Chapter 16

4 0 0
                                    

Chapter 16


Nailagay na ni Drake ang mga pinamili namin sa likod ng sasakyan. Nakapasok na rin ako sa seat katabi ng sa kaniya. Hinihintay ko lang siyang i-start ang makina ng sasakyan.

"Ah! Wait! May nakalimutan ako! Diyan ka lang ah, ako nalang ang papasok sa mart," sabi niya sakin tsaka binuksan ulit ang car door sa side niya.

Hindi pa man ako nakasagot ay nakaalis na siya at dumiretso sa mart.

Hay. Ano naman kaya ang nakalimutan no'n? Kinuha ko nalang ang phone ko at nagtipa ng message para kay Lei.

Hello Lei. Doon ka na sa'min mag-dinner mamayang gabi. Isama mo na si baby Lucas para masaya. :) -Margaux

Sent.

Mabilis naman nakapag-reply si Lei. Binabantayan siguro ang baby niya kaya hindi natulog.

From Lei: Hi Marge! Sige2x. Sa'n banda ba ang cottage niyo?

To Lei: I'll pick u both up nalang dyan for dinner later. Tutal Dre's gonna cook the food naman e.

From Lei: Okay2x. Sige Marge. See you later then.

Ibinalik ko na ang phone ko sa aking bag na dala. Naghihintay pa ako kay Dre. Tagal din niya ah. It's almost 20 minutes since pumasok siya pabalik ng mart.

When finally I decided to go after him, tsaka naman humahangos na dumating si Dre.

"Ano ba kasi 'yang binili mo? Hinahangos ka pa. Mukha kang galing sa marathon." Pagmamaktol ko sa kaniya dahil na-bored ako sa kakahintay.

Hindi niya muna pinansin ang mga sinabi ko. Binuksan muna nito ang car door at umupo. Kumuha rin siya ng dalawang bottle of water, binigay niya sakin ang isa na tinanggap ko naman.

"Thanks. So, ano nga kasi?"

"Ang dami kasing teenagers do'n. Pinagkakaguluhan ako!" Parang inaway ng sandamakmak na tao ang mukha niya.

"Uy, grabe ka naman. Sobrang self-confidence naman yata iyan Dre." I tapped his right shoulder. Trying to stop myself from laughing.

Sumimangot si Dre at nakakunot ang noo na tumingin sakin. Di ko na talaga napigilan at napahalakhak nalang ako sa hitsura niya. Mukha siyang artista na dinumog ng mga fans niya! Not a pretty sight.

"Hey! It's not funny!" Saway niya sakin.

But being me, I just can't stop laughing. Specially when nakakatawa ang hitsura niya!

Sumimangot siya lalo at walang pasabi na nilagay - no, scratch that - tinapon sa lap ko ang cellophane na hawak niya.

"Hey, I'm sorry, okay? Kasalanan ko bang nagkaganyan ka?" Inis na sabi ko.

Nakakaasar lang talaga. Kailangan pa talagang itapon sakin yong binili niya? Ugh! Kainis!

Hindi siya sumagot sakin at pinaandar na ang sasakyan niya. Kung ayaw niyang tanggapin ang sorry ko edi wag! Hmp!

Tahimik lang kaming dalawa habang tinatahak namin ang daan pabalik sa resort.

P-in-ark niya na ang sasakyan niya at naglakad na kami ngayon pabalik sa cottage namin. Hindi parin kami nagpapansinan.

Ah, so silent war talaga kami ah. Edi fine!

Ako na ang nagbukas ng cottage dahil nasa sakin naman ang susi. Binigay niya sakin kanina noong nagpapansinan pa kami - which is bago kami pumasok sa mart.

Ang binato niya sakin na cellophane kanina sa sasakyan ay nilagay ko nalang sa mesa. Malay ko ba kung ano 'yon.

Nang nilagay niya ang bags of groceries namin sa kitchen counter ay dali-daling kinuha ko ang gamit ko at nilagay sa mas maliit na cellophane, since konti lang naman talaga ang pinamili ko. Kahit na ba ay hindi ako ang nagbayad no'n.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Messy LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon