Chapter 8

92 1 0
                                    

Chapter 8

Margie's POV

I can't believe I'm meeting Dre's mother and his fiance!!

Okay. I need to calm down. I took a deep breath and exhaled. 

Kumuha na ako ng pineapple juice, leek, carrot, at chicken sa fridge. I guess Dre is talking to them dahil ang tagal niyang bumalik dito sa kusina.

Hindi ko naman siya masisi. Siguro kinakabahan siya ngayon. Akalain mo namang kani-kanina lang namin naisip ang 'act' na gagawin namin, tapos agad-agad na dapat magkunwari kaming magkasintahan. 

Nilapag ko ang mga kinuha ko isa-isa sa counter. Inabot ko ang chopping board at knife na ginamit kanina at hinugasa iyon. Kinuha ko ang leek at carrot pagkatapos ay ini-slice yon. Gagawa nalang ako ng experiment ngayon dahil mukhang matatagalan pa talaga si Dre.

Bakit naman kasi ako uminom kagabi? Tsk. Bumuntong-hininga nalang ako. Kailangan ko pa palang tawagan si bestie Kat para bukas. 

Hinugasan ko muna ang kamay ko bago ko kinuha ang phone ko sa bulsa ng shorts na suot ko. Dapat yata i-tuck in ko ang t-shirt ko sa shorts para hindi ako magkamalang hindi nagsoshorts.

Pinindot ko na ang number ni Kat at wala pang three rings ay sinagot na niya ito. Nilayo ko ng konti ang phone ko.

"Hoy babae!! Nasaan ka ba?! Akala ko ba iinom ka lang ng konte kagabi tapos uuwi ka na? Nasaan ka ngayon? Hala! Na-rape ka ba?! Alam mo bang tumawag sakin si Tita kagabi?! Hello?! Hello Margaux?!" bungad sakin ni Kat.

Rinig niyo 'yun? Kaya naman siguro naiintindihan niyo kung bakit nilayo ko ang phone ko? Grabe talaga 'tong si Kat kung mag-alala wagas! Napatawa nalang ako.

"Hey, calm down best. I'm okay, nasa bahay ako ng bago kong kaibigan-- and yeah I'll tell you all about it kapag nagkita tayo later. And I am not raped. Baliw ka talaga!" natatawang sagot ko sa kanya habang kumuha ako ng stockpot at nilagay don ang chicken, 6 cups of water tsaka 1 tablespoon of salt.

I turned on the stove, medium-high heat. Kailangan daw kasi i-bring to a boil siya. Kumuha ako ng ladle para ma-skim ko ang foam na nasa sa surface. Nang matapos na ako ay inabot ko ang leek at carrot, na nai-slice ko na kani-kanina lang, at nilagay ko sa kumukulong tubig na may manok. 

Kumuha ako ng bay leaves sa isa sa mga small transparent jars at nilagay din yon sa niluluto ko. Kailangan daw i-simmer yong mga nilagay ko kasama ang chicken hanggang sa maluto na ang manok. It will take about 25 minutes to 45 minutes depende sa init ng tubig.

Her Messy LifeWhere stories live. Discover now