Chapter 37 part 1

49.1K 985 22
                                    

PAALIS na kami ni Drew ngayon papuntang Bataan. Kung saan naroroon si Dos.

Today is my late Grandpa's death anniversary. Yan ang dahilan kung bakit umuwi dito si Kuya.

For the past 3 years since namatay si Lolo Paps ay kaming dalawa lang ni Dos ang laging present.

Si Mama ay hindi pa din makaget over sa pagkawala nito. Si Lolo lang kasi ang nagpalaki kay Mama, namatay daw si Lola Mams pagkapanganak sa kanya. Kaya sobrang naapektuhan talaga ito sa pagkawala ni Lolo. At kaya hindi siya dumadalaw tuwing death anniversary. Si Uno naman ay palaging may dahilan para hindi lang makauwi dito sa Pinas.

Hindi ko nga alam kung bakit allergic siyang umuwi e. At si Miyani na aming bunso ay katulad din ni Mama, hindi makaget over. Sinisisi nito ang kanyang sarili. Siya daw ang dahilan kung bakit inatake sa puso si Lolo Paps. Palagi kasi itong sinasaway ni Lolo na itigil ang pagpupulis, ke-babaeng tao daw eh nakikipagbakbakan.

Me and Mikaeli never bothered them again when it comes to Lolo Paps. We're quite close to him kaya kahit ano pang unos ang dumating... pumupunta kami upang bisitahin ang puntod nito.

●●●●

HABANG binabagtas namin ang NLEX, maya't maya akong kinukulit ni Miranda.

She's asking me some hilarious questions.

Yung tipong obvious naman.

"Drew! Drew! Mahal mo ba 'ko?" Tanonh niya.

See? I told you.

Sinakyan ko na lang ang trip ng babaitang 'to.

Kaya't i flashed my charming smile at sinabing "Very much, Chuck. Very much."

She giggled.

"I'm kinda hungry na po, Drew. Let's take the drive thru lane muna." Sabi nito sabay pacute.

I chuckled. That charming face of her, though.

Hinding-hindi ko yun makakalimutan.

I did as what she told me. Pinark ko ang sasakyan sa emergency parking. At hinila ko ito papunta sa gawing Starbucks.

But she stopped me.

"Eh! Naman eh. Hindi naman ako mabubusog sa menu nilang puro dahon o di' kaya sandwhich lang." Aniya.

Sabay hila sakin papunta Jollibee.

"Seriously, Miranda?"

Ngumiti lang siya at pinagpatuloy ang paghila sa akin. Kaya nagpatianod na lang ako.

She's really weird today.

Halos lahat ata ng nasa menu ay inorder na niya. Alam kong matakaw ito pero... hindi ko alam na may mas itatakaw pa pala siya.

I ended up eating all food that she left behind.

Hanggang sa paglabas namin ay ngumangata pa ito ng fries.

"Dahan-dahan lang, babaita! Daig mo pa ang hindi nakakaen ng isang taon ah?" Pang-aasar ko sakanya.

Ngunit ngumiti lang ito pabalik.

Ayan na naman siya. That weird smile gives me goosebumps.

Winaksi ko na lang iyon sa isip ko at tumungo na kami kung saan nakapark ang aming kotse.

She suddenly stopped and that made me stop, too.

She looked at me with twinkling eyes. Oh booy. I know she wants something...

Seducing The Gay CEO (COMPLETED)Where stories live. Discover now