Chapter 7

84 1 0
                                    

Chapter 7

Dre's POV

Hindi ako makapaniwalang nasabi ko 'yun kay Margaux. Tama ba ang ginawa ko?

Alam kong may nararamdaman na ako para sa kanya. I'm attracted to her. Pero siya.... baka lumayo pa siya sakin pagkatapos nito. Alam kong mali na sinali ko siya sa problema ko... but I have no choice.

Knowing my Mom and Clarity, they will stop at nothing para lang makuha ang gusto nila- ang maipakasal ako kay Clarity. I guess this plan might, somehow, delay those ideas na gusto nila. There's no time to waste on regretting the favor I've asked her. Kailangan ko naman talaga ng tulong niya.

This plan benefits me on both ways, mas palagi kaming magkikita ni Margaux, mapapalapit ako sa kanya, at mawawala pa ang pagiging fiance ni Clarity sakin- or madedelay.

Bumalik na ako sa dining area para iligpit ang mga pinagkainan namin doon. Yung mga natirang pagkain ay nilagay ko nalang sa tupperware at pinasok sa refrigerator. Hinugasan ko na ang mga pinggan at tinapon sa basurahan ang mga dumi. 

Nang matapos ako ay pumunta muna ako sa taas. Nasa tapat ng pinto na ako ng kwarto ko, kumatok ako ng tatlong beses bago ko maingat na pinihit yung door knob ng wala namang sagot akong natanggap galing kay Margaux. Ang isang mata ko nakapikit. Naliligo pa yata siya.

Tuluy-tuloy na pumasok ako at dumiretso sa may drawers ko. Kumuha ako ng mga damit. Maliligo ako ulit. Just a quick shower.

Nang makuha ko na ang mga gamit ko, umalis na ako sa room at tumungo sa guest room kung saan ako natulog kagabi. Nilagay ko yung mga gamit sa bed pagkatapos ay pumasok na ako sa bathroom.

Nagmadali na akong maligo then after 15 minutes, natapos na ako at nakapagbihis na. Pinapatuyo ko nalang ang buhok ko gamit ang towel habang pumanaog na ako.

Buti nalang at hindi pa tapos si Margaux. Ganoon ba talaga ang mga babae? Matagal matapos maligo? Hmm.

Dumiretso na ako sa kusina at naghahanap ng kung anong lulutuin para sa lunch. Ano kaya lulutuin ko? Hey, hindi ibig sabihin na lalaki ako ay pang-agahan lang ang kaya kong lutuin. I can cook, you know. Hmm. Let's see.

----

Margie's POV

After one hour and a few minutes, natapos na din ako. Naipatuyo ko na ang buhok ko at nakapagsuklay na din- gamit nga lang yung kamay ko. Pero okay na 'to. Kaysa naman mag-amoy alak ako kapag dumating na yung Clarity na 'yun at ang Mama ni Dre.

Her Messy LifeOnde histórias criam vida. Descubra agora