Chapter 8

81.4K 2K 70
                                    

MAAGA pa lang ay inayos ko na ang aking gamit na dadalhin para sa pagpunta ng Laguna. Bibisitahin ko muna ang aking nakababatang kapatid na babae. Tutal day-off ko naman.

Kamusta na kaya iyon? Hindi ko pa kasi iyon nakakausap simula nang umalis sila nanay at tatay papuntang States kung nasaan sila kuya Mikaeli at kuya Midas.

Ang huling balita ko, ay nagtetraining ito sa pagpupulis. Bata pa lang si Miyani ay nahilig na siya sa mga baril at kung ano pang mararahas na gawain.

Pinag-aral siya nila tatay ng iba't-ibang klase ng martial arts. Kaya palaging lamog ang dalawa kong kuya kapag nambubully sila.

Patapos na ako nang biglang tumunog ang phone ko.

Tinignan ko iyon at nakitang nagpop ang pangalan ni sir beks.

From: MyBekiLablab

Bru, punta ka dito sa unit ko. Ipagluto mo ko. I'm dead sick.

Pagkabasa ko ng text nito agad akong humarurot papuntang BGC. Bahala na. May sakit si bakla! Wala pa namang kasama iyon sa unit niya.

●●●●

"BAKLA, gising!" Ani ko.

Kanina pa ako naririto at naabutan kong mahimbing ang tulog niya kaya di' na ako nag-abalang gisingin ito kanina.

Pero medyo kinakabahan at nag-aalala na ako, apat na oras na ang nakalipas at hindi pa siya kumakain. Kaya heto ako ngayon ginigising siya.

"Sir Beks naman eh! Wala pang laman iyang tyan mo" litanya ko.

Ngunit hindi man lang ito bumangon. Pinagmasdan ko na lamang siya...

Sobrang gwapo niya talaga kapag tulog at mapayapa ang mukha. Sa sobrang kagwapuhan nito ay nauwi na sa sobrang kagandahan. Hay.

Kailan kaya niya ko mapapansin? Oo, napapansin niya ko pero alam ko namang naiinggit lang ito dahil natural na babae ako at siya fil-am as in feelingera na ambisyosa pa.

Pinakatitigan ko ulit ito, antagal naman niya gumising. May nag-pop na ideya sa isipan ko. For sure magigising to'.

*Kunin mo na ang lahat sa akiiiin,
Wag laaaang ang mahaaaa---*

Hindi ko pa natatapos ang kanta ko nang may lumipad na unan sa mukha ko. The heck?!

"Ang ingay mo! Ghad my ears." Madramang sabi ni Bakla may takip-takip pa ng tenga effect.

Dami alam.

Anyway. Mabuti naman at nagising ito. Lihim akong nagbunyi, sabi ko na nga ba magigising agad to eh.

"Ano bang pinaglalaban mo d'yan, Gaga! Ke' aga aga nakakadagdag ka lang sa sama ng pakiramdam ko."

Dahan-dahan siyang tumayo at inayos ang nalukot na damit. Halata sa postura nito na hindi pa kayang tumayo ng maayos which is dah may sakit pa nga ito. "Bangag ka ba? O sadyang tanga-tangahan ang peg? DUH. Tinext mo po kaya ako." Sabi ko.

Totoo naman eh'. Sino kaya tong tangang nagtext sakin na pumunta at ipagluto siya pagkatapos tatanungin lang ako ng "Anong pinaglalaban mo?".

Nararamdaman ko na ang imaginary usok na lumalabas sa ilong ko ngunit mas nanaig sakin ang pagmamahal ko sa nilalang na ito.

Kaya't imbis na makipagtalo ay inalalayan ko nalang ito papuntang banyo.

Akmang hahawakan ko na siya nang,
"Keribels ko na. Shooo!" Pagtataboy niya sakin.

"Hmp. Arte! Pag na dulas ka at nabisaklat dyan! Nakoo. Ako ang unang tatawa" pabulong kong saad.

Inihanda ko na ang pagkain niya nang matapos ito sa kung ano mang karumaldumal na ritwal ang ginawa niya sa banyo.

Wala naman itong arte at basta na lang kinain ang inihanda ko.

Wait.

No shit!

Si Sir Beks? Walang arte? Hindi pakyeme-kyeme?

Tang'na! May sakit nga siya! Baka kinukumbulsyon na. Agad kong sinalat ang noo niya.

Ngunit wala naman. Ako yata ang kinukumbulsyon! Kailangan ko na nga yata magpageneral check up.

NATAPOS ang araw at medyo bumaba na ang lagnat niya. Buong araw na parang maamong tuta ito na sinusunod ang gusto ko.

Kahit sa pagpupunas ng katawan niya. Ako din ang gumawa! Pero shemerds di' ko maiwasang mapatingin sa kanyang oh-la-la na abs.

Minsan napapaisip nga ako eh. Bakit 30 percent ng mga bakla gwapings? Kahit artista!

Siguro'y hindi sila kuntento sa isang sex este gender lang.

Haaay nako.

Anyway, highway, holiday, masaya ako ngayon at nasaksihan ko ang ibang pagkatao ni Sir Beks.

I'm so damn lucky.

Seducing The Gay CEO (COMPLETED)Where stories live. Discover now