NF• Ika-Pito.

4.1K 137 9
                                    
















••

Nyril's POV

••





Ako'y napahikab at napa-kusot ng mga mata. Napatingin naman ako sa 'Alarm Clock' ko at pinatay ito, ring ng ring eh (=_______=) Gusto ko sanang itapon kaso baka mapagalitan ako ni Mama. Psh, wag nalang.








Umalis nalang ako sa aking Kama at nagtungo sa Banyo. Mabilis akong naglinis ng katawan at Nang matapos, agad akong nagbihis ng Uniporme pero hindi na ako nag-abala pang iayos ang Coat, ang Init kasi. Psh. Kinuha ko na din ang bag pack ko at isinukbit iyon sa aking balikat at lumabas na sa aking Kwarto.





Habang pababa ako sa Staircase ay napatingin ako sa Kanang deriksyon kung nasaan ang Living Room ng bahay. Nakita ko doon si Papa na karga-karga si Baby Caleigh at bigla naman akong nagulat nang initsa ni Papa si Caleigh sa Ere ngunit, napangiti nalang din ako kalaunan nang makitang tuwa-tuwang tumatawa si Caleigh.




Napabuntong hininga ako. Nilalaro lang pala ni Papa si Caleigh, akala ko i-iitsa talaga ni Papa sa Bubong si Caleigh. Pfft. Nagtungo nalang ako sa Dining Area at sumalubong naman agad sa akin ang kapatid kong si Shiloh na nasa mesa, nakahalumbaba at parang walang ganang kinakain ang Hot Cake niya. Napakunot noo nalang ako at naupo sa kanyang harapan. Ano na naman kayang Kaartehan ang nangyayari kay Shiloh?







Ngunit naputol ang pagiisip ko nang biglang sumulpot si Mama galing sa kusina na may dala-dalang pagkain kaya kulang nalang mapunit ang bibig ko sa laki ng ngisi ko. Pfft. I love Foods!





"Morning Ma! Thank youuuu~!" Sabi ko nang ilapag ni Mama ang pagkain sa harap ko. Ngumiti lang naman si Mama at bigla akong hinalikan sa noo. Pfft, kumuha nalang ako ng kutsara at tinidor at nilantakan agad ang Pagkaing kulang nalang lumipad ako sa saraaaaap!! Ohohoho~







"Nyegie! Halika na dito, kakain pa si Caleigh!" Napatingin ako kay Mama nang bigla nitong tinawag si Papa. Si Shiloh naman, nahagip kong napaangat din ng tingin at biglang napukol ang mata niya sa akin ngunit bigla nalang akong inikutan ng mga mata at muling kumain! Err.. Kay aga-aga ang arte na naman ng bubwit nato. Sipain ko na kaya? Psh.










"Okay Hon~" sagot iyon ni Papa galing sa Living Room at kalauna'y nandito na siya sa harap ng Mesa, dala-dala si Caleigh.




Kumain nalang sila at ako din! Syempre, pfft. Nang matapos ay agad akong nag-Toothbrush at humalik kay Mama, papa at baby Caleigh at nagpaalam na sa kanila pero bago ako tuluyang umalis ay nagbilin pa si Mama na dederitso raw ng uwi mamaya kasi pupunta pa nga pala kami kina Tita Maxine at Tito Brian kasi Birthday nga pala ni Pinsan Xianne. Um-Oo nalang ako at tuluyan ng lumabas ng bahay at pumasok sa loob ng Sasakyan. Nandoon na nga sa loob si Shiloh eh at tahimik pa rin, Weird. Hindi ata ako kinukulit ng Bubwit nato? Siguro hindi pa 'to naka-Get over sa nangyari sa kanya kagabi. Bwahahahaha, Na-Trauma ata 'to eh! Pfft. Arte-arte takot pala sa Gagamba pero.. Ako din naman. Psh (=_______=")







Inihatid kami ni Mang Rolly sa LSU at agad namang bumaba ng walang pasabi si Shiloh nang makarating kami. Ngumiti at nagpaalam nalang ako kay Mang Rolly bago pumasok sa LSU. Mabilis naman akong naka-abot sa harap ng Classroom namin at rinig na rinig ko mula sa labas ang ingay ng mga kaklase ko sa loob ng silid. Psh, nangunguna pa ang boses ni Tucker doon at bigla akong napataas ng kilay ko nang marinig ko ang isang 'I love you!' mula sa kanya kaya mabilis kong binuksan ang pintuan ng Silid at agad nilibot ang paningin sa loob at Ha! Tama nga ang konklusyon ko nang makita si Tucker sa harap ni Maisie na nagpapapansin na naman sa kaibigan ko. Psh, di rin talaga ito nadadala sa pangba-busted ni Maisie eh. Ayaw talagang tumigil.










K.A.P.E.S(B3): Nocivo Famigliá [ON-HOLD]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن