NF• Ika-Tatlumpu't Tatlo.

1.8K 95 12
                                    

••

Author's POV

••

Naka-rinig ng mga ingay sina Nyril sa labas ng kwarto kaya'y nagkatinginan silang apat. Nagka-tangoan ang dalawang sina Bane at Nyril sa isa't-isa at napag-pasyahan nilang lumabas na nga ng silid.

Binuksan ni Bane ang pintuan ng silid at naunang lumabas. Sumunod naman agad si Nyril na hawak-hawak ang mga kamay ng kaniyang dalawang nakaka-batang kapatid.

Dahan-dahan silang bumaba sa hagdanan at doon nga nila natanaw ang lahat na aligaga sa kani-kanilang ginagawa.

Napakunot-noo na lamang sina Nyril dahil hindi nila alam kung ano ang nangyayari kung bakit tila ang mga tao sa paligid ay para bang hinahabol ng mga aso sa bilis kung kumilos.

Nang maka-baba na sila ng tuloyan ay bigla silang napa-hinto nang dumaan sa kanilang harapan ang mga grupo ng mga FBI na pinangungunahan ni Sky. Hindi sila tinignan ng mga ito at ang mga mukha ay napaka-seryoso. Na animo'y sasabak na sa kung anong gyera dahil na rin sa mga bitbit nilang mga armas sa katawan.

Napa-lunok tuloy si Bane doon habang si Nyril naman ay hinanap ang kaniyang ama para matanong ito kung ano nga ba talaga ang nangyayari ngayon dito.

Hindi naman siya nabigo nang makita niya si Nyegie na malapit sa pintuan habang kaharap si Viroughn. Agad niyang kinalabit si Bane at tinuro ang deriksyon nila Nyegie kaya napa-tango na lamang si Bane at tuloyan na nga silang lumapit doon.

Ngunit nang sila'y medyo naka-lapit na ay napa-hinto sila nang marinig nila ang pag-uusap ng dalawa.

"I want to come too, Dad!"

"I can't allow that Viroughn. You might get hurt there and I don't want that to happen. It's risky."

"But Dad, I know how to defend myself. I can manage myself. No need to worry about me. I need to see mom with my own eyes!"

Napa-iling si Nyegie. "No. My decision is final. You can't come with us. I want you to stay here and take care of your sisters. You are the only man I can trust to take care of our ladies in our family. You can leave your mom with me." determinado nitong sabi kaya napa-tikom na lamang ng bibig si Viroughn kahit pa't gustohin niya pa ring komontra sa kaniyang ama ngunit may punto rin naman ito.

Kung maiiwan niya ang kaniyang tatlong kapatid na babae rito sa bahay ay masyadong delikado iyon at baka magawa na namang mangidnap ng mga taong nangidnap sa kaniyang ina kaya hinding-hindi niya iyon papayagan. Mas mabuti na nga talagang siya'y magpa-iwan na lamang.

"The helicopters are here," sabi ni Nyegie nang marinig niya ang helicopter sa labas ng bahay kaya agad siyang bumaling muli kay Viroughn at niyakap ito. Niyakap niya rin sina Nyril, Shiloh, Caleigh at maging si Bane. "I promise, I won't be back if your mom's not with me." pangako niya sa mga ito kaya napa-tango na lamang sina Nyril.

"Papa, I miss mommy. Save mommy." naka-ramdam ng pagyakap sa mga binti si Nyegie at nakita niya ngang ang anak niya palang si Caleigh ito kaya agad niya itong niluhod at hinaplos-haplos ang mga pisnge tsaka hinalikan ito sa noo.

"Daddy will save mommy." napa-ngiti na lamang ng bahagya si Caleigh kaya tumayo na muli si Nyegie at tinanguan ang mga anak tsaka tinapik ang balikat ni Viroughn upang ipa-alala rito ang responsibilidad niya ngayon.

Napa-tango na lamang ito sa kaniyang ama na tuloyan nang lumabas sa kanilang bahay.

Napa-tanaw na lamang sila nang ito'y pumasok sa isang helicopter kasama ang kanilang Tita Felis, Uncle Ethos at Uncle Sky at ilang myembro ng FBI.

K.A.P.E.S(B3): Nocivo Famigliá [ON-HOLD]Where stories live. Discover now