Chapter 18: Betrayal

1.1K 46 1
                                    

Chapter 18:
Betrayal
Louisse’s POV


Kanina pa namin hinihintay ang lecheng Grace na ‘yan. Tss! Masyadong paimportante, di naman kagandahan. Nakakairita.


“Ano nasan na ba siya?” iritang tanong ni Emmanuelle. Isa pa siya e, feeling din na sobrang ganda, e napaka OA naman niya. Tss, if I know sobrang plastic niya. Hindi ko naman sinasabi na hindi ako plastic e, pero siya mas iba ang ugali compare naman sa akin.

At isa pa, likas na mas maganda ako sa kanya.


“Paparating na ‘yun, tinext ko na,” sagot naman ni Janine habang naiirita narin. Tsk! Kahit kailan talaga, lagi siya yung nahuhuli. Nag-evolve lang ng kaunti, nag-iba na din ang ugali.


Biglang bumukas ang pinto. Oh, the weido! Walang iba kundi ang low fashion girl na si Trixie na ubod ng baduy. Isa pa, napakaweird niya at ayaw na ayaw ko sa kanya. Lahat naman kami ayaw sa kanya e, except Riyalyn.


Well, speaking of the bitch, siya ang dahilan kung bakit kami nagtitipon-tipon dito. Yes, it’s for her. Why? Because for her stupid birthday tomorrow. At ewan ko ba dito sa Irah na ‘to kung bakit kailangan pa naming pagtuunan ng effort ang birthday ng babaeng ‘yun.


Ni-hindi nga kaibigan ang turing namin sa kanya e. Pinaplastik lang talaga namin siya ni Emmanuelle dahil wala naman talaga kaming paki sa kanya. Nagsisisi na nga ako e. Kung bakit lumapit pa kami sa kanya e wala naman kaming makukuha sa kanya.


Bumukas muli ang pinto. Lintik lang dahil hindi parin si Grace ang dumating. These two idiots na pinagsisiksikang mabuti ang mga sarili nila sa amin. Sino pa ba? Edi ang dalawang exchange students na sina Erika at Joyce. Kung makaasta din sila, akala mo naman ay tanggap na tanggap na namin sila. Tsk!


“Bwisit na Grace ‘yan!” iritang sabi ni Irah na kanina pa din tingin ng tingin sa relo niya. Bakit ba kasi ang tagal niya? Kanina pa siya tinext ah? Di pa ba niya narereceive?


“Ang ingay mo feeler!” sigaw ni Athena kay Irah. Nainis na naman itong si slut na Irah at agad siyang tumayo. Uh-oh! Mukhang magkakaroon na naman ng kaguluhan.


“Mas feeler ka b*tch!” sagot naman ni Irah na nasundan ng sampal kay Athena. Napahawak si Athena sa mukha niya na mamula-mula dahil sa lakas ng sampal ni Irah. Nanlisik ang mga mata niya at pinagsasampal din si Irah. Nagulat na lang kami nang biglang nakitulong ang baguhang si Kristine at pinagsasabunutan si Athena.


Naglapitan din ang mga lalaki at pinagtatadyakan nila si Athena. Huh! Buti nga lang sa kanya ‘yan. Sobrang taray niya, akala mo naman e kung sino siyang magaling kung makaasta.


“F*ck! St*pid! Stop it you bullsh*t! All of you!” sigaw ni Athena habang pinagtutulungan parin siya. Mukhang nalalamog na si Impokrita pero bigla din namang tumigil ang lahat sa mga ginagawa nila nang magbukas ang pinto at dumating ang walang kwentang si Grace.


Parang namumutla siya nang buksan niya ang pinto. Agad nagtayuan ang lahat. Gulong-gulo ang buhok ni Athena habang naluluha na din. Inis na inis naman si Irah na nakayukom ang kamay niya habang tinitingnan ng masama si Athena.


“Anong nangyayari dito?” sigaw ni Grace habang pinagmamasdan ang mukhang taong grasa na si Athena. Sinamaan lang niya ng tingin sina Irah.


“Kung hindi ka sana pa-VIP, hindi magkakagulo!” sigaw ni Emmanuelle at inirapan niya si Grace. Namuo naman ang pagtataka sa mukha ni Grace dahil sa sinabi ni Emmanuelle. Nakakairita talaga. Napakanonsense ng meeting na ito.


Fifth Section (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें