Chapter 5

133 1 9
                                    

Chapter 5

Loca Bar

Dre's POV


I walked towards Margaux. She looks really drunk now. And that guy! That guy!! He keeps on touching Marge's shoulders. It's very irritating to see! Ang sarap sapakin ng lalaking 'to! Nagmadali na akong lumapit sa kanya.

"Oh Margaux!! Hey!"

Lumingon siya sakin, hindi ko alam kung kanino siya nakatingin talaga. "Heeey Dre! Lhoong taym noh seee!" Ngumisi pa siya sakin na animo nakita niya talaga ako o naalala for that matter. Nginitian ko din siya pagkatapos ay binalingan ang lalaking nasa tabi ni Margaux.

Tinignan ako ng masama ng lalaki. Tinaasan ko siya ng kilay sabay tanong, "Oh, anong tinitingin mo sakin? Kilala mo ba siya?" Sabay turo kay Margaux. "Hindi naman yata. Tsk tsk tsk." Patuloy ko.

 

Kinuha ko ang jacket ni Margaux at binayaran ang ininom niya. Inalalayan ko siya na makatayo at pupunta na sana sa exit ng hindi pa din umalis yung lalaki. "Tabi nga diyan." Sabi ko.

Nakipagtitigan war pa talaga sakin ang lalaki. Bakla yata to eh! Tinapik ito ng kasama yata nito tsaka naman sila umalis papunta sa iba pa nilang kasama na may mga babae. Tsk. Anong akala niya kay Margaux? Katulad ng mga babaeng yan? Tsk.

 

Napailing nalang ako at inayos ang pagkaalalay ko kay Margaux. Nang nakalabas na kami, pinindot ko yung car keys at lumapit sa sasakyan ko. Binuksan ko ang passengers seat pagkatapos ay tinulungan ko si Margaux na makaupo.

Pumunta na ako sa drivers seat at nilingon siya. Nakasubsob na siya sa compartment. Inabot ko nalang yung seat belt at inayos para hindi siya mabukol o kung ano. Bakit ba kasi siya naglasing? Nagseat belt na rin ako pagkatapos ay inistart ang sasakyan.

Hindi ko nga pala alam kung saan ang bahay nila. I maneuvered the car papunta sa pamilyar na daan. She wouldn't mind naman siguro kung doon, kesa naman sa hotel. I turned left tapos dumiretso sa Skye Subdivision. Tinanguhan lang ako ng guard at pinapasok. Four years na ako nakatira dito kaya naman kabisado na ako ng mga guards.

Nakarating na ako sa bahay na may dark blue na gate. May pinindot ako sa remote na dala ko at bumukas yung gate. Pinasok ko na ang kotse at inistop ang engine at pinindot ulit yung remote para masara iyon. Pagkatapos ay bumaba na ako at tumungo sa passengers seat para alalayin si Margaux.

Binuksan ko ang pintuan at dinala si Margaux sa kwarto ko. Sa guest room nalang ako matutulog. Hindi pa kasi nalinis yung guest room dahil bihira naman akong magkaroon ng guest. Ipapalinis ko nalang bukas sa maid.

Hiniga ko na si Margaux sa kama. Ang ganda niyang matulog. My sleeping angel. Naramdaman ko na naman na parang lalabas ang puso ko. Lumipas man ang araw mula noong huli naming pagkikita ay di ko siya nakalimutan. May nagagawang mabuti naman pala ang pag-iistalk sakin ni Clarity.

Kung hindi niya ako kinukulit at sinusunod kanina ay hindi ko maiisipang mag-bar. Inayos ko ang mga gamit ni Margaux sa night table malapit sa kanya tsaka ako lumabas sa room. Kailangan ko pang isara yung main door.

---

NAKAHIGA na ako pero di pa rin ako makatulog. When I close my eyes, all I see is her face - laughing, smiling, sleeping... Hindi mawala sa isip ko ang mukha niya, hanggang ngayon. I shifted my position. Haay. Hindi talaga ako makatulog. Anong oras na ba?

Her Messy LifeOnde histórias criam vida. Descubra agora