Chapter 9: Brian's 'I Lay My Love On You'

150 33 13
                                    


BREAK TIME na kaya naman naisipan nina Andrei at Mariz na kumain ng sabay sa canteen para pag-usapan ang ilang mga bagay tungkol sa opening na laro ng Big Game kahapon. Hindi masyadong hectic ang schedule ng kanilang mga subjects sa ngayon kaya marami-rami silang oras para magpahinga at mag-insayo sa laro.

“Siyanga pala, hindi pa kita naku-congratulate sa pagkapanalo ng team niyo kahapon sa opening ng Big Game,” pagbubukas ni Mariz ng usapan. “Congrats!”

“Thank you, Mariz!” natatawang sagot ni Andrei. Sinimulan na rin niyang kainin ang sandwich na in-order niya.

Umabot pa si Andrei sa assembly ng laro dahil sa tulong ni Nicky nang ipagmaneho siya nito ng sasakyan. At sa kabutihang palad ay ang team na kinabibilangan pa niya ang napili para sa opening ng laro. Nakalaban nila ang team Lady Jagger na binubuo ng mga miyembro mula sa BSBA, Industrial Technology, at Information Technology.

“Sabi na kasi sa’yong malaking tulong ang kaunting impluwensya ng alak sa katawan,” natatawang sabi ni Mariz. “It makes you hyper the whole game.”

“Hindi ba pwedeng magaling lang talaga ako kaya malaki ang nai-ambag ko sa pagkapanalo ng team?” natatawang saad ni Andrei.

“Hay naku, Ms Andrei Tejero! Ako nga’y tigilan mo. Bakit kaya hindi ka na lang muna magpasalamat sa'kin bago ka magmayabang ano?” Naitirik pa ni Mariz ang kanyang mga mata.

Napatawa naman ng malakas si Andrei. “Oo na nga. Sige na. Tama ka na po,” aniya.

“Sandali, bakit ka nga pala muntik ng ma-late sa assembly? ‘Diba mas maaga ka pa ngang umalis sa dorm kaysa sa'kin,” pag-iiba ni Mariz ng usapan.

Bigla namang natameme si Andrei at nagdadalawang isip kung sasabihin pa ba niya sa kaibigan ang dahilan. “Wala iyon,” pagkuwa'y tugon niya.

“Anong wala ka d’yan? Wag ka ngang maglihim sakin at namumuro ka na,” nagga-galit-galitang saad nito. “Iyong dahilan ng pagka-punishment mo, at ang pag-uwi mo noon na paiyak-iyak ka pa, lahat ‘yon wala ka man lang sinabing paliwanag sa'kin!” nagtatampong sabi ni Mariz.

“K-kasi—” Hindi na natapos pa ni Andrei ang dapat sana’y sasabihin ng biglang nagtilian ang ilang mga kababaehan sa pinto ng malaking canteen. Kasabay niyon ay malakas na pumailanlang ang background music ng ‘I Lay My Love On You’ ng Westlife sa buong lugar.

Bigla silang napatingin sa may gawing pintuan ng canteen upang alamin kung ano ang pinagkakaguluhan doon. Malakas na ang kutob ni Andrei na ang grupong Westlife ang naroon ngunit gusto parin niyang malaman.

"Just a smile and the rain is gone...
Can hardly believe it, yeah," bungad ni Brian sa may pintuan ng canteen. "There's an angel standing next to me, reaching for my heart..." Titig na titig si Brian kay Andrei habang kumakanta.

Todo rin ang pagpapa-cute ng ibang mga lads na noo’y nagsisilbing second voice lang ni Brian sa pagkanta. Sumasayaw rin ang mga ito at madalas ang ginagawang pagkaway sa mga babaeng naroon na naghahatid ng labis na kilig sa mga ito.

"Just a smile and there's no way back
Can hardly believe it, yeah
but there's an angel calling me reaching for my heart…" Dahan-dahang naglalakad si Brian papunta sa kinaroroonan nina Andrei. Lakad na hinaluan ng sayaw.

Todo rin ang pa-cute nito na labis namang nagpapatuliro sa isipan ni Andrei. Kilig na kilig na talaga siya ng mga sandaling iyon. Sa mga titig pa lang ni Brian sa kanya ay halos hindi na siya makakilos sa kinauupuan. Kung nakatayo lang siya ng mga sandaling iyon, laglag na talaga ang panty niya!

Unbreakable[#Wattys2016]Where stories live. Discover now