NF• Ika-Isa.

10K 187 25
                                    




~Nine Years Later~






••

Author's POV

••






Sa loob ng isang silid, pabalik-balik kung lumakad ang isang babaeng nakasuot ng Puting sando at pajama. Hawak-hawak naman nito sa kanang kamay ang isang Telepono habang nakatapat ito sa kanyang Tenga.





"Hon, ako ang nahihilo sayo sa ginagawa mo."





Biglang nahinto sa paglakad ang babae at napalingon sa lalaking nagsalita, inis na ekspresyon ang ipunukol niya rito.




"Edi wag mo 'kong tignan! Problema ba 'yun!?" inis na asik ng babae kaya natawa nalang ang Lalaki at nailing sa kanyang ulo. Napaikot naman sa kanyang mga mata ang babae at muling pinindot ang telepono at itinapat sa tenga. Nagpapa-padyak pa ito sa mga paa habang hinihintay sumagot ang kabilang linya.





Tumayo naman ang Lalaki mula sa pagkakahiga sa kama at dahan-dahang lumapit sa likod ng babae at doon ito niyakap sabay sandal ng ulo sa balikat ng babae.




"Sino ba kasi yang tinatawagan mo? Ang aga-aga may iba kang katawag, Tch." may pagkatampong saad ng lalaki.





"Wag kang maginarte, si Viroughn ang tinatawagan ko. Bwecit na batang 'yon, Hindi sinasagot ang mga tawag ko!" nang-gigigil na sagot ng babae dahilan para mangunot ang noo ng lalaki.





"Bakit mo ba tinatawagan ang Anak mo? Baka busy lang 'yon.."





"Busy? Busy-busy! Pag ako nainis talagang susugurin ko siya doon, Nyegie! Tignan mo lang!" galit na asik ng babae kaya natawa nalang tuloy ang Lalaking si Nyegie. Kumalas siya sa yakap at pinaharap ang babae na agad lang naman siyang inismaran kaya hinawakan niya ito sa mukha.





"Don't stress yourself, tatawag din yung anak natin. Ang aga-aga ang sungit mo, kiss nga!" sabay nguso ni Nyegie sa babae at nilapit ang mukha rito. Hindi naman nakapalag ang babae nang halikan siya ni Nyegie sa labi. "Now better, so Let's go down stairs?" ngising tanong ni Nyegie nang matapos ang halik na iyon.

K.A.P.E.S(B3): Nocivo Famigliá [ON-HOLD]Where stories live. Discover now