Chapter 6

78 1 0
                                    

Chapter 6

Margie's POV

"Salamat nga pala ah, Dre. Pinatulog mo ako dito at heto, pinapakain pa." Hinging-pasalamat ko sa kanya habang kumakain kami. Haay. Nakakahiya man pero talagang gutom ako. Ngumiti nalang ako ng pilit sa kanya.

"Okay lang yun noh. Buti nga nakita kita ulit, doon nga lang sa bar." Aniya sabay ngisi sakin, pagkatapos ay binalik nito ang atensiyon sa pagkaing nasa plato niya.

 

 

"Haay. Lasing na talaga ako kagabi kaya di ko na matandaan. Ang naalala ko lang ay nakita kita doon." Bakit ko naman kasi naisipang uminom kagabi? At bakit andami ng nainom ko? Tsk. Napapailing nalang ako.

Kataleya would always tell me na dapat alam ko ang limit ko pag umiinom. Si Celeste naman pinapangaralan ako, kami ni Kat to be exact, tuwing umiinom kami. Nakakasira daw yun sa tiyan at kung anu-ano pang sinasabi niya. Ang ending? Kami ni Kat umiinom ng alcoholic drinks, siya naman pinapainom namin ng milkshake.

 

 

"Oo nga eh. May lalaki ngang lumapit sayo kagabi," sabi nito at tinusok ang hotdog para kainin pagkatapos ay uminom ng kape.

 

 

"Ano?!" Nanlaki mga mata ko. Bawal na talaga sakin ang alcoholic drinks! Paano nalang ako kung wala si Dre kagabi?

 

 

"Oo Marge. Buti nga nandoon ako eh. Nailigtas kita." He then winked at me, dahilan para mamula ako. Pinagpatuloy nalang ulit niya ang pagkain. Inubos ko na ang kape ko, tapos na akong kumain eh.

"Uhm.. salamat talaga Dre... Grabe! Laking purwesyo talaga ako sayo simula pa nung sa flight pabalik dito." Ngumuso ako. Sure akong mas namula na naman ang pisngi ko.

Grabe na talaga ito! Sobrang madami ng nagawa niya para sakin! Naaalala ko pa nung nakatulog na pala ako sa balikat niya. Tapos kinailangan niya pa akong hintayin magising nung nakarating na yung plane sa NAIA. Tapos ngayon naman, tinulungan niya ako kagabi at pinatulog dito sa bahay niya at kasalukuyan pang pinapakain. Paano ko kaya siya masusuklian sa kabutihan niya?

 

 

"Hindi naman noh. Buti nga nagkakilala tayo non sa flight eh."

 

 

"Ah basta!! Anong gusto mong gawin ko para masuklian lahat ng ginawa mong tulong? Dali na Dre! Tell me!!" I excitedly asked him.

He shaked his head and said, "Ano ka ba Margaux? Wala lang yun noh."

Her Messy LifeWhere stories live. Discover now