NF• Ika-Tatlo.

4.9K 136 4
                                    





Caleigh and Shiloh on the Multimedia! <3









••

Author's POV

••












"Ewww.. I'll really get my revenge on that girl!! Eww!" nandidiring bulong ni Shiloh sa sarili habang pilit niyang binubura ang halik ng nakakantandang kapatid niyang si Nyril sa kanyang pisnge. Hindi siya makapaniwalang hinalikan siya sa pisnge ng Ate at talagang nandidiri at naiirita siya! Kaya ngayon, nagiisip siya ng mabuting Ganti para kay Nyril. Lintik lang ang walang ganti ika nga.








Padabog nalang siyang nag-martsa pabalik sa kanilang Classroom. Nakabusangot siyang pumasok sa Elevator ng School nila at pinindot ang floor kung saan siya bababa. Nang makarating ay agad siyang nagtungo sa kanilang Department, pero habang siya ay naglalakad ay pansin niya ang mga ibang schoolmates niyang nakatingin sa kanya at pinagchichismisan siya. Nilabas niya lang ang kanyang mahiwagang 'smirk' at taas noong tinuloy ang paglakad na animo'y nasa isa siyang Fashion Show na rumarampa. Sanay na naman siya sa ganitong mga tingin, ramdam niya ang mga 'Paghanga' ng nasa paligid niya pero ano pa bang magagawa niya? Alam naman niya kung bakit ganito ang mga tao sa paligid niya.. One word, Seven letters in short.. Siya ay Maganda~ *sabay flip ng Curly Hair* Pfft.








Ngunit, Subalit, Datapwat siya ay biglang napalingon sa kanang deriksyon nang makarinig siya ng Tawanan ng iba pang Grade Schooler na tulad niya at napakunot noo nang makitang mga istudyanteng kalapit lang pala niya ng section ang tumatambay roon sa isang Bench. Aalisin niya na sana ang tingin niya sa mga iyon ngunit bigla siyang napahinto sa paglakad nang may mahagip siya ng tingin at muling ibinalik ang tingin ng dahan-dahan at nang sa wakas nabalik na niya ay talagang nanlaki ang mga mata niya kasabay ang paglunok niya ng laway at parang wala pa ni-isang segundo ay nagmistulang 'Maningning na Bituin' ang kanyang mga mata nang makita ang isang Lalaking matagal na niyang hinahangaan.






"Oh my Prince Charming~" mahinang sambit niya sa sarili habang nakatanaw parin ng tingin doon sa lalaking hinahangaan niya na nakaupo rin sa Bench kasama ang mga kaklase nito.





Wala sa sariling napadaop ng mga kamay si Shiloh at patuloy parin sa pagningning ang mga mata niya nang dahil lamang sa Lalaking tinitignan niya.









"Ryker.. you are so Cool~!" Wala sa sariling sambit niya di alintana ang ilang mga istudyanteng nakatingin sa kanya kanina pa na animo'y isa siyang Weirdong Bata. Ang isang sikat na si Shiloh ay nagmumukhang Weirdong Bata lamang kapag nakikita niya ang kanyang hinahangaang Lalaki, si Ryker. Ang lalaking alam niyang Soulmate niya noon pa man, Since Fetus sabi niya. Pfft.









Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Shiloh nang biglang napalingon ang Lalaking hinahangaan niyang si Ryker sa Deriksyon niya dahilan rin para uminit ang mga pisnge niya. Bigla siyang namula.






'Holy Mother~ Holy Father~ Holy Water~!' Paulit-ulit niya sambit sa isipan at hindi na talaga siya mapakali sa kinatatayuan niya dahil tinitigan din siya ni Ryker, hindi pa din inaalis ni Ryker ang mga tingin sa kanya kaya lubha siyang naiilang! Hindi siya mapakali na sa puntong gusto na niyang ialis ang mga paningin kay Ryker ngunit sadyang hindi niya magawa! Na para bang siya ay nahi-hypnotismo sa mga tingin ni Ryker! Ang bilis din ng Tibok ng puso niya kaya wala sa sarili siyang napasapo doon.






Sa simpleng si Ryker lang, Tiklop ang Maarte, Masungit, Bratinellang si Shiloh.













K.A.P.E.S(B3): Nocivo Famigliá [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon