Chapter 31: Revival from the past

1K 33 1
                                    

Chapter 31:
Revival from the past
Emmanuelle’s POV

Bwisit talaga ang Riyalyn na ‘yun! Napakaepal talaga noong simula pa lang ng pagpasok niya dito. Tss. Naniniwala parin talaga kami na siya ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng patayan sa section namin. Isang walang kwentang kaklase. Dapat siya ang patayin bago pa niya kami maunahan.

“Ano bang mapapala natin dito? Ang gabok-gabok oh!” reklamo ko kay Irah habang naglilibot-libot kami dito sa lumang library. Nakakainis talaga. Ano bang kailangan naming hanapin dito? Dapat pala hindi na ako sumama sa kabaliwan nila.

“Ang arte niyo naman, may mabuting idudulot ang paghahanap natin sa librong ‘yun kapag nahanap natin,” sagot naman ni Irah habang nakatayo lang kami ni Louisse at tinitingnan ang ginagawa niyang paghahanap sa hindi naming malaman na libro. Nababaliw na talaga si Irah.

“Ano bang klaseng libro ‘yun? Kanina pa tayo hanap ng hanap, hindi naman natin alam kung anong hahanapin! Bullsh*t!” wika ni Louisse. Pumay-awang naman si Irah bago tinaasan kami ng kilay.

“Basta, ‘yung yearbook,” tipid niyang sagot. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Yearbook? Anong yearbook?

Pieces of the future ang title nun. Yearbook yata noong 1997,” dagdag niya. Teka, parang nakita ko na iyon kanina sa paghahanap namin.

“1997? Nakita ko yun doon sa A section bandang rightside ng bintana,” sabi ko sabay turo doon sa kabilang side namin. Agad namang tumakbo si Irah papunta doon at nagsimulang maghanap. Tss. Bakit ba kasi dito pa nilalagay ang mga dating yearbook? At bakit wala ng gumagamit nito? Maayos pa naman ah?

Sa pagtingin ko sa palibot nitong library, may naalala akong mga pahayag na hinding-hindi ko malilimutan. Dito nga pala.

Mabagal ang paglalakad ko pero hindi ko inaasahang, matutumba ako sa sahig dahil sa katangahan ng babaeng ito. Ano na naman bang problema niya at masyado siyang nagmamadaling tumakbo?

“Shit!” sigaw ko sa kanya at tsaka pinandilatan ng mata. Nagulat naman ako nang may magtayo sa akin sa pagkakatumba at nakita kong si Louisse pala iyon. Pinagpag ko ang damit ko at muling tiningnan si Kim habang pinagpapawisan siya.

“Tulungan natin siya,” pag-aalala niya. Sinong siya? Bakit ayaw niyang sabihin kung sino?

“Ha? Sino?” pagtataka naman ni Louisse habang hawak-hawak ang isang bote ng kape na binili niya sa cafeteria kanina.

“Si Julie, nasa loob siya ng lumang library. Kinulong siya ng killer doon. Kailangan niya ng tulong,” pagpapanic niya. Napalunok ako sa sinabi niya. Si Julie, hawak ng killer? Kaya ba ilang araw siyang nawawala?

“Teka, paano naman nangyari ‘yun? At ano yung sinabi mo kanina sa text message tungkol sa naamoy mo sa room ng Fourth Section?” tanong ko naman habang naghahabol siya ng paghinga dulot ng pagkahapo sa pagtakbo.

“Isang bangkay pati na din ang patay na katawan ni Franz,” sabi niya. Nanlaki ang mata naming dalawa ni Louisse nang bigla na lang siyang tumakbo palayo. Ang weird yata ngayon ng babaeng ‘yon. Totoo kaya ang sinasabi niya?

“Creepy,” bulong sa’kin ni Louisse habang pinagmamasdan namin siyang lumayo. Maya-maya’y naglakad narin kami hanggang sa naisip namin ang tungkol sa plano.

“Siguradong mag-eenjoy si Riyalyn sa kanyang birthday celebration,” pagbubukas ko ng usapan. Napangiti na lamang si Louisse habang naglalakad kami papunta sa plaza.

Fifth Section (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu