NF• Ika-Lima.

4.1K 114 1
                                    















••

Author's POV

••








"Nandito na po tayo, Ma'am."




"Ah, Ito po ang bayad."




"Salamat."



"Come on, get off now!" Inis na napabaling si Nyril sa kapatid niyang si Shiloh na pilit siyang tinutulak palabas ng Taxi. Nilakihan niya ito ng mata para sana takotin 'to pero binigyan lamang siya ng walang ka interest-interest na expresyon sa mukha. "Get off you ugly woman! You're an irritation to my eyes!" dagdag na bulyaw ni Shiloh sa kanya kaya kahit gusto niya na itong sipain ay hindi niya magawa, minabuti niya nalang na lumabas sa Taxi para makalabas na din ang Walangya niyang kapatid na wala talagang ka-galang-galang sa kanya. Psh (=__________=) Edi sana hindi nalang siya naging Ate nito.






Mabilis na nagmartsa si Shiloh papasok sa bahay ng Tita Kaydee nila, ni hindi na nga ito nagatubiling mag doorbell.. Deritsong pasok lang ito na animo'y bahay lamang nila 'to. Nailing nalang si Nyril sa inasta ng Kapatid niya at sumunod na papasok sa bahay ng Tita Kaydee. Ipinasok niya ang kanyang mga kamay sa bulsa ng damit niya at napatingin sa paligid.








May kalakihan ang bahay ng Tita Kaydee niya ngunit hindi kasing laki tulad ng kanila. Naalala niya, unang tira nila sa bahay nila ay hindi ganon kalaki ngunit ipina-renovate iyon ng Mama nilang si Hell dahil gusto raw nito yung malaking gate, may Cctv, well secured para safe raw silang lahat. Ewan ba niya, minsan ay nawe-weirduhan na din siya sa Mama niya dahil minsan ay nagiging Over protected na ito. Akala niya nga noon nagiging paranoid na ito pero hindi naman. Siguro, gusto lang talaga ng Mama nila Ang Safety nila bago pa may mangyari na masama. Kahit minsan na ooverstrict na ang Mama nila ay wala siyang magagawa dahil kahit ang Papa nila, hindi man lang mapalambot ang Mama nila.











Ngunit okay na din siguro iyon, lalo na't nasa Business Industry ang mga Magulang niya, malamang sa malamang ay may magtatangka talagang pabagsakin sila lalo na't hindi lamang basta-bastang Business ang merun sila. Noon pa man, alam niyang hindi pipitsuging tao ang mga Magulang niya. Minsan lang ay napapaisip siya kung papa-ano nalalampasan ng mga magulang niya ang mga Problema sa Business.. Siguro sadyang magagaling lang talaga sila.









"Oh dear Shiloh~ The ever pretty Shiloh~!"



Nahinto sa paglalakad si Nyril at napatingin sa harap. Kitang-kita niyang lumabas galing sa Pinto ang Tita Kaydee nila at sinalubong ng yakap ang kapatid na si Shiloh. Maarteng yumakap pabalik si Shiloh sa Tita niya, bumeso-beso pa nga ito kaya naiiling nalang talaga si Nyril sa kaartehan ng kapatid niya.








"Hi Mommy~!" Napalingon si Nyril sa likuran ng Tita Kaydee niya ng biglang bumati si Shiloh doon. Doon niya nakita ang kanilang Ina na nasa likuran lang pala ng Tita nila at dali-dali namang niyakap ng kapatid niya ang Mama nila at hinalikan ito sa pisnge.










"Nyril! Andyan ka din pala, hindi man lang kita napansin. Come here~" biglang bumaling ang Tita niya sa kanya at inangat ang mga kamay sa Ere kaya napangisi siya rito sabay tango at sinalubong ito ng yakap. Close sila ng Tita Kaydee nila pero mas close ito at si Shiloh dahil isang Fashion Designer ang Tita Kaydee nila at minomodel niya si Shiloh kaya Vibes na vibes ang dalawa.












Kumalas sila sa yakapan at sa Mama niya naman siya yumakap at bumati.





"You're all sweat, Nyril.." Biglang natigilan si Nyril sa sinabi ng Mama niya kaya dali-dali siyang kumalas ng yakap rito at sinuri ang sarili. Oo nga't namamawis siya.






K.A.P.E.S(B3): Nocivo Famigliá [ON-HOLD]Where stories live. Discover now