Chapter 12

71.5K 1.8K 93
                                    

JUST what the fuck is going on? Kanina pa ako gulong-gulo. Para saan yung halik? At ang nakapagtataka pa rito, pagkatapos niya ko halikan ay bumalik na naman siya sa asal bakla. At parang wala lang nangyari.

Heto ngayon at naka-upo kami sa kwarto ko. Ang sabi niya mag-eexplain daw ito.

"Pwede na ba ako magsimula?" Tanong niya.

"I'm all ears."

Eto lang naman ang hinihintay ko. Gusto kong marinig ang panig niya. Nagpapaka-open minded lang ako.

Huminga ito ng malalim at nagsimula ng magexplain.

"Alam mo namang pili lang ang taong nakakaalam na bakla ako at isa ka na dun. But, Shanine is different. Wala siyang kaalam-alam na bakla ako.

Isa siya sa mga close friend at shopping buddy ni Mama kaya super bawal niya malaman. I bet na sasabihin niya agad kay Mama.

And lastly, Shanine is into pursuing me. Kaya halos lagi lagi niya kong kinukulit. Argh! Kaloka. She's like a gum.

Then iyon nga dumalaw siya kagabi. Kakagaling lang niyang France at ibibigay niya lang ang relong pasalubong niya.

She insisted na isusuot niya daw sakin. Out of courtesy, pumayag naman ako.

But suddenly, she sat on my lap. Nagpumiglas ako ngunit bigla niya akong hinalikan. I didn't respond at first.

Pero bigla niyang sinabi na,
"Konti na lang iisipin ko ng bakla ka! You won't even kiss me."

At sa mga oras na iyon nagpanic na ako kaya't I kiss her para mawala ang pagtataka niya." Mahabang paliwanag niya.

Nasapo ko na lang ang aking nuo. Shit. I was totally wrong.

Nagmukmok lang pala ako for nothing. Kainis! Akala ko pinagtataksilan na ako ng aking asawa!

Joke! Ilusyonada eh. Sorry naman.

Naiinis ako sa sarili ko but somehow i feel at ease.

Tinignan ko siya ng mataman. "Ibig bang sabihin nito wala kang gusto sa Shanine na iyon?"

Tumango-tango agad siya.

Parang may sumabog na imaginary fireworks sa utak ko at tila kumakanta ang mga anghel.

Pakshet. May pag-asa pa ko!

"Pero teka, Ateng. Bakit parang wala ka yata balak pumasok sa trabaho?! Pinag-alala mo pa ko hayuf ka."

Paktay! Ano idadahilan ko? Ahm. Isip Miranda...

Dahil? Nabroken-hearted ako?

Hala. Di' pwede yun. Ah! Lam ko na.

"Ay. He-he. Nagtae po kasi ko."

Idiot. I just made a lame excuse. Clap-clap everybody.

Mukhang paniwalang-paniwala naman si Sir Beks. Kaya ayos na! Magaling pala ko gumawa ng excuse.

"Ah ganern ba? Sige, umabsent ka na lang. Bukas ka na pumasok. Baka may meeting pa kayo ng bowl at toilet paper eh." Aniya.

Inirapan ko ito. "DUH. Hindi po kaya ko gumagamit ng toilet paper! Tubig po ang ipinanghuhugas ko."

Pagkarinig niya ay lumayo agad ito na parang nandidiri.

I chuckled. "Kadiri ka, Miranda!"

Dumiretso ito palabas ng kwarto at iniwan ako dito. Hay. Baklang yon' talaga!

●●●●

MATAPOS kong maligo at magligpit ng kwarto ay bumaba na ako. Inaatake na ako ng gutom. I just remembered, hindi pa pala ako nag-aagahan.

Pagkapasok ko ng kusina may natagpuan akong bulto ng lalaking naghahanda ng pagkain.

Ehh!? Akala ko umalis na tong isang 'to.

"Hoy! Gaga, anong ngina-nganga mo dyan? Hala dali lumamon ka na!" Saad nito.

Maka-gaga naman wagas!

"Ay hala si Sir Beks naman. Nag-abala ka pa po!"

Lumapit ako sa kanya at pinanuod siyang maglagay ng kanin sa plato ko.

Sweet.

I tip-toed to reach him, grabbed his nape and smooch his lips.

"Thanks bakla. Oh ayan quits na tayo? Hinalikan mo din ako kanina eh." Sabi ko at pagkatapos ay umupo na.

Hah! Nakaganti din ako. Haha

Binalingan ko siya ng tingin. Tulala parin ito kaya hinablot ko na ang plato na hawak niya.

O.A naman nitong baklang to. Di' parin gumagalaw hayun mukha tuloy siyang statwa na naka drugs.

Naninigas at nanlalaki ang mata.

I slap him. Yung mahina lang para magising.

Mukhang natauhan naman siya.

Tinitigan niya lang ako ng masama. "Tangna ka, MIRANDA! NI-RAPE MO KO!

Napabunghalit na lang ako ng tawa.

Naisahan ko na naman siya. Woah. Eto na ba yung rainbow after the rain?

Haaay nako. Basta..

I'm starting to believe that forever is real.

Seducing The Gay CEO (COMPLETED)Where stories live. Discover now