Chapter 8: "Forced Acceptance"

130 33 22
                                    


PARANG tuod na nakatayo si Andrei sa harapan ng isang malaking tila rest house kasama ang tatalong lads ng grupong Westlife na kumidnapped sa kanya.

Sa isang liblib na parte ito ng kanilang campus at natitiyak niyang ito ang dorm ng grupo. Hindi kasi pinahintulutang tumuloy ang mga lads sa isang ordinaryong dorm dahil tiyak na pagkakaguluhan ang mga ito. Estudyante rin ang mga ito kaya naman kagaya ng karamihan, kailangan din nila ng privacy at tahimik na buhay sa loob ng university.

"Malakas ang kutob kong may kinalaman na naman dito ang hambog na Brian na 'yon. Malilintikan talaga siya sa'kin! Sa oras na ma-disqualify ako sa Big Game, manghihiram talaga siya ng mukha sa bulate!" galit na sabi ni Andrei sa sarili niya.

"Let's go." narinig niyang sabi ni Nicky mula sa kanyang likuran ngunit nagulat na lang siya ng bigla nitong kunin ang dalawang kamay niya at pinusasan iyon.

Galit na nagpumiglas si Andrei at iritang hinarap si Nicky, "bakit mo pa ako pinusasan? Nakagwardya na nga kayong tatlo sa'kin tapos kailangan pa nito?"

"Naniniguro lang kameng hindi ka makakatakas. Tara na." tipid na sagot ni Nicky pagkuwa'y hinila na siya nito papasok sa loob.

"Ano ba, kaya kong maglakad mag-isa! Marunong akong sumunod kaya 'di mo na ako kailangan pang kaladkarin! Bitawan mo nga ako sabi!" galit na sigaw niya habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng lalaki pero wala man lang naging tugon ang lalaki sa kanya kaya lalo pa siyang nainis.

"Teka, ano ba! Puwede bang magdahan-dahan ka naman sa paglalakad mo Mr. Byrne?! Naku malilintikan talaga kayong lahat sa'kin once na makaalis ako dito!" nagwawalang sigaw ni Andrei dahil makailang beses na siyang muntikang madapa sa bilis ng lakad ng humuhila sa kanya na si Nicky. Ngunit katulad kanina, dedma lang siya. Ni hindi man lang nga siya nito nilingon.

"Bwisit talaga!" inis na anas ni Andrei at sa huli, pinili na lang niyang manahimik hanggang sa makapasok na sila sa loob.

Tumambad sa kanya ang napakagandang loob ng exclusive dorm ng Westlife. Printed ang wall nito na binagayan ng kulay Marine blue, na siyang dominanteng kulay sa loob, at kulay puting pintura na nagbabalanse ng pagka-manly motif nito. Napakasimple lang ng interior design at walang kaarte-arte. Halatang lalaki nga ang mga nakatira dito. Iilan lang din ang mga gamit na naroon kaya napakalawak sa loob ng receiving area. Sa isang sulok noon ay may napansin siyang musical instruments, parang maliit na music studio ito ng grupo at in fairness kumpleto sila sa gamit. May piano, iba't ibang klase ng guitars, drum sets, flute, violin, at kung anu-ano pa.

Nang igala pa niya ang paningin sa paligid ay nakita niya ang mga naglalakihang solo pictures at group pictures ng mga ito sa bawat parte ng pader. Naroon din ang ilang mga memorabilia ng mga ito lalong-lalo na ang iba't ibang mga albums ng grupo na naging matagumpay at tinangkilik ng buong mundo.

Tunay ngang hindi matatawaran ang husay at katanyagan ng grupong Westlife. Patuloy silang humahakot ng mga parangal at papuri na talaga namang nararapat lang nilang matanggap.

"You sit!" sabi ni Mark at itinuro sa kanya ang isang bakanteng upuan na nasa gitna ng sala.

"Ha?" iiling-iling na bulalas ni Andrei. Prang nakikinita na kasi niya ang magiging hitsura niya kapag umupo siya doon. Katulad ng napapanuod niya sa mga pilikula na hostage ng mga sindikato at dahan-dahang tinu-torture. Nilalagyan ng piring ang mga mata at tinatakpan pa ng masking tape ang bibig. Bigla tuloy siyang kinilabutan sa mga isiping iyon at mariing ipinikit ang mga mata.

"Diyos ko po 'Wag naman sana nilang gagawin 'yon sa'kin," taimtim na dasal ni Andrei, "hindi naman po bagay sa'kin ang mala-telenovelang buhay panginoon. At wala po akong kasalanan sa kanila. Wala rin silang makukuha sa'kin... maliban na lang sa-" bigla siyang natigilan sa isang bagay na pumasok sa kanyang isip. Napamulat siya agad ng mga mata at isa-isang tinitigan sina Mark, Kian, at Nicky.

Unbreakable[#Wattys2016]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon