NF• Ika-dalawangpu't Walo.

1.5K 60 19
                                    

••

Author's POV

••


Isang serbato ng sasakyan ang narinig ni Hell sa labas ng kanilang bahay. Makaraan ang ilang segundo ay tumunog naman ang intercom ng kanilang doorbell kaya siya'y napa-tigil sa pagsandok ng kanin at tumingin sa kanyang anak na si Caleigh na kasalukuyan niyang pinapakain.

"Mommy will just answer the intercom baby, okay?" paalam niya sa anak na nguti't tumango lang naman at hinawakan ang kutsara't tinidor at sumandok ng pagkain tsaka niya ipinasok sa kanyang bibig.

Ngumiti naman si Hell dahil doon at tumayo na. Nagtungo siya sa intercom at pinindot ito upang masagot.

"Who is this?" tanong niya rito ngunit napakunot noo siya nang walang sumagot sa kabilang linya.

"Hello?" ngunit muli ay walang sumagot. Napa-pindot tuloy siya sa button kung saan niya makikita kung sino ang nasa kabilang linya ngunit lalo siyang nagtaka nang makitang wala nga talagang tao roon.

Napa-iling na lamang si Hell at napa-isip na baka ay mga makukulit na mga bata lamang iyon at napag-tripang pindutin ang kanilang doorbell.

Napag-pasyahan niya nalang na bumalik sa dining area at ipagpatuloy ang pagpapakain kay Caleigh.

Ngunit ilang hakbang niya palang palayo ay napahinto siya nang tumunog na naman ang doorbell. Tila biglang nakutoban naman ng masamang aura si Hell at napa-isip ng malalim.

'If someone won't answer from the other side again, something's really off here.' - pagiisip niya.

Muling bumalik si Hell sa intercom at pinindut ito.

"...Hello?"

(Ma! Pabukas naman ng gate, pleatthh!) boses ng anak niyang si Nyril ang bumungad sa kaniyang tenga kaya napa-gaan naman ng loob si Hell at napa-iling upang ialis ang pagka-balisa niya kanina.

Napa-hagip siya ng tingin sa kanyang relos at nakitang uwian na nga ng kaniyang mga anak mula sa paaralan.

"Wait."

Gamit ang advance technology ng kanilang intercom ay binuksan ni Hell ang kanilang gate. Nakita naman niya doon na pumasok na nga ang kotseng minamaneho ng kanilang driber na si Rolly at ipinarke ito.

Bumukas ang pinto sa may passenger seat at mabilis na lumabas ang anak niyang si Shiloh kasunod sina Nyril at ang kaibigan nitong si Bane.

Si Bane. Ang batang ito na mala-question mark pa rin kay Hell sapagkat wala pa siyang gaanong impormasyon sa batang ito.

Mupasok ang mga ito sa loob ng bahay. Agad na humalik si Shiloh sa kanyang pisnge at nagpa-alam na magkwi-quick bath lang muna na agad niya namang sinang-ayunan.

Sumunod ay si Nyril na yumakap sa kanya't hinalikan siya. Tudo kwento naman ang ginawa ng kanyang anak kasama ang kaibigan nitong si Bane na nakisali na rin sa usapan. Kinukwento ng mga ito na may napag-bigyan na silang mga imbitasyon para sa birthday ng anak niyang si Caleigh na gaganapin na bukas.

Nagpa-alam din naman ang dalawa na aakyat muna para makapag-palit at makapag-ayos ng sarili bago bababa para makapag-hapunan na.

Tuloyan na lamang bumalik si Hell sa dining area ngunit nakita niyang wala na roon ang anak niyang si Caleigh pero pansin niyang na ubos na nito ang pagkain nito.

Napa-kibit balikat na lamang si Hell at hindi na nagabala pang hanapin ang anak sapagkat alam niya namang nasa loob lamang ito ng kanilang bahay at naglalaro. Minabuti niya na lamang na iligpit ang pinag-kainan ng anak at hinugasan ito sa sink.

K.A.P.E.S(B3): Nocivo Famigliá [ON-HOLD]Where stories live. Discover now