Chapter 7

80K 2.2K 143
                                    

NASA loob kami ng sasakyan ni Baklang Alejandro ngayon. Napakatahimik...

Iyon ang pinakamagandang description sa sitwasyon namin. Mula nung umalis kami sa bar ay tahimik na ito. Medyo mapula-pula na ang pisngi niya dala ng medyo kalasingan.

Mabuti na lang at nakakapagmaneho pa siya ng maayos. Mukhang galit ito, halata sa mukha eh.

Tumitig na lang ako sa daang tinatahak namin...

Teka?

Papunta to sa condo ko ah? Pano niya nalaman kung saan ako nakatira?

Stalker ang peg. Ay hala! Ang haba ng hair ko. Shet.

Napatunayan kong tama nga ang hinala ko na alam niya kung saan ako nakatira. Dahil huminto na kami sa tapat ng Sky Rise. Kung saan ako nakatira.

"Get out."

Napakalamig ng boses nito na nanunuot sa bawat buto ko sa katawan. I shivered.

"Uyy. Bakla naman eh! Wag ka na po maggalit po, please?" Sabi ko.

Pero hindi ito natinag at diretso lang ang tingin niya sa harap.
"Ano ba beks! What should I do ba? Do i have to jump off the cliff? or kneel untill my knees got hurt?"

Alam kong napakaimpossible ng mga sinabi kong kundisyon but, what can i do? I can't stand the fact that he's mad at me.

"Wala. Just get out." Aniya.

Shemay naman. Sa sobrang frustration lumabas na lang ako sa sasakyan niya. Hindi man kami magkabati ngayon, pero sisiguraduhin kong bukas okay na kami!

●●●●

KINABUKASAN, sobrang aga kong pumasok sa opisina. Talagang pinlano ko ito para lang maging goodvibes na kami ni Sir Beks.

Nag-suot ako ng mid-thigh black pencil skirt, topping it with a turquoise deep-cut blouse.

Alam kong masyadong mababa ang neckline nito pero 'hiya, no more' ang peg ko.

Naisip ko kasing magpasexy at magpaganda lalo para hindi niya tanggihan ang iaalok kong dinner mamaya.

I checked my wristwatch, 5 minutes left before the clock ticks 7. Iniayos ko na ang scheduler at ang kapeng binili ko para sakanya.

I don't know what his preference is, kaya ginaya ko na lang din ito sa akin which is Caramel Machiatto.

Saktong 7 ito ng dumating. Halata sa mukha niya ang pagod at puyat. Dire-diretso lang ang lakad nito. Hindi niya ko nakita dahil nandito ako sa pantry.

Hinayaan ko munang makapasok ito sa opisina at saka ako sumunod.

"Magandang Buhay, Sir!" Ani ko. Partida, medyo kinakabahan pa ako. Baka kasi sungitan niya ako.

His forehead knotted when he spotted me. The serious look on his face didn't lessen, instead, it got more serious than ever. I'm literally shaking while striding towards him, holding the recyclable cup of coffee.

Boom. Nye napapa-english tuloy ako sa sobrang kaba. "Oh eto po, Sir Beks. Coffee, peace offering."

I placed the cup whilst keeping my mood up.

Hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na titibag ang dadamin ko dahil sa pagmamaldita nito.

Isang maikling Thanks lang ang narinig ko at dagling bumalik na ito sa pagtatrabaho.

I won't give up. Kailangan ko na siyang ayain.

Humugot ako ng isang sobrang lalim na hininga upang mapalakas ang loob ko.

"Beks, dinner tayo mamaya. Wala ka namang lakad di'ba?"

Natigil ito sa kung ano man ang ginagawa niya.

"●SEEN" aniya. What the heck? As in yung sa FB? Eto na ba yung seenzoned? Mas lalong umiksi ang pisi ng pasensiya ko.

Tiis-tiis. "Nyemas. Seryoso nga ko! Libre kita pramis!" pagyaya ko ulit.

Pero shemay, ngumuso lang siya at sinabing,
"ACTIVE 20 mins. ago"

That's it! Ubos na pasensiya ko.
"Bahala ka d'yan! Si sir Marco na nga lang ayain ko. Nyeta ka!"

Nagmarcha na ako palabas. Bahala talga siya sa buhay niya. Ako na nga nakikipagbati eh.

Ngunit matapos ang ilang minuto tahasang bumukas ang pinto ng opisina niya at iniluwa ang half-shokoy half-sirena kong boss.

"Shutang iragis ka, Miranda! OO NA! You win, bruha. Basta libre mo eh. Ayoko sa cheapipay na resto' ah?" Saad nito.

Nang sinabi niya iyon alam kong bati na kami. Pakipot lang talaga siya. Well? Pano ba yan.

I'm really irresistable kahit sa bakla.

Seducing The Gay CEO (COMPLETED)Where stories live. Discover now