NF• Ika-Dalawangpu't Tatlo.

2.2K 62 0
                                    

I'll be having my summer class for the first time! Hope I can graduate early with this.. And my birthday is Approaching! Omo, the authorities have the right to lock me behind the bars soon! 😂😂 Lol.





••

Author's POV

••




Biglang bumukas ang pintuan ng bahay ng mga Lafonso. Isang batang babae ang pumasok habang lumalakad na animoy wala sa sarili lalo pa't nakangiti ito ng kay lawak na animoy nauulol na.

Naglakad ito patungo sa living room at naupo sa couch at napatulala sa kisame na para bang nay inaalala itong mga bagay-bagay na lubos na nagpapasaya sa kanya.

Lingid sa kanyang kaalaman, mayroon pala siyang katabi sa pag-upo niya. Ni hindi niya man lang ito napansin sapagkat ang kanyang utak ay wala ata rito, kundi lumilipad sa kung saan-saan.


Nawe-weirduhang nakatingin sa kanya ang katabi niya. Nagtataka ito kung bakit tila naka-shabu siya at high pa sa high. Hindi nito maiwasang hindi siya kausapin at tanungin.



"Shiloh.. Okay ka lang ba?" tanong nito ngunit tila walang narinig si Shiloh at patuloy pa rin sa kanyang pagkatulala sa kisame kaya walang nagawa at napa-sundot siya sa balikat nito upang siya'y mapansin ni Shiloh.



"Okay ka lang ba?" ulit nitong tanong dahilan upang tuloyan siyang mapansin ni Shiloh at ito'y napalingon sa kanya.


"Uh?" ngunit para pa rin itong wala sa sarili kaya napa-iling-iling na lamang siya.



"Sabi ko, Okay ka lang ba? Nakatulala ka kasi sa kisame.." muling ulit niya kaya NAPA-'AHH' naman si Shiloh at napakamot sa batok at napangiti.



"Hehehe, don't mind me Kuya Bane. I am just happy today. Hehehe" ngumingiting sagot nito dahilan para mapatango nalang ng alanganin si Bane dahil para talagang naka-hithit ang kanyang Sister-in-Law. Pfft.



Binalewala na lamang iyon ni Bane at minabuting tumingin sa harap kung nasaan ang telebisyon at doon na lamang itinuon ang atensyon.

Ngunit sa ilang sandali ay biglang napalingon ulit si Bane sa kanyang katabi na si Shiloh lalo pa't bigla siya nitong hinawakan sa braso at niyugyog.


"Kuya Bane!" tawag pansin ni Shiloh kaya napataas naman ng dalawang kilay si Bane rito at napangiti.



"Bakit, ano yun Shiloh?" tanong niya rito. Napangiti naman si Shiloh na animo'y nahihiya at napalaro ng mga daliri kaya nagtaka siya sa kinikilos nito.



"Kasi.. Kasi... May itatanong po sana ako.." nahihiya nitong sambit kaya napatawa naman ng mahina si Bane dahil na aaliw siya sa aktong ginagawa ng sister-in-law niya. Pfft.




"Sige, magtanong ka lang ng kahit ano. Sasagutin ko."

Tila nabuhayan naman ng loob si Shiloh at napangiti ng malawak. "Really!?" tanong nito kaya napatango-tango naman si Bane. "Promise me that you won't say this to anyone, Kuya Bane..?" dagdag nito.




Napakunot-noo naman doon si Bane sapagkat nagtataka siya kung bakit bawal ipagsabi sa iba ang magiging isturya nilang dalawa. Ngunit kahit ganoon ay napakibit balikat na lamang siya at muling napatango rito.

"Okay. Promise. Ano ba ang tanong mo Shiloh?" Tanong ni Bane at napaayos ng upo upang magkaharap sila.





Huminga naman ng malalim si Shiloh at seryosong tinignan siya. Mata sa mata.

K.A.P.E.S(B3): Nocivo Famigliá [ON-HOLD]Where stories live. Discover now