Chapter 4.2: "The Unexpected Kiss"

127 35 18
                                    

"BRIAN wake up!" Yugyog ni Shane sa natutulog na si Brian.

Bahagya lang itong umungol at ipinagpatuloy muli ang pagtulog.
"Hey, ano ba? Bumangon ka na d'yan. We have an early meeting with Simon." Saad ni Shane. Kinuha niya ang unan ni Brian at ibinato iyon sa mukha nito.

"Ano ba, istorbo naman eh!" Inis na maktol ni Brian at pupungas-pungas na bumangon, "masakit nga ang ulo ko."

"Ayan kasi ang napapala ng maglalasing-lasing ng hindi kaya." Paninermon pa ni Shane.

"Nang dahil lang sa babae." Dagdag naman ng kapapasok lang na si Kian sa loob ng silid ni Brian.

"What?" Kunot-noong bulalas ni Brian.

"Ah ah, don't deny it anymore Brian. You confessed everything last night. Everything." Sagot ni Kian ng may pagdidiin pa talaga sa salitang 'everything.'

"Don't you remember?" Tanong pa ni Shane dito ng may pagtataka.

Iling lang din ang naging tugon ni Brian sa mga sinabi ng dalawa. Naguguluhan siya at wala siyang matandaan tungkol sa nangyari ng nagdaang gabi.

Nagtinginan naman ang dalawa at iiling-iling na napangiti.

"By the way, I just came here to give you this," Sabi ni Kian kay Brian sabay bato sa kanya ng hawak na News Paper, "read the ninth page."

Kinabahan bigla si Brian ng saluhin ang news paper. 'Di kaya ipinamalita na ng babaeng softball player na 'yon ang nangyari kahapon? Baka iyon ang dahilan ng kanilang early meeting sa kanilang manager?

Agad niyang binuklat ang page nine ng diyaryo at tumambad sa kanya ang larawan ni Avril, kasama ang bago nitong boyfriend na si Carter. Medyo nawala ang kaba niya ng malamang hindi tungkol sa kanya ang laman ng tabloid. Ngunit mas nagulat pa siya ng mabasa ang nakalagay na article sa pahinang iyon.

'Ms Avril Tayl, the only daughter of Northern Ireland Senator Richmond Tayl is now engaged to Mr. Carter Freud, a young CEO of a multi billionaire company in UK.' Ito ang nakalagay na headline ng article na naroon.

Biglang nabitawan ni Brian ang diyaryo at nanlulumong napaupo sa katabing kama.

Agad naman siyang dinulugan nina Shane at Kian para damayan. Marahang tinapik ni Shane ang balikat nito at tumabi din sa pagupo.

"I'm sorry pare." Mahinang saad ni Shane.

"Maybe it's... It's better for you to move on now Brian. There's no more chances left for the two of you." Mahinahong saad ni Kian.

"No, no..." iiling-iling na sagot ni Brian, "no, I can't." At nagsisimula na naman siyang umiyak.

Anim na buwan na silang hiwalay ng dating nobyang si Avril pero ngayon lang niya naramdaman ang importansya ng babae sa kanya. Kung kailan huli na ang lahat para sa kanilang dalawa. Inaamin niyang nagkulang siya dito. Naging masyado siyang abala sa kanyang career at napapadalas na nawawalan na siya ng panahon para dito. Hindi niya nakita ang halaga ng babae sa kanya noon dahil naging kampante siyang patuloy itong uunawa sa kanya ngunit nagkamali siya.

"She's engaged now. Hindi kayo darating sa puntong ito kung mahal ka parin niya. Wake up Brian!" Mariing saad ni Shane. Halatang hindi nito nagugustuhan ang mga nangyayari sa kaibigan kaya hangga't maaari ay ayaw na niyang patuloy pang umasa ito sa dating nobya na kailanman ay hindi na magbabalik pa.

"She's just engaged but not yet married." Bungad na saad ni Mark mula sa pinto ng silid ni Brian. Kasunod nito si Nicky na pumasok. Guwapong-guwapo ang dalawa na todo ang porma at binagayan pa ng suot nilang black leather jackets.

Unbreakable[#Wattys2016]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon