Chapter 11

93 1 0
                                    

Chapter 11

Montague's Residence

June 29, 20--

Margie's POV

"Margaux.. nandito na mga kaibigan mo.." sabi sakin ni Nay Ysa.

"Okay po Nay.. papasukin niyo nalang po sila dito sa kwarto ko.." 

Nandito ako sa kwarto ko ngayon.. Inaayos ko mga gamit ko. Naglagay na rin ako ng mga pillows, banig, comforter, blankets.. at iba pang pantulog.

Pagkalipas ng ilang minuto ay...

"Hoy Marge!" sabay tapik ni Kat sa balikat ko, habang may may ginagawa ako sa laptop ko. Tapos ay tinapon niya sa gilid ng kama ang bag niyang puro pagkain siguro ang laman.

"Aray ko naman Kat! Hindi mo ba alam na parang bakal yang kamay mo?" sabay tawa ko sa kaniya. Tumawa na rin siya sakin at nag-peace sign lang sakin.

Ganiyan talaga 'yang si Kat eh. Parang may pagkalalake kung makapag-act pero ang pananamit naman niya ang babaeng babae talaga. Parang ako lang. Haha!

"Uh.. Margaux.. sure ka ba na okay kay Tita na magsleepover kami ngayon dito? Diba may bisita kayo ngayon?" nag-aalalang tanong ni Celeste sakin habang bitbit niya ang bag niyang kulay puti.

Nandito sila ngayon sa bahay dahil nga sa pinag-usapan namin kahapon na magsi-sleepover sila dito. Ngayon kasi ang dating ng 'bisita' ni Mama. Di ko pa siya nakikita dahil nagkulong ako dito sa kwarto buong araw. 

"Celeste.. diba napag-usapan na natin 'to kahapon sa bahay nina Kat? Tsaka pumayag si Mama basta dito lang daw tayo sa kwarto ko."

"Hayaan mo na 'yang si Margaux, Stella.." sabi ni Kat.

Napabuntong-hininga nalang si Celeste at umupo sa kama ko. Tapos na rin naman ako sa ginagawa ko kaya ni-off ko na muna 'yung laptop.

Parang throwback na rin namin 'to dahil last naming sleepover eh 'yung a month before graduation. Ang tagal na non. Naging busy na kasi kami sa pag-comply ng mga papers at iba pa para makagraduate pagkatapos ng sleepover na 'yun.

Her Messy LifeWhere stories live. Discover now