NF• Ika-Tatlumpu.

2K 64 11
                                    

NO PROOFREAD!




••

Author's POV

••

Sa bahay ng mga Lafonso ay tila cementeryo sa katahimikan maliban lamang sa ingay na nangga-galing sa pangalawang palapag.

*Crac*

*Wham*

*Bam*

Napatakip ng tenga si Caleigh at sumiksik sa kanyang kapatid na si Nyril na agad naman siyang inakay papalit habang ang kaliwang kamay naman nito ay humahagod sa likod ng kapatid na si Shiloh na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin ngunit mas kalmado na ito kesa kanina.

Napa-tingin naman si Nyril sa kanyang ka-kambal na ngayo'y nasa isang sulok at busy'ng tumatawag sa telepono. Kasama rin nito ang kaiban na si Rika at gaya ng kanyang kapatid ay tumatawag din.

Bigla naman siyang napa-tingin sa kanyang kanan nang may humawak sa kanyang balikat. Doon niya nakita si Bane na tipid na ngumiti sa kanya at tinuro ang kapatid nitong si Caleigh na ibig pahiwatig na ito na lamang daw ang mag-kakarga sa bata. Napa-tango na lamang siya rito at agad na kinarga ni Bane si Caleigh na hindi naman nag reklamo bagkos ay yumakap pa ito sa leeg ni Bane.

Hirap na tipid na ngiti naman ang kanyang na-iguhit sa mukha sa nakita sapagkat ang ngiting malaki ay tila ba isang bagay na hindi na niya magagawa sa mga nangyari kanina lang.

Kahit na pilit niyang ikina-kalma ang sarili, kahit na hindi niya ipakitang nahihirapan siya sa pagka-wala ng kanyang ina ay talagang gusto niyang mag-wala at sugurin ang mga walanghiyang kumuha sa kanyang ina. Kahit hindi halata ay nagi-init na ang mga dugo niya sa katawan at gusto na niyang pahirapan ang mga dumukot sa kanyang ina.

Ngunit hindi niya pwedeng ipakita iyon dahil may maliliit pa siyang mga kapatid. Si Shiloh. Si Caleigh. Na kailangan niyang alagaad at kailangan niyang maging matatag upang masandalan siya ng mga ito. Lalo na kay Shiloh na siyang naka-diskubre sa duguang katawan ng kanilang kasambahay na si Lola Pasing. Hindi niya hahayaang malunod sa galit at pag-aalala ng husto dahil alam niya, alam niyang okay lang ang magulang nila. Okay lang ang ina nila. Sana.

Kanina pa naka-alis ang ibang bisita dahil na rin sa takot nilang baka maulit pa ang nangyari kaya agad silang lumayas sa bahay ng mga Lafonso at agad namang isinara ng mga Lafonso ang kanilang pintuang daan.

Dumating na rin kanina ang mga ambulansya at pulisyang tinawag nila. Agad na isinugod sa ospital sina Manong Rolly at Lola Pasing. Sumama naman doon sina Maxine, Kaydee at Brian upang ma-asikaso iyon habang si Sky ay nanatili upang akayin ang kaibigang si Nyegie.

Sina Maisie at Tucker naman ay naka-uwi na rin sapagkat nang mabalitaan ng pamilya ng mga ito ang nangyari ay agad silang sinundo at pina-uwi.

"STOP IT NYEGIE! YOU'RE NOT HELPING!"

Isang sigaw na naman ang umalingaw-ngaw ang narinig nilang lahat mula sa ikalawang palapag at kasunod noon ay ang mga nagbabasagang mga gamit.

"HOW CAN I STOP WHEN I KNOW MY WIFE IS KIDNAPPED!! I DIDN'T EVEN HAVE THE CHANCE TO STOP THEM! FVCK!"

Napa-kagat ng labi si Nyril at agad na tinakpan ang tenga ng kanyang kapatid na yumakap naman ng mahigpit sa kanya na animo'y natatakot sa sigaw ng kanilang ama. Sino ba namang hindi matatakot? ngayon lamang nila narinig ang ganoong sigaw ng kanilang ama at ito'y punong-puno ng galit.

"Just stop your whining! Have you forgotten your children downstairs!? You are making them scared even more! Think of them too! You're being impossible! Ghad!" stress na stress na sigaw ni Felis kay Nyegie na bigla namang napahinto sa pagtapon at pagwasak ng kanilang mga gamit. Tila ba'y natauhan naman ito at bigla nalang napa-upo sa kama tsaka napayuko at sinabunotan ang sariling buhok sa pagka-bigo.

K.A.P.E.S(B3): Nocivo Famigliá [ON-HOLD]Where stories live. Discover now