Chapter 12

53 0 0
                                    

Chapter 12

 

 

"Tama na Margaux.." pigil ni Kat sakin sa pag-inom.

Nandito kami sa Loca Bar. Alas onse na yata. Di ko na alam kung ano na ang oras ngayon. Kanina pa kasi kaming alas nuwebe dito eh.

Kailangan ko kasing umalis ng bahay. Pakiramdam ko ang dumi na ng bahay namin.

Naulit pa kasi yung narinig kong nangyari sa room ng guest nung makalawang gabi. At nung ikalawang beses na narinig ko yon ay chineck ko ang room ni Mama at wala siya doon.

Saan siya diba?

Kaya naghintay kami nina Kat at Cel sa kwarto kong sinadyang nakaawang ang pintuan para marinig ang pagbukas at pagsira sa pintuan ng kwarto ni Mama at nung guest.

Hindi lang din isang beses na nakita kong hinawakan ng lalaking yun ang puwet ni Mama, minsan din yung bewang niya. Disgusting! Nagawa niya pa talagang makipaglandian sa bahay!

Kaya nga umalis muna ako ngayon sa bahay. Wala na ang lalaking yon sa bahay namin. Mga dalawang araw na ang lumipas simula ng bumalik ang lalaki sa trabaho nito doon sa Cotabato.

Ilang gabi na akong hindi nakakatulog ng maayos dahil sa narinig ko. Alam ko naman na dapat ay mag-usap kami ni Mama tungkol don. Kaya lang.. kaya lang hindi ko siya magawang komprontahin.

Pagsasabihan na naman ako nun ng "Anak lang kita kaya wala kang karapatang sumbatan ako!"

Ganoon ba talaga?

Kahit ang mismong magulang ang mali, hindi pwedeng magreklamo dahil anak lang naman ako? Wala akong karapatang magalit sa ginagawa niya dahil ina ko siya? Ganoon ba talaga dapat 'yon?

Hindi ko na kayang tumira doon sa bahay kaya heto at napag-isipan kong maglayas. I mean sinabihan ko lang si Mama na aalis ako para maghanap ng trabaho at agad agad ay pinayagan niya ako. Ni hindi niya ako tinignan dahil busy sa pakikipag-chat.

Kagabi pa ako nag empake. Ilang damit din ang dinala ko. Pati passport ko dinala ko na din, tsaka yung important papers ko.

Lahat ng gamit ko nasa loob ng sasakyan ni Kat. Balak ko kasing makitulog sa kanila habang naghahanap ako ng trabaho.

Narinig kong nagriring ang phone ko pero mabilis yong kinuha ni Kat at siya na mismo ang sumagot.

"Hello? Drake? Ah si Kat 'to.. Nandito siya.. Nandito kami sa Loca Bar. Oo.. Nagkaproblema kasi.. Pupuntahan mo siya dito? Ah. Okay. Oo. 'Kay. Thanks.."

Hindi ko na siya pinansin. Nagpatuloy nalang ako sa pag inom.

Haay. Bakit ganito? Di ba pwedeng magkaroon ng masayang pamilya? Tsk.

Oo nga pala. Wala nga palang perpektong pamilya. Ganon talaga ang buhay eh. Kung hindi ang Papa mo ang may nagawang mali, ang Mama mo naman. That's how it works. Masuwerte nga lang yung mga anak na kahit mag-away man ang magulang nila ay mas pipiliin pa rin nilang gawing buo ang pamilya.

Her Messy LifeWhere stories live. Discover now