Prologue

9.7K 224 18
                                    

"From the past; bloody happenings will return

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"From the past; bloody happenings will return."

Magsisimula na ang laro, ang laro ng kamatayan. Handa ka na bang masindak at magmakaawa, magulat at matakot?

Halina't sumama ka sa pagdalaw ng kamalasan sa tinaguriang, 'The best section' o pwede ring tawagin na "The Cursed Section".

Sa panglabas nitong anyo, makikita mo ang kagandahan at kabutihan ng ugali nilang lahat. Ngunit sa kabila ng mala-anghel na mukha, makikita ang madugong sikreto. Sikreto na wawasak sa buhay ng karamihan.

Walang matitira.

Walang makakaligtas.

Are you willing to escape? Are you willing to succeed? Are you willing to keep your secret?

If you are, come here and take these consequences.

But if you already start, wala nang atrasan. You can't quit and just run the game.

So, good luck!

Welcome to the Agony!


***

18 years ago...


"Mich, tara na kase!" pilit na kinukumbinsi ni Glaize ang kaniyang kaibigan upang samahan siya nito. "Natatakot akong pumuntang mag-isa sa CR!"dagdag pa niya ngunit hindi pa rin nagsasalita si Michelle at tila ba nagbibingi-bingihan lamang ito.

Gusto niyang humiga na lang maghapon sa kaniyang kama kaysa magpa-abala sa kaniyang matagal ng kaibigan na si Glaize kung kaya't agad siyang tumanggi at ipinakita ang pagkairita sa nangungulit pa ring kaibigan.

"Mag-CR ka mag-isa mo! Duh! Bakit ka ba kasi natatakot?" tanong naman ni Michelle.

Imbis na sumagot pa'y napabuntong-hininga na lamang si Glaize. Hindi na niya pinilit pa si Michelle na samahan siya sa CR at iniwan na lamang niya ito doon sa kanilang dorm.

Lumabas ang dalaga at naglakad-lakad papunta sa CR ng kanilang Walybecc Academy, ang paaralan kung saan siya kasalukuyang nag-aaral.

Pumasok siya sa palikuran kahit na natatakot siya. Dahan-dahan ding naglakad si Glaize at sinubukang hindi gumawa ng kahit na anong ingay. Maingat niyang inihahakbang ang kaniyang mga paa dahil sa tensyong bumabalot sa loob ng banyo.

"Nandito ka pala Glaize!"

Dala ng labis na kaba'y agad nanlaki ang gulat na gulat nang si Glaize ngunit agad din naman siyang kumalma nang masaksihan ang taong nagsalita mula sa likuran niya.

"Hay! Akala ko kung sino na!"

Nakahinga naman siya ng maluwag nang makita niyang si Ronna pala ang sumunod sa kanya. Nginitian lamang siya nito.

"Bakit ka nandito Ronna?" tanong niya sa kaibigan.

"Iihin din. Bakit, ikaw lang ba ang may karapatan na umihi dito?" sarkastikong tugon ni Ronna at nginitian si Glaize.

Hindi na sumagot pa si Glaize sa tanong ni Ronna. Naglakad na siya papunta sa pinakadulong cubicle. Binuksan niya ang pinto at labis niyang ikinagulat ang bagay na kaniyang nasaksihan doon—bagay na kailanma'y hindi pa niya nakikita buong buhay niya.

"Ahhhh!" palahaw ni Glaize. Tila ba muling bumalik ang takot sa kaniyang kalooban kaya naman binalibag niya ng malakas ang pinto ng cubicle at nagmadaling tumakbo papunta sa pinto ng CR. Ngunit labis niyang ikinagimbal nang malamang nakakandado ang pinto at hindi niya magawang buksan ito.

"Palabasin niyo ako dito!" Pilit na nagsisigaw si Glaize habang kinakalampag ang pinto ng palikuran ngunit tila ba'y walang balak tumulong sa kaniya lalong-lalo pa't Sabado at ang karamihan ng mag-aaral ay nasa kani-kanilang dormitoryo lamang.

Determinado pa ring makalabas ng palikuran si Glaize hanggang sa maramdaman niya ang kakaibang presensiya mula sa loob. Tila ba'y dahil na rin sa takot ay mas lumakas at mas lumamig ang simoy ng hangin.

Alam niyang may mali sa mga nangyayari hanggang sa makita niya si Ronna na lumabas mula sa loob ng isa pang cubicle. Kinikilabutan ma'y pilit niyang tinatatagan ang loob niya lalo pa nang masaksihan niya ang nakangising mukha ni Ronna at animo'y may binabalak na masama sa kaniya.

"Bakit ka natatakot? Masyado ka namang scaredy-cat!" aniya kay Glaize habang suot ang pa rin ang nakakalokong ngiti bagay na mas nagpasindak sa kaibigan.

"R-Ronna.."

"Welcome to hell!" wika pa ni Ronna at pagkatapos ay hinigit ang nakitang bangkay ni Glaize galing sa cubicle. Hanggang sa humantong na ang bangkay sa harapan nila.

Hindi na nagsalita pa si Ronna bagkus ay tumingin lamang siya kay Glaize. Para bang sa pamamagitan lamang ng mga tinginan ay nagagawa nilang makapag-usap sa isa't isa kaya naman napalunok ng mariin si Glaize dahil alam niyang wala na siyang magagawa pa kung hindi sumunod kay Ronna kung gusto niya pang mabuhay.

"Deal?" tanong ni Ronna matapos iblackmail si Glaize.


Fifth Section (Completed)Where stories live. Discover now