Chapter 10

74 1 0
                                    

Chapter 10

 

Samaniego Residence

Margie's POV

"BALIW KA NA BA TALAGA?!"

Alam niyo na siguro kung sino 'yan. Si bestie lang naman -- Kat. Kasalukuyan itong kumakain ng V-cut chips habang nanonood ng "Believe". Isang tv series tungkol sa isang bata na may mga powers.

Nandito ako ngayon sa bahay nila dahil sinabi niya na dumaan ako dito. Pagkatapos kasi naming kumain ni Dre kanina ay hinatid niya na ako. Binigyan nalang niya ako ng paper bag para doon ko ilagay 'yung mga damit ko last night.

Nakapagbihis na rin pala ako, ulit. Pinahiram sakin ni Kat ang damit niya pagkarating ko dito. Para daw magmukha akong naki-sleepover dito. 

"Margaux.. hindi mo dapat ginawa 'yon. Pumasok ka sa isang relasyon na wala namang pagmamahal--" madamdamin namang sinabi sa akin ni Celeste. 

Sa aming tatlo, si Celeste lang talaga ang malumanay magsalita kahit sobrang haba ng sinasabi niya at parang galit na. Parang magulang. Bagay na bagay talaga sa kanya ang pagiging teacher.

Nagrereview 'yan ngayon para sa upcoming LET (Licensure Examination for Teachers). Nandito si Celeste dahil binantaan daw ba ni Kat na susugod daw siya sa condo nito at manggugulo. Si Kat yata ang mas baliw samin dalawa eh. 

"Paano kung ano mangyari Margaux? Di ka ba natatakot na makasuhan? Pol Sci nga ang kinuha mong kurso, diba? Magpoproceed ka nga ng law tapos ayan---" patuloy ni Celeste.

Di ko din naintindihan mga sinasabi niya. Ang habang litanya kasi. Bumuntong-hininga nalang ako habang kinakalikot ko ang cellphone ko.

Niaccept ko na si Dre sa friend request niya sakin sa facebook. Tapos nilagay kong 'in a relationship' ang status naming dalawa para naman makita ng mga friends niya na totoo talaga ang pagpapanggap namin. Buti talaga at may wifi dito sa bahay nila Kat. 

 "Margaux.. Marge... Margie!!"

Napalingon ako kay Celeste. Nakasimangot ito. Si Kat naman kumakain pa rin ng V-cut habang tutok na tutok sa pinapanood nito. Di man lang namigay samin ni Celeste. Tsk.

Her Messy LifeWhere stories live. Discover now