Chapter 2

104K 2.8K 320
                                    

GULAT, iyan ang nakikita ko ngayon sa mukha ng mga taong nandito loob.

Sino ba namang hindi magugulat kung sinabihang bakla ang mismong CEO.

Me and my big stupid mouth.

Natampal ko na lang ang aking mukha.

"Bakla? Who? For your information, Miss. Ngayon lang kita nakita at hindi kita kilala. You're delusional." Aniya.

Ha? Eh kaninang umaga lang kami nagkita. At sigurado akong siya yong bakla sa elevator.

Parehas ng damit. At higit sa lahat ang asul niyang mga mata ang hindi ko makakalimutan sa lahat. This man is sinfully gorgeous. Kung hindi lang siya bakla, edi' sana kanina ko pa to pinatos.

"But--"
Sasagot pa dapat ako nang biglang hinampas niya ang kanyang kamay sa mesa at nagsalita.

"You may now go out Miss Arellano. Take your assistant with you." Tukoy nito kay Ma'am Jean at sa assistant niya.

Bumaling naman siya sa akin.

"And you, stay here. Mag-uusap pa tayo. Ikaw ang bago kong secretary di'ba? You should know my rules" aniya.

Nakasalubong ko ang kanyang mga mata. Halatang galit ito at tila kulang nalang ay magliyab sa sobrang intensidad.

Sana lamunin nalang ang ng lupa.

Ano ba itong nagawa ko?

Unang araw pa lang palpak na.

Hindi na nagatubiling magtanong pa si Ma'am Jean. Lumabas na ito kasama ng assistant niya. Mababakas pa din ang gulat at pagtataka sa mukha nila ngunit pinili na lamang nilang manahimik.

Napabalik ako sa huwisyo nang may marinig akong tikhim.

"Kindly introduce yourself, witch"

Nagpalinga-linga ako. Bakit may boses bakla?

May speaker ba o ano dito?

"Hey stupid. Are you deaf or what?"

Aha! Confirmed! Bakla nga itong Boss ko. Itatanggi niya pa ah?

Sabi ko na nga ba.

Hindi ako nagkamali sa pagkakakilala.

"Miranda Ramos, po Sir. 25 years old." Ani ko.

Maingat na ako sa bawat salitang bibitawan ko. Baka mamaya masisante pa ako eh.

Pumilantik ang kamay niya at umupo sa ibabaw ng mesa.

"So, ikaw pala si Miranda Bruha?" Ani niya sabay irap.

How dare HE ay este SHE?!

Ako pa ang bruha? Eh mas bruha naman siya.

Siya itong baklang nagpapakitang tao eh.

"Bruha? Diba ikaw yun'?" Bulong ko. Natampal ko ulit ang aking bibig. Sana hindi niya narinig. Antalas pa naman ng pandinig ng baklang 'to.

"Ay abat! Bakit ang hilig mong bumulong? Did you know dahil dyan namatay si Rizal?"

Umangat ang tingin ko sa kanya.

Aba'y loko to ah? Pilosopo.
Kung hindi ko lang siya boss at isang tambay na bakla lang siya sa kanto, adi sana nasungal-ngal ko na ito.

Imbis na sumagot, ay nanahimik na lang ako.

"Anyway, tungkol sa sikreto ko. I want you to shut your stupid mouth about it. Ayokong may makaalam." Aniya.

May pa secret-secret pang nalalaman ang baklang to.

Siguro'y itatakwil siya ng kanyang pamilya kung sakali.

Sabagay, di' ko din naman sila masisisi. Ikaw ba naman, magkaroon ng pinagpala sa kagwapuhang anak tapos malalaman mong babakla-bakla pala?

Nako! Bigti na friend.

Nagising ako sa pagmumuni-muni ko nang may tumamang ballpen sa ulo ko.

Napatingin ako kung saan galing yon'.

Hindi pala 'saan' kundi 'kanino'

"Para ka kasing timang dyan! Salita ako ng salita tapos ikaw nga-nga lang. Asan hustisya don' diba?" Sabi niya.

Ubos na pasensya ko ah?

"Ikaw bakla ka kanina ka pa ah? Nakaka-ilang strike kana sakin. Bakit ba kasi tinatago mo pa? Leche ka. Dinamay mo pa ko sa kagagahan mo." Dire-diretsong litanya ko.

"Aba-aba impaktita ka. Sinasagot mo na ko ng pabalang ah? Have you forgotten? I'm Alejandro Roberts, the CEO of RD Conglomerate. And you're just my secretary. I can fire you whenever i want." Nag-uusok nadin ito sa galit.

Aba blockmailin ba naman ako.

"Well, go ahead! I won't hesitate na ipagkalat na 'the great Alejandro Roberts, CEO ng RD Conglomerate, ay isa palang Alejandra!" Ganti ko.

Nag-dilim ang mukha nito at mababakas mo na galit na talaga siya.

"Get out." Malamig na sabi niya.

Napikon na nga si bakla!

Lumabas ako ng may ngiti sa labi.

May nabuong plano sa isip ko. Tutal hindi naman alam ng lahat na bakla siya, at kahit bakla siya siguro naman ay may pusong lalaki pa din.

Why don't I try Seducing The Gay CEO?

I'm such a genius.


Seducing The Gay CEO (COMPLETED)Where stories live. Discover now