Chapter 14

19 0 0
                                    

Chapter 14


Di ko akalain na magkakaroon ako ng bagong kaibigan dito. Marami kaming napag usapan ni Lei. Ang lungkot pala ng buhay niya. Kung ako namomoblema about sa family, siya naman sobrang complicated ng problema niya. Nalayo raw kasi siya sa family niya no'ng teenager years pa niya. Tapos yung ama ng anak niya... hay naku!

Napag alaman ko rin pala na nagta trabaho siya ngayon sa isang resort na nasa isla. Buti nalang at binigyan siya ng 4 days day-off! Mabuti na rin at nakilala niya ang pamangkin ng may-ari no'n. I know that place. Very private ang isla na 'yon. Super tight ang security lalo na't mga kilalang tao ang nagbabakasyon doon.

"Mabuti talaga at apat na araw ang day-off mo Lei. Makakapag mother-and-son bonding moment kayo nitong si Lucas." Na ngayon ay nagsusumikap ng maglakad mag-isa, kaya hinawakan ko siyang mabuti at pinalaro ang sunglasses ko.

"Oo nga Marge. Do'n kasi sa resort ay naiiwan ko siya sa baby day care center dahil sa work." Anya habang inaayos ang malaking payong na dala niya. "Iba pa din kasi kapag ako ang nag-aalaga sa kaniya."

Tumango lang ako dahil I wouldn't know about that. Wala pa naman kasi akong anak.

Napunta ang pag uusap namin tungkol sakin. Ewan ko rin kung bakit nasasabi ko kay Lei lahat ng nangyari sa buhay ko, summary nga lang of course.

"Uhm. I know it's not in my place to say this, Marge, kaso I think kailangan niyo talagang pag-usapan iyan ng Mommy mo. Wala rin naman mangyayari kapag hindi mo siya kakausapin."

Ginagap ni Lei ang kamay ko. Tama naman siya. Pinagsabihan nga rin ako nina Celeste at Kat.

I really want to patch things up between my Mom and I... but I know she'll make it impossible. Alam ko kasing she would turn things around in her favor... again. Ganoon naman kasi parati. Ako yung nakikitang masama kapag nag uusap kami ni Mama. Napabuntong hininga nalang ako at tumango bilang sagot ko sa sinabi niya.

"Mama-"

Napatingin kami pareho kay Lucas na ngayon ay gusto yatang magpakarga kay Lei. Wait. Nagsasalita na 'tong batang 'to? Ngayon lang kasi nagsalita 'to eh.

"Mama! Mama!"

Ngumiti si Lei at kinuha si Lucas. "Baka gutom na siya. Malapit na rin mag alas onse eh."

"Sabay na tayong kumain ng lunch!" Yaya ko sa kaniya.

"Naku, wag na-"

"I insist! Wait lang." Tumayo na ako at lumingon-lingon para hanapin yung kasama kong feeling photographer. "Drake!" Isang beses ko palang siyang tinawag ay mabilis na lumapit siya sa tabi ko.

Tumayo na rin si Lei na dala dala si Lucas kaya tinulungan namin siya ni Dre. "Salamat.."

"Lei, ito nga pala si Drake. Yung sinasabi ko sayo kanina."

"Hoy! Anong sinabi mo tungkol sakin?" Nakakunot ang noo na nakatingin si Dre sakin.

Hindi ko na siya pinansin at, "Drake, si Lei at ang anak niyang si Lucas. Sabay sabay na tayong mag lunch." Nginitian ko si Drake at parang nakalimutan na niya ang tanong niya sa moment na 'yon. Weird.

"Uh sure.. if that's what you want." Bumaling siya kay Lei saglit. "Hi! Nice meeting you."

Tumango lang si Lei at nagpipigil na tumawa. Alam ko dahil kitang kita sa pag ngiti niya na gusto niyang humalakhak ng sobra. May na-miss ba akong joke?

MASAYA KAMI habang naghihintay sa in-order namin kasi panay ang turo ni Lucas sa halo-halo na nasa kabilang table. Mga ten to fifteen minutes pa kasi bago dumating yung food.

"After our lunch, we'll have halo-halo, okay?" Sabi ni Lei sa anak niya na nakasimangot dahil gustong unahin ang dessert.

Napatawa nalang kami ni Dre sa ka-cute-an ni baby Lucas. "Ang cute mo talaga!" Sabay kurot ko sa matabang pisngi ni Lucas pero mahina lang naman dahil baka masaktan pa ang bata at umiyak sa ginawa ko.

"Gawa na rin kayo ng sa inyo. I'm sure cute din pag magka baby kayo."

Namula ako sa sinabi ni Lei! Damn! "Ha-ha-ha Hi-hindi kami ganoon Lei, noh!" Halos hinihingal ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Kaasar! Nilingon ko pa si Dre para makita ang reaksiyon niya pero wala lang naman sa kaniya ang narinig niya. Kaso ang weird ng ngiti niya. Ano ba yan!

"What? Diyan din naman patungo ang relasyon niyo eh, diba Marge?" Kinindatan pa niya ako. Tumahimik ka nga diyan Lei!

"Well.. pagpa planuhan pa namin yan Lei. Siyempre, mas maganda pag ikasal muna kami." Bigla biglang sumagot si Drake na naka akbay na sakin ngayon at nakangiting pang asar. Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko.

Pinandilatan ko nalang silang dalawa sa sinasabi nila. "Tumahimik na kayo! Nandito na ang mga pagkain oh!" Pag iiba ko sa topic.

Natigil naman silang dalawa. Pumalakpak pa si baby Lucas pagdating nung food niya. Halatang gutom nga ang isang 'to! Inayos siya ni Lei sa upuan niya, pati na rin ang kakainin niya ay inayos muna bago nilapit kay Lucas.

Mabuti nalang at limot na nila ang tungkol sa paggawa ng baby kuno namin ni Dre. Ako lang yata ang hindi pa nakaka recover. Nakatitig lang ako kay Drake na nakaupo sa tabi ko. May hitsura nga siya. Gwapo. Matangos ang ilong. Mas mahaba nga rin yata ang pilik mata niya kesa ng sakin. Tapos mamula mula yung labi niya. Walang wala sa pinkish kong lips. Para ngang mala Adonis na latina ang mukha niya at katawan na rin. Siguradong super cute nga kapag magkaroon kami ng baby!

Ano ba 'tong pinag iisip ko? Hindi ko naman siya boyfriend talaga! Erase from my brain! Erase! Erase!

"What? Need anything Marge?" Naka smirk pa ang loko!

Pumula ako lalo. "Wa-wala! Kain na tayo."

Kumuha ako ng sakto lang sakin. Diet ako ngayon eh dahil feeling ko tumaba ako. Magana pa rin akong kumain kahit na hindi ako makapag focus dahil sa naisip ko kanina.

Tahimik lang kaming kumakain pero nang matapos kami ay nagkukuwentuhan na naman kami. Dumating din yung halo-halo para kay baby Lucas at pati na rin kami ay may halo-halo.

After namin kumain ay nagpa picture kami kasama si Lei at ang anak niyang si Lucas. Nag exchange rin kami ng digits ni Lei habang naglalakad kami patungo sa tinitirhan namin sa resort. Si Drake ay nasa unahan namin, kargang karga si baby Lucas.

"Sa tingin ko talaga magiging mabuting ama iyang si Drake pag may baby kayo Marge.."

Napabuntong hininga ako. Ayan na naman siya. "Lei.. alam mo naman na isang palabas lang 'tong lahat samin. Tsaka hindi ako mai inlove sa isang iyan noh!"

Nagkibit balikat lang si Lei. "Malay mo Marge. Mabait naman yata yang si Drake, bagay na bagay kayong dalawa, tsaka wag mong sabihin yan. Ikaw din.. balang araw kakainin mo yang sinabi mo."

Hindi nalang ako sumagot sa kaniya. Wala rin kasi akong maisip na isagot.

Her Messy LifeWhere stories live. Discover now