Chapter 12: Kian Is So Sweet! Isn't He?

87 8 12
                                    

NAGMAMADALING tumakbo ang grupo ng Westlife kasama si Mariz patungong silid ng ospital kung saan dinala si Andrei

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


NAGMAMADALING tumakbo ang grupo ng Westlife kasama si Mariz patungong silid ng ospital kung saan dinala si Andrei.

Nadatnan nila itong nakahiga at tulala. May luha sa mga mata at bakas na bakas ang lungkot.

"Andrei, kamusta ka na?" nag-aalalang dulog sa kanya ni Mariz.
Pilit siyang ngumiti at hinawakan ang kamay nito. "Okay lang ako. Ang sabi ng doktor makakalabas rin ako kaagad," aniya.

"Pero bakit may cast ang papa mo, Andrei?" nagtataka namang tanong ni Kian.

"Ah, ito? Pansamantala lang daw ito sabi ng doktor dahil sa pilay," paliwanag niya. Pilit siyang ngumingiti para kahit papaano ay mabawasan ang kanilang pag-aalala. "Mga ilang araw lang daw ito."

"For sure naman na magiging okay ang lahat. Si Andrei pa! E, parang si Wonder woman 'yan sa lakas, 'di ba?" nakangiting pagbibiro naman ni Nicky upang pagaanin ang kaniyang loob.

Natawa naman ang lahat sa sinabi nito, at maging siya'y hindi napigilan ang sariling mapangiti. Ngayon niya higit na kailangan ang mga ito. Ang mga totoong kaibigan niya.

"Ahm, kamusta nga pala ang game?" pag-iiba ni Andrei ng usapan.

"According to my source, nanalo raw ang team niyo," nakangiting pagbabalita ni Mark, matapos tingnan ang kanyang Facebook account.

Biglang napalitan ng ngiti ang lungkot sa mga mata ni Andrei dahil sa narinig. "That's good," tanging nasabi niya.

"Buti nga talaga sa kanila! Maaga talagang dumarating ang karma," padaskol na sabi ni Mariz.

ONE WEEK LATER

PASIPOL-SIPOL si Nicky habang nakapamulsa pang naglalakad sa hallway. Kasalukuyan siyang pauwi na sa kanilang private dorm, nang maagaw ng isang malakas na boses ang kanyang atensyon.

Nagmumula iyon sa may isang bakanteng classroom. Bahagyang nakabukas ang pinto niyon kaya naman rinig na rinig niya ang pag-uusap ng ilang mga babae sa loob. Parang nahuhulaan na niya kung sinu-sino ang mga babae sa loob ng classroom na iyon, kaya naman mas lumapit pa siya sa may pintuan para lubos na marinig ang mga nag-uusap.

"Alam niyo ba, balita ko, usap-usapan na sa sport's committee na kompleto na raw ang listahan ng team na lalaban ng Softball sa Brooklyn!" saad ng isang boses.

"Dalawang araw pa lang nang matapos ang championship, may result na kaaga?" tanong ng isang babae.

"But, I'm pretty much sure naman na hindi na kasama sa listahan ang nagmamagaling na si Andrei Tejero, dahil lampa na nga, pilay pa!" puno ng panlalait na saad naman ng isang babae. Masyado itong maarte kung magsalita, at pinasundan pa iyon ng malalakas na tawanan ng mga kasama.

Lalo pang nagka-interes na makinig sa usapan ng mga ito si Nicky dahil si Andrei ang topic.

"You know what, ang tatanga lang nila! All this time ay nag-a-assume silang aksidente lang talaga ang nangyari sa poor na babaitang 'yon. Kahit very obvious namang hindi!" tatawa-tawa pang saad ng isa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 19, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unbreakable[#Wattys2016]Where stories live. Discover now