Chapter 3

123 3 2
                                    

Chapter 3

 

Margie's POV

 

I woke up when I felt someone tapping my shoulder para gisingin ako.

Ugh! Ayaw ko pang gumising!

Sobrang sakit kasi ng ulo ko. Alam niyo yung feeling na nakatulog kayo tapos nagising tapos nakatulog na naman tapos heto, ginigising ka? Ang sakit sa ulo eh. Sa haba ba naman ng tulog ay sino ba naman ang hindi sasakit ang ulo diba?

Tinapik ulit ako dahilan para tuluyan ko ng minulat ang aking mga mata.

Ugh! Sakit talaga!

Nilingon ko yung gumising sakin na walang iba kundi si Dre.

Tinanggal ko ang earphones ko tsaka ko siya tinaasan ng kilay para maipahiwatig sa kanya ang gusto kong sabihin na: "Bakit mo ba ako ginigising? Istorbo ka!"

Nagkibit-balikat lang siya na para bang wala lang sa kanya na nainis niya ako.

"Nandito na kasi tayo sa NAIA." Sabi niya sakin tsaka tumingin sa aisle ng airplane. "Mga 15 minutes na rin mula nung naglanding itong eroplano. Nagsibabaan na nga ang ibang pasahero eh." Patuloy niya sa pag-eexplain kung bakit niya ako ginising.

Tumayo ako ng konti para tignan ang sinasabi niyang nagsibabaan na mga pasahero.

Tama nga siya! Nagsibabaan na nga sila!

Umupo ako ulit at inayos ang mukha ko, pagkatapos ay nilagay sa shoulder bag ang ipod ko. Pagkatapos kong gawin iyon ay hinarap ko siya.

"Bakit hindi mo ako ginising kanina?"

 

"Tulog na tulog ka eh. Tsaka akala ko gigising ka rin ng kusa. Buti nga hinintay kitang magising at nang di ka talaga gumising ay tsaka kita ginising." Sagot niya sakin at nang-aasar na nakangisi.

Tsk. Dapat pala nag-alarm ako! Pahiya na naman sa taong 'to! Tumikhim nalang ako.

 

"Tsk. O sya, salamat po! Dali!! Tayo ka na diyan Dre!" Naiinis na sabi ko sa kanya pero nagkibit-balikat lang ito at pagkatapos ng ilang sandali ay tsaka palang ito tumayo at kinuha ang luggage nito sa pinaglalagyan.

Her Messy LifeWhere stories live. Discover now