Chapter 3

96.1K 2.6K 344
                                    

KUMUKULO ang dugo ko. Hindi ko pinangarap na magkaroon ng sekretaryang ookrayin ako.

Kailangan ko siyang pagtiisan dahil sa alam niyang bakla ako at may binalak pang mamblackmail.

Kung sana hindi lang ako nadulas sa tono ng boses ko kanina sa elevator, ay hindi sana aabot sa ganito.

Miranda Ramos, ang babaeng perfect ang grade sa mukha ngunit bagsak pagdating sa bunganga.

Inaamin ko maganda siya, pang modelo ang katawan at height. Matalino naman dahil nakita ko sa transcript nito na graduate siya bilang cumlaude.

Ay taray! Masasapawan yata ang ganda ko.

Napasandal na lamang ako. Pagod dahil sa trabaho at pagod din dahil sa away ng mga magulang ko.

Ngunit ang mas nakakapagpabagabag sa akin ay ang bruhang si Miranda.

Her face lingered on my mind.

Hindi ko din matanggal sa utak ko ang mukha nito. Such an angelic face.

Nasapo ko ang mukha ko. Ano ba itong naiisip ko?

Minus one cannot be.

Napabuga na lang ako ng hangin.
At napakamot ng noo.

"This smells like trouble."

●●●●

MAAGA akong nagising, 5 pa lang yata ay gising na ako.

Hindi naman sa pagpapabango, ngunit gusto ko talagang maghanda ngayon.

Dahil sisimulan ko na ang aking plano.

Nagsuot ako ng black pencil skirt na hanggang taas ng tuhod at medyo malalim ang slit sa likod. Tinernuhan ko ng white ruffled blouse para magmukhang disente.

Hindi na ako nag-abalang patungan pa ito ng blazer para mas ma-emphasize ang hubog ng aking katawan. At panghuli ay ang 5 inches kong black studed pumps, para intense.

Tinignan ko ang buong pigura ko sa salamin.

Sumilay sa red matte lips ko ang isang waging ngiti.

Tignan lang natin kung hindi pa ito matitibag. Lalaki din siya, i'm pretty sure na may mabubuhay rito kahit papaano.

Iniayos ko na ang gamit ko at nagtungo na sa opisina.

Bumungad sa akin si Manong Guard. Ngumiti ito at may kasama pang wave. Akala mo eh may nakitang artista.

Dumiretso na lamang ako sa loob. Kitang-kita ang mga empleyadonb napapasulyap sa akin at pagkatapos ay nagbubulungan.

I ignored them. They're just jealous of the beauty i have. All people are like that, bringing down others just because they can't afford to see them succeed.

How ironic.

Pagkarating ko sa aking table ay nagretouch muna ako ng make up bago pumasok sa opisina ni bakla.

"Okay done!" Pumasok na ako dala-dala ang kape niya. Ma'am Jean instructed me na palagi raw dalhan si Bakla ng kape sa umaga.

Nakita kong nakatingin ito ng seryoso sa monitor ng computer. Mukhang problemado.

Ni hindi niya napansin na may pumasok.

Lumapit ako at inilapag ang kape. Dinaluhan naman niya agad ito at ininom. Ni hindi man lang nag-angat ng tingin.

Tumikhim ako. "Goodmorning Sir Bakla!"

Nag-angat siya ng tingin at biglang binuga nito ang kapeng kakainom lamang.

What the heck?

Lumapit agad ako dito at inilabas ang panyo ko. Hinagod-hagod ko ang likod nito habang pinupunasan ang bibig niya.

"Ayan kasi. Hindi nag-iingat, dahan-dahan lang sa pag-inom ha? Madami pang stock ng kape 'dun sa pantry. Hindi ka naman mauubusan." Ani ko.

Napatingin siya sa mukha ko. Nakita ko namang bumaba ng bumaba ang mga tingin niya hanggang sa umabot ito sa dibdib ko.

Tumagal ang titig niya doon at gumalaw ang kanyang lalamunan senyales na napalunok ito.

Dun ko lang narealize kung ano ang ginagawa niya.

Chancing!

Tinignan ko din ang kanina niya pang tinitignan. Kita pala ang bukana ng dibdib ko.

Sa pagkapahiya, ay agad akong humarurot palabas.

Ang baklang iyon talaga! Hindi man lang ako sinaway?

Bakit! Gusto niya ba ang mga nakita niya?

Bakit! Lalaki na ba siy--

Then, realization hit me again.

Napalunok siya! Ibig sabihin may pagnanasa siya sa akin!

May pagkalalaking kaluluwa pa ang natira sakanya!

I'm sexy and I know it!

Seducing The Gay CEO (COMPLETED)Where stories live. Discover now