NF• Ika-Apat.

4.2K 118 4
                                    

Tucker-dude on the Multimedia! <3









••

Author's POV

••









Patakbong-lakad ang ginawa ni Bane patungo sa Cafeteria ng School nila. Dahil ang huling sinabi ni Nyril ay gutom raw ito ay batid niyang, doon ito nagtungo kaya doon niya ito pupuntahan.




Ang kanyang mga kamay ay hindi mapakali, namamawis. Ewan ba niya pero nakakaramdam siya ng kaba sa kanyang dibdib. Unang beses niyang gagawin ito kay Nyril na hihingi ng Pasensya na walang kasamang Sigaw, Mura o tukso kaya nakakapanibago, nakaka-kaba.







Napahugot na lamang siya ng malalim na hininga sabay buga at ang mga kamay ay inangat upang hawakan ang Door knob nang siya ay nasa harapan na ng pinto ng Cafeteria.


Naging dahan-dahan ang pagbukas niya. Inilibot niya naman agad ang paningin sa loob nang siya ay makapasok. Isang mesa ang hinintuan ng kanyang paningin, puno ito ng maraming pagkain na animo'y pang tatluhan! Napatingin siya sa isang taong nakatalikod sa kanya na siyang may-ari ng lahat ng pagkain na 'yun. Mahabang buhok, babae at ang upo pa nito ay naka-number four habang ang mga siko ay nakalagay sa mesa. Napaka-unlady like ng posisyon na iyon, parang nasa bahay lang pero isang tao lang ang kilala niyang gumagawa ng ganito.. At yun ang taong hinahanap niya, si Nyril.






Muling iginala ni Bane ang paningin niya sa loob ng Cafeteria, saktong silang dalawa lamang ni Nyril dito at ang mga Staff sa Cafeteria na may kalayuan kaya saktong-sakto.. Kahit papaano ay mababawasan ang kabang nadarama niya. Muli siyang napahugot ng hininga at napalunok..






"Kaya mo 'to Bane.." Bulong niya sa kanyang sarili at hinayaan ang mga paang unti-unting nilalakad ang sarili patungo sa deriksyon kung saan si Nyril. Bawat hakbang niya ay palakas ng palakas na animo'y may speaker ang kanyang dibdib.




Unang beses pa lamang niyang maramdaman ang ganito katinding Pakiramdam. Oo nga't may nagustuhan at hinahangaan na siya noon pero iba ata ang hatid na paghanga niya kay Nyril, mas nakakahiwaga ito at parang nakakalunod. Hindi niya mawari basta ang alam niya, malakas ang tama niya sa Babaeng ni-minsan hindi niya inaakalang magkakagusto siya, kay Nyril.










Walang ano-ano ay naupo siya sa harap ni Nyril dahilan para mapalingon ito sa kanya ngunit nang siya ay makita ay agad itong nagtaas ng kilay sabay busangot ng mukha.





He just chose to Clear his throat and stay still.





"Bakit ka nandito?" walang ka-interest-interest na tanong iyon ni Nyril sabay kagat ng pagkain nito ng marahas na animo'y tinatakot siya. Sa kaloob-looban niya ay gusto niyang tawanan ito ngunit... hindi niya alam kung bakit hindi niya magawa. Tsk.








Tumikhim siya at umayos ng upo. "G-Gusto kong..." nauutal niyang sagot ngunit hindi niya magawang ipagpatuloy sa hindi malamang dahilan! Inis na napayuko nalang siya at napasapo sa kanyang noo.



'Damn.. I can't do this... damn.' Nawawalang pagasa niyang sabi sa isipan. Bakit ba kasi nagkaka-ganito siya? Eh noon naman halos ang kapal ng mukha niya kapag may nagugustuhan siyang babae pero ngayon.. parang.. tiklop siya.








"Hoy! Kung wala kang sasabihin, umalis ka na o gusto mong sipain pa kita patungog Pluto! Naiirita pa rin ako sayo Mister Bane." muli niyang inangat ang paningin kay Nyril at nakita niya sa mga mata nito ang inis sa kanya dahilan para paghinaan siya ng loob.



K.A.P.E.S(B3): Nocivo Famigliá [ON-HOLD]Where stories live. Discover now