NF• Ika-Tatlumpu't Isa.

1.7K 64 11
                                    


A/N: Napag-tanto kong hindi ko pa nga pala napapa-kita ang portrayer ni Mister Bean--este--Mason Bane. Mwehehe kaya ayan siya sa multimedia. Ka-gwapo diba?

Li-libre niya daw kayo ng kiss basta mag Vote lang kayo. Hahaha!😘😘😘

Enjoy Reading





••

Author's POV

••





"Hindi. Hindi ikaw si Melissa. Ikaw.. Ikaw si Angelique. Ikaw si Angelique."





Napatahimik si Melissa nang sabihin iyon ni Nyegie. Tinitigan niya ang mga mata nito at kitang-kitang seryoso nga ito. Napa-libot naman siya ng paningin sa ibang narito at nakitang nakamasid lamang ang lahat sa kanila. May mga tinging mapaghusga, may tinging para bang gusto siyang balatan ng buhay, may mga tinging inosente na tila walang ka-alam-alam sa nangyayari at mga tinging may kuryusidad.




"But dad, isn't she supposed to be dead?" biglang butt-in ni Viroughn kaya napatingin dito ang lahat. "We saw it on the news, she was murdured." dagdag na sabi nito at binalingan ng tingin si Melissa ng naka-kunot ang mga noo at may pagkamuhi sa mga mata nito. Maging ito ay hindi maitago ang pagkamuhi sa babaeng si Melissa dahil kung ito nga si Angelique, ito ang dahilan ng paghihirap nila noon.





"Oo nga pa! Papaano nangyari ito?! Ano siya, biglang nag-regenerate at bumangon sa pagkaka-libing!?" sabay sarkastikong tawa naman ni Nyril na lumapit sa kakambal na si Viroughn at tinignan rin ng pagkamuhi si Melissa.



Wala namang nagawa si Melissa kundi ang mapahakbang ng patalikod dahil sa bigla niyang pagka-takot sa mga ito.


"H-Hindi nga ako si Angelique na sinasabi niyo. Ako si Melissa! Bakit ba ayaw ninyong maniwala sa akin? hindi ko nga kilala yang Angelique. Sino ba siya? hindi siya ako!" muling giit ni Melissa at pilit ikinu-kumbinsi ang mukha upang maniwala ang lahat sa kanya ngunit tila wala pa rin. Mukhang hindi naniniwala sa kanya ang mga ito.




Napa-titig naman ng taimtim si Nyegie sa kabuuhan ni Melissa. Kamukhang-kamukha nito ang dating si Angelique. Ni wala ngang nagbago rito kaya nakaka-pagtaka lang dahil papaano nangyaring nasa harapan nila ngayon ito, eh matagal ng patay si Angelique.



'This is complicated.' napa-pikit na lamang siya ng mariin at pilit na bumuo ng konklusyon sa kanyang isipan.

Kung patay na si Angelique bakit ang katawan nito ay nasa kanilang harapan at pilit sinasabing ito raw si Melissa. Nagawa pa nitong sabihin na siya ay kaibigan ng kanyang asawa.

Oo, narinig na nga niya ang pangalan ni Melissa mula sa bibig ng kanyang asawa ngunit hindi naman niya nagawang makita ito ng personal.




Muli niyang binuksan ang kanyang mga mata at bumaling sa kaibigang si Sky na naka-masid lamang sa mga nangyayari.

"Sky," tawag pansin niya rito na agad namang napa-tingin sa kanya ng may pagtatanong na ekspresyon. "Can you able to access the files of Angelique Santillan from the records of the FBI?" tanong niya rito na agad namang tumango.



"I can. Paul," bumaling si Sky sa kasamahan niyang nagnga-ngalang Paul na ngayo'y walang paki-alam sa nangyayari sa paligid bagkos ay nakaharap lamang ito sa kanyang laptop.


Nagtaas ng tingin si Paul para matignan ang nakatayong si Sky.

"Hanapin mo sa records ang pangalan ni Angelique Santillan."

K.A.P.E.S(B3): Nocivo Famigliá [ON-HOLD]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant