NF• Ika-Labing Walo.

2.5K 91 0
                                    


A: Ako lang ba ang hindi maka-move on sa Miss Universe 2015? Beastmode na beastmode talaga ako pag may nakikitang Hurtful comments kay Pia eh! Hahaha. Kayo din ba o sadyang ako lang? Lol.  XD







••

Author's POV

••







Naunang pumasok sa loob ng silid si Nyril at kasunod naman niya si Bane. Naupo siya sa gilid ng kama habang si Bane ay isinara ang pintuan at ni-lock iyon ngunit,






"Wag mong i-lock!" Agad na pigil ni Nyril kaya nai-unlock naman agad ni Bane ang pinto at litong napalingon kay Nyril ngunit umiwas lang ng tingin ang dalaga at napabulong sa sarili subalit umabot pala ito sa tenga ni Bane.





"Baka pagsamantalahan mo pa akong boset ka!"






Hindi naman maiwasan ni Bane ang matawa ng mahina at napailing nalang. He somewhat find her cute while murmuring that.







Naupo nalang din si Bane sa kama ngunit may isang metrong kalayuan kay Nyril lalo na't alam niyang hindi komportable ang dalaga sa kanya matapos ang naging pag-uusap nila sa Salas.







'Kung ano-ano kasing pumapasok sa kukuti mo Bane!' Nailing na lamang siya at tumikhim dahilan upang mabalik ang atensyon sa kanya ni Nyril.








"Anong gusto mong malaman?" tanong ni Bane rito na napatingin lamang sa kanya. Hindi maiwasan ni Bane ang maging masaya sa sitwasyon niya ngayon. Na siya ay malayang-malayang nakakatingin sa mga magagandang mata ng babaeng nasa harapan niya. It was one of his hopes that one day, he can be able to face to face with this woman.









"Tell me.. Why did you lied?" seryosong tanong ni Nyril kaya napatigil ng panandalian si Bane at napaisip ng husto kung talaga bang sasabihin niya rito sa babae o hindi.








Maraming positibo at marami ring negatibong maaaring maidulot ang pagsabi niya sa katotohanan. Tinitimbang niya ang dalawang iyon, Oo o Hindi lang naman ngunit ang dalawa ay mabigat at mahirap na desisyon.








Napabugtong hininga nalang si Bane at napagdesisyunang sabihin ang totoo. "I lied.. because I don't you to get involve in this problem, not you not your family." not my future family~ ngunit syempre ay dagdag lamang iyon ni Bane sa kanyang isipan.








Napatango naman si Nyril at napaisip. "If that so, then what is your problem? Why are they kidnapping you? Who's behind it?" kunot-noo niyang tanong kaya napayuko si Bane bigla.






Humugot ng hininga ang binata at napatingin na lamang sa kamay niyang nilalaro ang bawat daliri.




"I don't personally know them.." muli niyang inangat ang tingin kay Nyril. "..but one thing is I know, they are the reason why Marie was killed." tila sumeryoso ata ang atmospera ng kwartong kinalalagyan nilang dalawa at maging ang ekspresyon ng mukha ni Bane. He even gritted his teeth and clenched his fist so tight.










Hindi naman maiwasang maguluhan ni Nyril at magulat rin nang makita ang kalagayan ngayon ng kaharap. Ito na ata ang unang beses na makita niya ito ng ganun kaseryoso sapagkat kapag nagkikita sila ay puro bangayan at tuksuhan. Immature acts, but this time Bane just turned into another side of him.








K.A.P.E.S(B3): Nocivo Famigliá [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon