Chapter 2

128 3 4
                                    

Chapter 2

Margie's POV

Nasa airport na ako ngayon. Tapos na kasi ang 3 days trip ko dito sa São Paulo, Brazil. Kailangan ko ng harapin ang mom ko. I know we have a lot to talk about. Di ko pa naman naeexplain ang side ko kanya.

Sa Pilipinas ko na rin pag-iisipan kung magtutuloy ba ako ng law or magtiteacher nalang or maghahanap ako ng trabaho. Parang gusto kong mag-aral ulit. I think mabobored lang ako sa bahay. Well, I have at least two months pa naman to think about what I'll do.

Ina-announce na nila na boarding time na for Philippines passenger. Kinuha ko ang backpack ko at inayos ang shoulder bag ko bago pa ako pumunta na doon sa boarding area. Binigay ko sa attendant yung ticket at passport ko. She smiled at me and I smiled back. Pagkatapos niyang icheck 'yon, binalik niya din sakin.

"Enjoy your flight Ma'am"

"Thank you!"

Pumasok na ako ng tuluyan sa plane at hinanap ang seat ko. Hmm. Ah! Ito ang designated seat ko. Inayos ko na yung backpack ko sa paglalagyan pagkatapos ay umupo na ako. Buti nalang ang seat ko ay yung malapit sa bintana.

Napabuntong-hininga nalang ako. I'm going back home. I have to face my mom. I also have to talk to dad para makauwi na siya. It's only right na umuwi na si Papa besides I'm done with my college. I think I need to find a job tapos tsaka nalang ako magpoproceed ng law, so that I can save up more money before magproceed, para na rin makatulong ako kina Papa.

Kinuha ko ang ipod at tinurn on pagkatapos ay sinuot ang earplugs. I'll listen to music nalang. Ipinikit ko muna ang mga mata ko. I need to rest my eyes. Hindi na ako masyado nakatulog kanina dahil palagi ko nalang naiisip yung naging usapan namin ni mom.

---

NARAMDAMAN ko na parang tinulak ang ulo ko at napauntog ako sa window. Oww! Ouch! Hinawakan ko ang side ng ulo ko at iminulat ang mga mata ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Sakit. I glared at the person sitting beside me. Pwede naman kasi na tinapik nalang niya ako. Tsk.

He glanced at me tapos nagkibit-balikat lang siya. "I'm sorry. Kanina pa kasi nasasandal ang ulo mo sa balikat ko. Nangangalay na kasi balikat ko."

Pinoy pala 'to. Akala ko latino eh. May pagkalatino kasi ang mukha niya. Pinamulahaan ako sa pisngi. Damn. Dapat sumandal nalang ako ng maayos sa upuan simula kanina. Nakakahiya naman. Inayos ko muna ang hitsura ko bago ko siya hinarap ulit.

"Err. Sorry. Hindi ko sinasadya na mapasandal sayo."

"Okay lang. I'm Drake Avelino Esguerra, by the way. Dre for short." pag-iintroduce niya sa sarili niya sabay abot ng kamay niya sakin for a handshake. He flashed a smile showing off his well taken care of set of teeth.

Inabot ko ang kamay niya at nihandshake iyon. "Margaux. Margaux Scarlett Montague."

"Ang haba ng pangalan mo." He grinned.

"I know right?" I chuckled then smiled at him. "You can just call me Marge o Margie."

After ng handshake namin, umayos na ako ng upo. Binalik ko na din yung ipod ko sa shoulder bag ko. Sinandal ko ng mabuti yung ulo ko sa upuan. This is going to be a long flight.

"Would you like something to drink, Sir? Ma'am?" Tanong sa amin ng flight attendant.

Tinuro ko nalang yung mango juice tapos nag-thank you sa kanya. Si Dre naman kinuha nalang yung coke in can tapos nag-thank you rin. Tumango ang babaeng flight attendant at pumunta sa ibang passengers.

"So... hmm.. I thought Latino ka." I blurted out all of the sudden. Whoah. Way to go Marge! You and your big mouth. I scolded myself. Geez.

He looked at me and showed me his crooked smile. "Uh, well, siguro sa genes ng mother ko. May pagka-mestiza kasi ang lahi nila.”

Kinuha niya yung book sa gilid niya tapos nagbasa, leaving me speechless. Seriously? Ayaw akong kausap ng taong ‘to. Tsk. Kung ayaw niya akong kausapin, edi wag! Ininom ko ang mango juice pagkatapos ay kinuha ulit ang ipod ko sa shoulder bag.

I might as well listen to Christina Grimmie’s songs kaysa maghanap ng topic wherein this person beside me is not even interested to talk. This flight is 23 hours, and 21 minutes. I'm pretty sure I'll have a sore butt by the end of this flight. Nung papunta palang ako sa São Paulo, Brazil, hindi ko naman namalayan iyon kasi I sort of drank a lot of beer and dozed off the whole course of the flight. I hope I can get some sleep ngayon. 

Tumingin lang ako sa labas ng bintana. Nasa ere na kami. Kitang-kita ko na ang mga ulap. Nakaka-antok naman na ganito ang nakikita ko. This is a long flight naman. Okay lang naman na matulog ako like the last time. Pinikit ko na ang mga mata ko and doze off to sleep.

---

Dre's POV

Naramdaman ko ang katabi kong babae na si Margaux na parang tulog na naman. Tiniklop ko ang binabasa ko at nilingon siya. I like it better when she's sleeping katulad kanina. I can freely see her face kasi. Ang ganda naman kasi niya, I think I'm having a crush sa kanya. Para siyang anghel kapag natutulog pero kapag gising na siya napaka-talkative. I sighed.

Ang ayaw ko pa naman sa isang babae ay ang pagiging talkative nila. Nakakairita kasi, well, it's just my opinion. Kapag talkative kasi ang babae, they remind me of my fiance since I was in High School na si Clarity. She's very bubbly, lalo na kapag ang topic ay tungkol sa sarili niya. Hindi na nga niya siguro alam na wala naman talagang interesado ang pinagseshare-an niya ng tungkol sa kanya.

I went to São Paulo because of her, in the first place. Parati na kasi niyang kinukulit ang parents niya, who happens to be my Ninong and Ninang, na ipakasal na daw kami. And I was like, What?! Baliw na yata talaga si Clarity.

Don't get me wrong, I want to get married but I want it to be with the one that I love. Napatingin ako kay Margaux and I think I've fallen for this sleeping angel beside me. Paano? Hindi ko din alam. I’m just happy na nakita at nakatabi ko siya for this flight.

Kung gusto ko siya, bakit hindi ko siya pinapansin? Simple lang. Every time she smiles at me bumibilis ang tibok ng puso ko. At kapag nagsasalita siya, kahit medyo nakakairita dahil nareremind ako kay Clarity ay parang. . . parang nai-inlove ako sa kanya. Yung ganoon. 

But I can't just blurt out this sudden emotion to her. Why not? Kasi po may isa pa akong problema. Pagkauwi ko, I need to face my family and Clarity. 

How can I stop my marriage to her?

I glanced at Margaux, who is still sleeping. I shaked my head. No. Hindi pwede baka pagkamalan pa niya akong stalker o ano. I sighed.

So what should I do then?

Her Messy LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon