Chapter 20

69.2K 1.7K 160
                                    

"Tang ina ka, MAHAL KITA!"

"Tang ina ka, MAHAL KITA!"

"Tang ina ka, MAHAL KITA!"

PAULIT-ULIT na nagrereplay sa utak ko ang mga katagang iyan. I still can't get through it. Teka..

Pinigilan niya ko...

Si-sinabi niyang MAHAL niya daw ako...

Toink. Then realization hit me.

Putangina mga gago. CRUSH NA DIN AKO NG CRUSH KO! ay este. MAHAL NA DIN AKO NG MAHAL KO.

Na sobrang tuwa ay hindi na ako makagalaw.

I just can't believe that you are mine now.

Haha. Napapakanta tuloy ako.

Pero teka...

Bakla siya d'ba? Pinagloloko ba ko neto? Ayoko ng umasa.

"Tapatin mo nga ako. Bakla ka ba talaga? O niloloko mo lang ako?" Diretsahan kong tanong habang hinuhuli ang mata niyang namumula kakaiyak.

Agaran siyang tumayo at mabilis na nilapata ng halik ang aking labi.

Ano yon??

"Sa tingin mo kung bakla ako makikipaghalikan ba ako sayo?"

Nag-aalab ang kanyang mga mata. Madami itong gustong ipahiwatig ngunit parang hindi niya ito kayang sabihin sa akin.

"Magseselos ba ako ng ganito sa putanginang gagong Marco na iyon kung bakla ako at walang gusto sayo?"

Kinilig ako dahil sa sinabi niya. Wowah? Selos.

Ibig sabihin pala nito ay matagal na siyang may pagtinggin sa akin kasi lagi niya na lang pinupuna ang pagsama-sama ko kay Sir Marco.

The thought of it makes me go gaga.

Ngunit may bumabagabag parin talaga sa akin.

"But... bakit nag-aakto ka pading bakla kung hindi ka naman pala isang sirena?" Tanong ko.

"Yes, i was a gay. Inaamin ko iyon. But when you suddenly came into my company and especially in my life, the wall that i built crumbled.

Imagine that, Miranda? I was a gay since elementary. I got boyfriends and some guy flings never ever ako nainlove sa babae.

But that makes you an exemption.

Simula ng magkagusto ako sayo, my male hormones stirred. Sinubukan kong tumingin sa kapwa ko lalaki pero wala ng spark at hindi na katulad ng dati." Pag-amin niya.

A tear fell from my eye.

This is real.

Dandandan dalandan. Lasap na lasap real na real, real na real.
Dandandan dalandan.

Hayan na naman napapakanta ulit ako sa sobrang tuwa.

Lahat ng alinlangan ko ay nalinaw na.

He was a gay before he met me.

At higit sa lahat, ang taong tinutukoy niyang mahal niya ay ako. To sum it up, i was angry for nothing.

It puts me at ease. Pero ang emosyong nararamdaman ko ngayon ay hindi ko maipaliwanag.

Tumitibok ng mabilis ang puso ko at parang hinahalukay ang aking kalamnan.

"So please, Miranda. Don't leave me, okay? I can't do anything without you...

You love me too, right?" Aniya

Ayan na naman siya oh. Nagpapakilig na naman ang mokong.

Hmp.
"Tse! Pasalamat ka mahal din kita. Pinakagago ka kasi sa lahat ng gago. Bakit hindi mo kasi sinabi sakin kaagad? Pinagselos mo pa ako sa mukhang hitong Shanine na iyon at sa kasama mo kaninang mukhang pugo."

Napatawa lang ito dahil sa sinabi ko.

Hala ka.. lakas nyaaan.

Totoo naman eh? Mukha naman talaga silang animal.

"It's not the right time, yet. Someday, sasabihin ko din sa iyo ang lahat. Basta always remember that MAHAL KITA, no matter what happens you will always be my baby."

Nako! Mga banat talaga niya oh. Tango na lang ang isinagot ko sakanya.

Kuntento na ako na nalaman kong mahal niya ako.

Soon. Malalaman ko din ang rason sa likod ng mga sikretong iyon.

We just need to take it slow.

"Oo na sige na. Nagpapakilig ka na naman e."

He just chuckled.
"Bakit? Masama na bang lambingin ang girlfriend ko? Mahal kita, Chuck."

"What?! Girlfriend? Agd-agad? Hindi mo naman ako niligawan eh. Tska anong CHUCK? Chuckie? Chaka? Chararat? Tarantado ka ah!" Banat ko.

Heto at tumawa naman ulit siya ng malakas.

Ano bang nakakatawa? It wasn't a joke. And i was dead serious kaya!

"Chuck means my love. My mom is a great fan of William Shakespeare at ang chuck ay ginamit niyang endearment sa isa sa mga nobela niya."

Ah... yun pala iyon.

Kaya tawa siya ng tawa. Akala ko naman kung ano.

I mentally slapped myself. Ayan kasi! Dapat nakinig ako sa World Literature namin nung college ako e.

"... at tsaka mas okay na tayo agad. Para wala ng magtangkang lumapit sayong iba. Kung ligaw lang naman hanap mo.

Kahit araw-araw pa kitang ligawan, kung gusto mo. Basta akin ka lang. Tapos ang usapan."

I'm kinda feeling that so-called kilig moment.


Seducing The Gay CEO (COMPLETED)Where stories live. Discover now