NF• Ika-Dalawangpu.

2.8K 91 6
                                    

A: Foul Words may occur so if you are so innocent enough, uhm, just read it fast and avoid those words. Lol. (does it even possible!??) Goodluck.





••

Author's POV

••




"Bro! Kamusta? Tagal mo ng hindi nakakapunta sa HQ natin ah?"

Nakaramdam ng mabigat na kamay si Viroughn sa kanyang balikat kaya nalingon niya ito at nakitang si Jersen pala, ang Co-gangster niya.

Napatingin din siya sa kamay nitong naka-akbay at sa totoo lang ay gusto na niya itong ibalibag paalis sa kanya sapagkat ayaw na ayaw niyang may humahawak o umaakbay sa kanya na kung sino-sino lang.


Ngunit minabuti niya nalang na balewalain ito't pekeng ngumiti rito.



"Pasensya na, naging busy sa bahay eh." sagot niya at lumayo rito tsaka naupo sa couch kung nasaan din nakaupo ang isa pa niyang kasamahan sa gang na may ngalang, Robin at malayang-malaya itong naninigarilyo habang ang paa ay nakapatong sa mesa.




Sumunod na rin si Jersen at naupo sa kaharap nilang couch kung nasaan din nakaupo si Cashton, na siyang Lider ng grupong Sacred Hellion Gang. Nakaupo lang ito ng prente at naka-de cuatro habang nagbabasa ng isang Tabloid na ni hindi man lang nilingon si Viroughn.




"Ahh! Shit! Ohh~!" napakunot ng noo si Viroughn nang marinig niya ang isang lalaking umuungol sa isang kwarto na tila ba ay nakikipag-talik ito.




"G*go talaga 'tong si Steve! Tanghaling tapat may talik na naman ang g*go!" sabay tawa na komento ni Robin sabay hithit ng sigarilyo at ibinuga. Napaisip naman agad si Viroughn kung sino ang Steve na tinutukoy ni Robin. Kung tama ang pagkaka-alala niya, ang lalaking iyon ang pinaka-matinik na lalaki sa grupong ito. Halos araw-araw ay tumitira ito ng babae at may pagkama-libog talaga na lalaki. Kung sino-sino na nga lang ang dinadala nito sa kanilang HQ at walang hiyang nakikipag-sex rito habang umuungol pa ng kay lakas na walang pakialam kung maririnig ba nila o hindi.






Napailing nalang si Viroughn doon at sa totoo lang ay kinasusuklam niyang mapasok sa ganitong sitwasyon ngunit, wala naman siyang ibang magawa kaya heto't kailangan niyang tanggapin ang kanyang napasokan.







"Wala ba tayong laban Bro? Pigang-piga na ang pitaka ko! Kailangan ko na ng pisteng pera!" sambit naman ni Jersen kay Cashton na agad namang napatingin dito at kinibitan ng balikat.




"Wala akong alam. Tanong mo kay Kleo." tipid na sagot ni Cashton at muling binalingan ang Tabloid niya. Napa-TSK naman agad si Jersen dahil doon at napalinga-linga sa paligid.






"Nasaan nga ba si Kleo ha?" kunot noong tanong ni Jersen na tila hudyat naman upang bumukas ang pintuan ng HQ dahilan para mapatingin sila dito at nakitang iniluwa mula doon si Kleo na yumayakap sa bitbit niyang Laptop.




Agad namang napatayo si Jersen at natuwa sa pagdating ni Kleo kaya sinalubong niya ito gaya nang ginawa niya kay Viroughn kanina at inakbayan sa balikat.

"Bro, wala ba tayong naka-schedule na laban?" agad na tanong ni Jersen kay Kleo sapagkat itong huli ay ang may alam at hawak sa lahat ng laban nila sa Gang at iba pang transaksyon.





"Merun pero mamaya pang hating gabi." sagot naman ni Kleo na naupo sa tabi ni Cashton gayon na rin si Jersen.





K.A.P.E.S(B3): Nocivo Famigliá [ON-HOLD]Where stories live. Discover now