nagpasya siyang uminom dahil hindi siya makatulog ng gabing iyon. May kanya-kanya ding lakad ang mga kaibigan niya, may mga date, kaya heto siya at naiwang mag-isa sa dorm habang nagmumukmok sa isang sulok ng kuwarto niya. Wala siyang ibang kasama kundi ang beer at ang kanyang gitara na kanina pa niya tinutogtog.

Buti pa ang mga kaibigan niya ay may mga dini-date na, samantalang siya ay wala. Ang malala pa ay naghahabol pa siya.

"Mukhang nagpa-party ka ditong mag-isa pare ah, what's up?" Bungad ni Nicky nang tuluyan itong makapasok sa loob ng silid ni Brian.

Unbreakable[#Wattys2016]Where stories live. Discover now