Chapter 5

84.5K 2.2K 79
                                    

THANK God tapos nadin. Nitong mga nagdaang araw ay sobrang abala ko. Hindi lang sa pag-aayos ng mga files kundi pati din sa paggiging maid ng baklang boss ko.

Palaging,

Miranda, go buy me some snacks.

Miranda! Punta ka dito sa bahay ko ipagluto mo ako.

Miranda, alam mo yung address ng condo ko di'ba? Punta ka dun at pakilinis.

Grabe lang talaga! Wala namang relate sa secretarial ang paggiging P.A eh.

Nakaka-istress. Nag-unat ako ng braso at humikab, kulang ako sa tulog, nitong nakaraang araw ay palagi na akong nagpupuyat.

Tanghali pa lang pero inaantok na ako.

"Mirababes!" isang tinig ang gumising sa aking katawang lupa.

Boses pa lang niya masarap na pakinggan plus dinugtungan pa ng babes. Aba'y ako na malandi!

Hindi ko na kailangan mag-angat ng tingin dahil kilala ko kung sino ito.

Siya lang naman ang tumatawag sakin ng mirababes or babe.

Mapagkakamalan talaga itong syota ko. Para sa akin hindi naman alintana yun. The fact na pogi, yummy at macho siya, ay mapapaihi ka talaga sa kilig.

"Sir Marco! Anong masamang hangin ang nagtangay sa inyo dito?" Sabi ko. Imbis na mainis ay mas lalong lumapad pa ang ngiti nito. OhMyG . Eto ang gusto ko sa kanya may parteng maloko at pilyo.

Mas nakilala ko pa siya dahil halos araw-araw ay nakakasama ko ito tuwing breaks.

Marco Angelo Tuazon at your service madame.

Sumagi sa isipan ko ang sinabi nito noong araw na binigyan kiya ako ng kape.

Head ng Financial Department itong si Sir Marco pero kakaiba kung makabarkada sa mga katrabaho niya.

Hindi niya pinaparamdam na mas superior siya kaysa sa amin. Sobrang humble nito kung tutuusin.

"I just want to invite you. Lunch break, i guess?" Sabi nito.

Agad lumapad ang ngiti ko nang sabihin niya iyon.

Malilibre na naman ako!

Sunod-sunod ang pagtango ko at nagsimula ng magligpit.

Paalis na dapat kami nang biglang tumunog ang intercom hudyat ng may iuutos na naman ang mahal na baklang hari.

"Bring over my lunch, Miranda."

Wow just wow. Tumatiming talaga itong si Bakla eh. Pasalamat siya on hold muna ang misyon ko sakanya.

Lumipat ang tingin ko kay Sir Marco. "Sir, okay lang ba? Saglit lang naman po."

Simpleng tango nalang ang ibinigay nito.

●●●●

"Oh? What took you so long! Ghaad, I'm starving na." Maarteng saad nito.

Tinignan ko ang aking wristwatch.

Anak ng tinola! 15 mins lang, matagal na ba yon?!

Masyado siyang OA. Ay teka.

Si Sir Marco pala! Nag-aantay pa din sa labas. Natampal ko nalang ang noo ko.

Haggard.

Binilisan ko ang pag-aayos ng pagkain ni Bakla at nagmadaling lumabas nang nagsalita ito bigla.

"Lagi na lang kayong magkasama. Shit, nakakainis na ah?" Aniya.

That made me face him. Tinignan ko ito ng mataman.

Seryoso itong nakatingin sa akin. Malamlam ang mga mata niya at parang tutang nawawala ang mukha.

Seryoso? Ayaw niya bang inaagawan ko siya ng Papabols?

Ayoko ng mag-assume. Mamaya eh, madenggoy na naman ako.

Tinugonan ko naman ito."Don't worry Sir Beks, madami naman ibang gwapings sa mundo. H'wag lang si Sir Marco."

Lalong sumeryoso ang kanyang mukha at nakakuyom ang mga kamay nito.

Hindi mo mababakasan ang aura ng pagiging bading niya.

Naiinggit pa din ba siya?

Don't get me wrong. Ireresume ko pa din ang misyon ko which is to seduce him.

Nahinto lang muna dahil sa madaming kailangang trabahuhin at asikasuhin.

Sa panghuling beses, tinignan ko ulit siya. Ganon parin ang tabas ng mukha nito.

Nang sa tingin ko ay hindi na siya magsasalita ay itinuloy ko na ang paglakad ko palabas ng opisina.

Napihit ko na ang doorknob nang may sinabi siya.

"It's not about that. I don't like him. It's you, Miranda..."

Iyon lang ang nahuli ng aking matalas na pandinig.

Sa mga sandaling iyon ay napako na ako sa tapat ng pinto.

I literally frozed.

I'm dreaming, I guess?

Seducing The Gay CEO (COMPLETED)Where stories live. Discover now