Chapter 4

114 2 8
                                    

Chapter 4

Montague's Residence

Margie's POV



"Nay, paki-check nga po yung pasta kung tapos na ba?," nakangising tanong ko kay Manang Ysa. Siya ang yaya ko simula bata pa ako kaya naman Nay ang tawag ko sa kanya. Mas kilala pa yata ako ni Nay Ysa kaysa sa totoong kong ina.

"Okay Hija," sagot ni Nay Ysa tsaka tsineck yung pasta - spaghetti pasta. Madaming klase kasi ang pasta. Oh, wag niyo sabihing marunong akong magluto ah. Ilang dishes lang ang alam kong lutuin. Mas magaling at mas masarap pa ring magluto ang isa ko pang kaibigan na si Stella Celeste.

Tapos na akong maghiwa ng hotdogs. Gagawa kasi ako ng spaghetti na parang sa Jollibee. Namiss ko kasing kumain ng spaghetti. Buti nalang at madali lang 'tong gawin. Kung itatanong niyo kung nasaan si Mom, nasa taas siya. Reyna yan eh.

"Tapos na ito Hija," sabi naman ni Nay Ysa tsaka niya inoff ang apoy. Tinulungan ko na siyang itransfer ang pasta sa strainer. Making spaghetti rule #1: Rinse the cooked pasta with cool water so that hindi siya maging sobrang luto.

Pagkatapos naming matransfer ang pasta ay ni-rinse namin sa tubig. Bakit? Kasi daw ihahalo naman ang pasta sa sobrang init na sauce kaya maluluto rin 'to. Nang pakiramdam ko'y hindi na gaanong mainit ang pasta ay sinet aside ko muna ito.

Ready na ang lahat! First of, I turned on the stove. Nang wala ng bakas ng tubig sa kaldero ay nilagyan ko na ito ng vegetable oil. Pagkatapos ay sinunod ang onion ng medyo mainit na ang oil. Onion ang una kasi hindi ito madaling ma-brown unlike garlic.

Then nilagay ko na ang garlic. After mag-golden brown nito ay sinunod ko naman ang 1 cup ground pork. Nilagyan ko na ng paminta. Nang medyo luto na ay nilagay ko naman ang corned beef tsaka hotdog. Trip ko lang talagang lagyan ng corned beef para Jollibee ang effect.

Nilagyan ko ng beef knorr cube para magkalasa ang mga meat. Nang luto na, I poured the spaghetti sauces. Gusto ko sa spaghetti ay juicy siya kaya medyo maraming sauce ang nilagay ko. Nimix ko lang at nimix. Minsan si Nay Ysa din nagmimix, nakakangalay kasi. Nang maluto na siya ay nilagay ko na sa isang bowl at pinahanda sa mesa.

Habang hinahanda ni Nay Ysa sa mesa ang pang-dinner na putahe na niluto niya, umakyat muna ako sa taas para magbihis. Didiretso na sana ako sa kwarto ko ng may narinig akong nag-uusap sa kwarto ni Mama. Dinikit ko ang tenga ko sa pintuan ni Mama. Yeah. Yeah. I'm eavesdropping.

"Makikitira ka dito sa bahay?" Rinig kong boses ni Mama na pinalandi ang dating. Tsk! Sino kaya 'to? Ito kaya yung same guy noong high school pa ako?

 

"3 nights lang? Hmm. Pwede naman." Pwede naman? Pero yung boses mo halatang excited.

 

"Kelan ka pupunta?"

 

"Sige. Hihintayin ko nalang text mo."

 

"Oo na. Bye na."

 

"Love you too!"

 

Inayos ko na ang tayo ko. Sino kaya yung kausap ni Mama? Tsk. Baka one of her boy 'friends'. Dumiretso na ako sa kwarto ko bago pa malaman ni Mama na nakikinig ako sa usapan niya sa kung sino man yun. Sinarado ko muna ng maayos ang pintuan bago ko kinuha ang phone ko at pumasok sa bathroom.

Her Messy LifeWhere stories live. Discover now