Chapter 24

61.3K 1.2K 17
                                    

PINAMULAHAN ako ng mukha matapos niyang ibulong yon. Napaakap na lang ako dito upang itago ang namumula kong mukha.

Shit. Para akong isang teenager na nakita si crush.

I felt him stiffened pero nang magtagal ay naramdam ko na niyakap niya nadin ako.

It feels heaven in his arms.

Pwede bang dito na lang ako?

"Ahm. Chuck? Nakakangalay na ah? At tsaka ambigat mo. Ilang kilong bigas ba nilalamon mo sa isang araw?" Pambasag niya.

Anebeyen! Nagmomoment na ako e. Sinira pa ng mokong na ito.

Kinalas ko na ang aking pagkakayakap sa kanya. I immediately stood up and looked at him with tiger eyes.

He just chuckled.

Shit ansexy pakinggan. I shook my head to clear my thoughts.

"San ba tayo pupunta? What should i wear?" Problemadong tanong ko.

"Secret po. Just wear something comfy. Kahit wag ka na mag-ayos masyado. Maganda ka na para sakin."

Bakit answeet ng lalaking to?

Sarap banatan e.

Banatan ng halik.

Sinunod ko na lamang ang kanyang sinabi at nagsuot ng damit na kung saan komportable ako.

I wore a ripped shorts na mid-thigh ang haba at white knitted pullover tsaka tinernuhan ng Nike Roshe "Flyknit" iD Option.

One of my faves.

Dumiretso na kami sa parking lot. Hinagilap ko ang kotse niya na laging dala sa opisina.

"Drew, asan kotse mo? Parang wala naman dito." I said without looking at him.

Nang mapansin ko na parang walang sumasagot sa akin ay binalingan ko ng tingin ang aking tabi.

Wala na siya rito.

Asan na yun?

Aalis na sana ako nang may marinig akong makina ng kotseng huminto sa pwesto ko kanina ay agad ko itong tinignan.

Bumukas ang pinto ng kotse at lumabas ang may ari nito.

Si Alejandro!

"Holyshit! Tangina mo, Drew. Seriously? McLAREN 570s ang dala mong kotse?!"

He just smiled. Ako naman ay agaad lumapit sa kotse at sinipat ito.

The car looks badass.

At alam kong hindi biro ang halaga nito.

"Come on! Just get in. Sira yung Everest eh. Kaya eto yung dinala ko." Sabi niya.

Wowah? Rich kid talaga.

"Siguraduhin mo lang na d' moko ipapasalvage ah? Mahal ko pa buhay ko."

"Sympre hindi! Papatayin lang kita..." aniya at ngumising aso.

"... papatayin sa pagmamahal ko." Dugtong nito.

Bumaling na lang ako sa bintana upang hindi niya makita ang nangangamatis sa pula kong mukha.

Pakyu Alejandro. Pinapakilig mo na naman ako.

Pinasibad niya na ang kanyang sasakyan patungong hindi ko alam.

Tinahak niya ang gawing pa-Laguna. Yun lang ang naalala ko bago pumikit ang aking mata...

●●●●

PARANG nakalutang ako sa ere. Iyon ang nararamdaman ko ngayon. Nanatiling nakapikit padin ang aking mga mata.

Nasa heaven na ako??

Unti-unti akong nagmulat. At ang unang nabungaran ko ay ang mukha na kanina ko pa gustong halikan.

"Good. Salamat naman at gising ka na."

Napapitlag ako nang magsalita ang gwapong nilalang na nabungaran ko.

Umikot ang paningin ko at doon ko lang napansin na buhat-buhat niya pala ako.

Ghaad! Nakakahiya kay Alejandro.

Kalong-kalong niya ako hanggang sa harap ng ubod ng laking bahay.

Ipinalibot ko ang aking paningin.

Tila isang palasyo sa laki ang bahay at napakali ng pinto nito.

Ang bahay ay nakapagitna sa isang malawak na hardin sa likod at pulod puno na sa harap.

Anlaki ng lupain!

"Welcome to my humble abodé, Chuck."

Wha! Ngayon ko lang napatunayan na sobrang yaman pala talaga nitong si Alejandro.

"Yung totoo... prinsipe ka ba at mala-palasyo tong bahay niyo?

Umiling-iling lang siya habang tumatawa.

"Tara, pasok ka. There's more inside." Sabi niya.

Sinunod ko na lang ito. Pagkapasok palang namin ay bumungad saakin ang super grand staircase nila.

As in super talaga.

Tignan ko pa lang ay parang nakakapagod na umakyat.

"Drew! Karga mo ulit ako! Nakakapagod na man umakyat dyan sa hagdan niyo." Pagrereklamo ko.

"Ayoko nga! Ambigat mo e. At tska meron namang elevator kaya dun na tayo sumakay."

"Hala ka dyan? May elevator din?" Manghang tanong ko.

Hinila niya ako papunta sa kung saam naroon ang elevator.

Oo nga meron!

"Mabilis kasi mapagod si Mama kaya pinalagyan niya. Dala ma rin ng katandaan."

Sumampa na kami at pinakatitigan ko ang buttons nito.

May G, 1, 2, R.

Apat ang palapag! Bonggacious.

Doon kami nahinto sa 2nd floor.

Madaming kwarto ang nakahanay dito. At aakalain mo talagang parang hotel.

Papalapit na kami sa pinakadulong kwarto kung saan naroon daw ang kwarto ni Alejandro.

Pagtingin ko sa pinto nun ay namangha ulit ako.

Halatang mamahalin ang mwebles.

Unti-unting niyang pinihit ang doorknob.

Parang nagiislowmo sakin ang lahat.

Pagkabukas nito ng pintuan. Iyon ang nagpagimbal sa akin.

Sa kama may babaeng nakahubad-baro na nakahiga.

I'm feeling frightened. Sino to?

■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■
AN:

Hinihiling ko po na sana supportahan niyo din ang next story ko which is "DECEIVING THE HOT BACHELOR".

Hehe. Kwento ni Ligaya at ni Mikaeli Ramos, na kapatid ni Miranda natin!

Kung trip nyo lang naman basahin. Hehe thanks.

-iAmLawRei

Seducing The Gay CEO (COMPLETED)Where stories live. Discover now