NF• Ika-Tatlumpu't Dalawa.

1.8K 62 15
                                    






••

Author's POV

••


Angelique Santillan. Iyan ang naglalarong pangalan sa isipan ni Melissa. Hindi niya maalala ang pangalan na iyan subalit bakit tila napaka-pamilyar nga sa kanyang tenga? Para bang isang parte ng kaniyang buhay na kasamang nawala sa kanyang ala-ala.

Iyan nga ba ang kaniyang pangalan noon? Noong hindi pa siya nagkaroon ng amnesia? Angelique Santillan. Ngunit bakit kung siya nga si Angelique Santillan, bakit tila ang lahat ng tao sa kaniyang paligid ay hindi siya tanggap? Para bang kinamumuhian siya ng mga ito.

Napapa-tanong tuloy siya sa kaniyang sarili kung ano ba ang naging buhay niya noong hindi pa siya nawalan ng memorya.

'Hindi kaya ay nakagawa ako ng makakasalanang bagay? Dahil kung hindi ay bakit ang lahat ay hinamumuhian ako?' -tanong niya sa kaniyang isipan.

Kahit ano pa mang pilit niya para matandaan ang mga nakaraan ay hindi niya magawa. Ang sabi ng kaniyang doktor noon ay malabo na talagang mababalik pa ang kaniyang memorya kaya hindi niya tuloy maiwasang makaramdam ng pagka-bigo dahil kahit mga nakaraan niya'y di man lang niya matandaan.



"Pa-paano kayo nagkakilala ng asawa ko? Siya ba ang nagdala sayo sa hospital nang ma-aksidente ka?"

Napa-angat ang kaniyang tingin muli sa asawa ng kaniyang kaibigang si Hell. Kanina pa siya nai-intimidate rito sa asawa ni Hell dahil ang mga mata nito ay tila nanlilisik sa kaniya. Animo'y gusto talaga siyang balatan ng buhay ngunit para bang nagtitimpi lamang ito.

Napa-hukay na lamang siya sa kaniyang alala kung pa-paano nga ba sila nagka-kilala ni Hell. Di niya tuloy maiwasang mapa-ngiti ng bahagya.


"Hindi si Elle ang nagdala sa akin sa hospital nang ma-aksidente ako. Katunayan nga tatlong taon pa lamang kaming magka-ibigan. Buntis pa nga siya sa inyong bunsong si Caleigh noon nang magkita kami sa isang field trip. Isa akong myembro ng aming simbahan at nakipag-partnership ang simbahan sa isang paaralan para pumunta sa isang lugar na napagka-kaitan ng tulong mula sa gobyerno at doon nga kami nagkita ni Elle. Kasa-kasama niya ang anak ninyong si Shiloh kung hindi ako nagkaka-mali sa pangalan. Siya ang naging guardian ni Shiloh non. Habang busy kaming nakikipag-halubilo sa mga tao ay nagulat nalang akong may biglang humawak sa braso ko at pagtingin ko ay si Elle yun. Taimtim niya akong tinitignan non habang naka-kunot noo pa. Para bang binabasa niya ang kaluluwa ko kaya na-ilang agad ako doon at tinanong ko siya kung may kailangan ba siya pero tinanong niya rin ako kung hindi ko ba raw siya naa-alala kaya ang sagot ko ay hindi at sinabi kong 'kung naging parte siya ng buhay ko noon ay hindi ko na maalala dahil nga may amnesia ako. Walang pasabing umalis lang siya noon at di man lang ako nilingon kaya kinalimutan ko nalang na nangyari 'yon dahil akala ko isang creep lang siya. Ngunit nagka-mali ako. Noong nasa simbahan kami at nagma-mass ay may bigla na lamang tumabi sa akin at nang makita ko ay si Elle na naman. Muntik ko pa siyang hindi maalala noon ngunit buti nalang nang tumingin siya sa akin ng taimtim ay naalala ko rin." Napa-exhale-inhale si Melissa sa hinaba ng kaniyang sinabi. "Mula noon ay naging magka-ibigan na nga kami. Ang sabi niya ay kamukha ko raw ang taong kakilala niya noon at nagtanong din siya kung papaano ako nawalan ng memorya. Panay tanong siya ng tanong sa akin noon na para bang isa siyang detective kaya minsan nakukulitan din ako sa kanya eh." Bahagyang tawa niya. "Pero sa tinagal-tagal naming magka-kaibigan ay nalaman ko ring mabait naman siyang tao kaya mula noon ay halos sabay na kaming nag a-attend ng mass, niyaya niya pa nga kami ng anak kong kumain sa labas at minsan ay dala-dala niya rin si Caleigh. Kaya... kaya hindi ko lubos maisip kung bakit siya dinukot ngayon." Nawala ang ngiti niya sa mukha at ito'y napalitan ng kalungkutan at pag a-alala.

K.A.P.E.S(B3): Nocivo Famigliá [ON-HOLD]Where stories live. Discover now