Chapter 17

65.4K 1.6K 8
                                    

"Ilang beses ko bang sasabihin sainyo na ayoko sa kanya?"
...

"No! Please stop sending those damn photos. Hindi ko kailangan ang mga yun."
...

"... Ma, i'm in love with someone else. So, please don't meddle."

SA hindi malamang dahilan ay napasalampak ako sa tapat ng naka-awang na pintuan. Alam kong mali itong ginagawa ko.

Mali ang makinig sa usapan ng may usapan.

But I can't stop myself.

Lalo lang akong nagulat sa mga huling sinabi ni Sir.

In love siya?

Kanino? Sa iba? Bakit di ko alam?

The thought of him loving someone else...

It instantly killed my heart. Penta-kill. Tang ina lang.

Wala sa sariling bumalik ako sa aking table. Inabala ko na lamang ang aking sarili sa kung ano man ang pwedeng gawin.

My plan was to seduce him first...

But

I was the first one to fall. How ironic.

Lumipas ang buong maghapon na hindi ito lumalabas ng opisina. Paminsan-minsan ay tinatawag niya ako para ipadala ang mga files sa iba't ibang department.

Tanging tango at iling lang ang sagot ko kapag nagtatanong ito. I wasn't in the mood at all.

Ang aking agam-agam ay naputol nang magbukas ang pinto at inuluwa nito ang taong pinaka-iinisan ko at ipinagdadasal na sana mamatay na sa mundo. Jk.

"Oh? Miranda, nagdinner kna bruha?" Tanong niya nang mkarating sa sa tapat ng table ko.

Samantalang ako ay nakapokus padin sa aking ginagawa.

Naiinis pa ako kaya cold treatment muna ang ibibigay ko sa kanya.

Ilang sandali muna ang pinalipas niya ngunit hindi ko padin ito pinapansin.

Ah.. bahala ka dyan.

"Hoy gaga! Ano na naman iyang drama mo? Don't tell me naiwan mo dun sa Japan yang utak mo? Huh! Cannot be." Asik nito sabay batok sa akin.

Aba tangines lang ah. Matapos niyang saktan ng palihim ang puso ko? Ngayon naman pati pisikal kong kaanyuan ay lalapastanganin niya!?

How dare he?!

Mas lalo lang niyang ginagatungan ang nararamdaman ko ngayon.

Binalewala ko lang ulit ang ginawa nito at tumutok na naman sa harap ng monitor

Halata sa mukha ng baklang ito na naiinis na siya kaya sumibad na lang ito paalis.

Buti nga sayo!

Niligpit ko na ang gamit ko at naghahanda ng umalis.

Actually inaantay ko lang talaga na mauna siya umalis.

Pang-inis lang ba.

Habang nag-aantay ako ng elevator ay may naramadaman akong tao na tumabi sa akin.

I immediately looked up.

And it was Sir Marco...

Nakaramdam ng konting panghihinayang ang puso ko. I was hoping na si Sir Beks iyon. But again... napaasa na naman ako.

"Hey. What's up, Mirababes? Long time no see, eh?" Pambungad niya.

Eto talagang si Sir Marco, mapagbiro. Hanggang ngayon ay may 'babes pa din ang tawa nito sa akin.

Hindi naman big deal yun sa akin, but to other employees tho.

Nginitian ko ito. "Nothing much, Sir. Buti buhay pa ako. Haha how about you? Still hooked up?" Biro ko.

Saktong tumunog na ang ting. Hudyat na pabukas na ang elevator at tsaka sumampa na kami.

Kami lang ang tao sa loob. Marahil ay nakauwi na ang ibang empleyado.

I was holding the handle of my bag tightly when i felt an electric shock flowed from the side to my body.

Nang liningon ko kung san galing iyon ay napasapo na lang ako sa aking mukha.

It was Sir Marco again.

Halos mangisay na ito sa kakatawa.

Pano ba naman. Sinundot niya ang tagiliran ko!

Sinong hindi makikiliti d'ba?

Him and his pranks again.

"Chill babe. Masyado kang tensyonado. Magkaparehas kayo na nakabusangot ng boss mo." Aniya.

Harhar. Just so he know. Brokenhearted kaya ko ngayon.

It was all because of that walking-piece-of-shit.

"Anyway... can i invite you to dinner?" Aya niya. Tinitigan ko muna ito. As if i was thinking twice.

Sasagot na sana ako ng hindi.
Ngunit bumukas na ang elevator.

At sakto pagbukas nito ay bumungad ang taong pinakaiinisan ko ngayon.

Speaking of the devil...

But wait.

Sino itong babaeng nakaangkla sa braso niya?!

Who the fucking hell is she?
Sa init ng ulo ko ay hinatak ko na palabas si Sir Marco while saying YES. Answering his question earlier.

I got carried away. But what can I do?

I'm already tired.

Seducing The Gay CEO (COMPLETED)Where stories live. Discover now